Chapter 2.5

260 43 5
                                    


Hindi muna gumalaw si Wong Ming sa kaniyang sariling kinaroroonan at inobserbahang mabuti pa ang sitwasyong kinaroroonan niya.

Pakiramdam niya kasi ay mayroong mali sa lugar na ito lalo na sa misteryosong lawang nasa gitna ng kagubatang ito.

Hindi siya tanga upang isiping ordinaryo lamang ang lahat ng nangyayari rito.

Unang-una ay pambihirang Blue Archean Birds na karaniwang naninirahan sa katubigan lalong-lalo na sa gitna ng karagatan at pangalawa ay ang paglitaw ng Poseidon Phlox na isang uri ng pambihirang halamang bulaklak na maituturing na rarest herbs.

Ngunit ang nangyayari ngayon ay tila nakakapagtaka, hindi dahil lamang sa paglitaw ng pambihirang halamang bulaklak na Poseidon Phlox kundi sa kakaiba ngunit organisadong galaw ng mga Blue Archean Birds. Edi sana kinuha o kinain na ng mga ito ang isang rare herbs kung sakali hindi ba? Pero bakit hindi eh at yun ang misteryo sa ganitong klaseng senaryo.

Maya-maya ay naningkit na lamang ang mga mata ni Wong Ming nang biglang kumulo ang katubigan na siyang ikinamangha ni Wong Ming.

Isa na naman kasing pambihirang kaganapan ang napansin niya rito lalo pa't ramdam niyang walang pwersang galing sa labas ang may gawa nito kundi sa mismong loob ng misteryosong lawa sa gitna ng kagubatang ito ng Ashfall Forest.

Maya-maya pa ay hindi inaasahan ni Wong Ming ang paglabas ng tatlong nilalang na siyang ikinanlaki ng dalawang mga mata ni Wong Ming.

Sinong mag-aakalang ang kaalaman ni Wong Ming ay masyadong sarado upang masaksihan ang mga kaganapang ito sa misteryosong nakapaloob sa malawak na lawang ito.

Lumabas sa tila kumukulong lawa ang tatlong nilalang na mayroong kakaibang anyo. Hindi isang tao kundi isang uri ng demonyo.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay mga Water Demon ang mga ito. Hindi niya aakalaing totoo ang existence ng mga demonyong mayroong taglay na mga elemento ngunit hindi niya inaasahang dito pa sa loob ng Ashfall Forest niya unang nasaksihan ang existence ng mga ito.

SHRRIEEEEECCKKKKK!

Narinig na lamang ni Wong Ming ang malalakas na atungal ng mga dambuhalang magical beasts na mga Blue Archean Birds sa himpapawid maging sa mga batuhang tila nagbabantay sa bungad ng malawak na lawang hindi ordinaryo.

Dito napagtanto ni Wong Ming na mga highly trained ang mga Blue Archean Birds na nandirito at kapwa nagsisilbing mga bantay ang mga ito papasok at palabas ng lagusang ito.

Ngayon ay tila napagtagpi-tagpi niya na ang mga bagay na nagpapagulo sa utak niya. Hindi niya aakalaing muntik na siyang mabitag sa sariling kagagawan ng mga Water Demon lalo na sa lagusang meron ang mga ito na papunta mismo sa mundo ng mga ito.

Agad na hinukay ni Wong Ming ang alaalang  nakuha niya sa dating pirata. Hindi niya aakalaing ganito ang sitwasyong bubungad sa kaniya.

Dahil sa memoryang meron siya ay malalaman niya ang mga bagay na maaaring makatulong sa kaniya patungkol sa mga uri ng demonyong naninirahan sa loob ng malawak na lawang ito.

Sa paghahanap ng kasagutan ni Wong Ming ay tila marami nga siyang nakaligtaan. Ang dating piratang may-ari ng mga alaalang ito at sa lugar na pinuntahan nito ay mayroong pagkakahawig sa lagusang ito.

Nalaman ni Wong Ming na mayroong hiwalay na dimensyon ang mga ganitong mga nilalang na tinatawag na Demon World. Isang mundong iba ngunit konektado sa mundo ng Martial World na kinabibilangan niya. Halos magkasinlaki lang kung titingnang mabuti ang mundong ginagalawan ng mga ito kumpara sa mundong ito ngunit higit na malaki ang Martial World na ginagalawan niya.

Hindi man tiyak ni Wong Ming kung gaano kalawak ang mundong ito maging ang Demon World ngunit isa lamang ang maaaring konklusyon niya rito, parehong nag-eexist ang mga mundong ito ngunit magkakaiba ang uri ng pamumuhay na meron ang dalawang mundong konektado sa isa't-isa.

Nalaman niya ring nahahati ang Demon World sa iba't-ibang parte kung saan ay mayroong bahagi rito ng lupaing ito ay nabibilang sa mga Five Element Demon Nations at mga naglalakasang Hybrid Element Nations.

Hindi aakalain ni Wong Ming na iilan lamang sa mga kaalamang ito ay halos hindi niya aakalaing malalaman niya dahil sa dating memorya ng yumaong piratang napaslang niya sa kakaibang lugar noong wala siyang malay.

Agad namang napatigil si Wong Ming sa kaniyang sariling ginagawa at bumalik sa reyalidad. Kitang-kita niya kasi ang tila paglabas at pagtapak ng tatlong Water Demon sa mga batuhang kinaroroonan ng mga Blue Archean Birds.

Ang mga mababangis na mga magical beasts katulad ng Blue Archean Birds ay tila naging parang maamong mga tuta ang mga ito sa harap ng mga Water Demons na siyang tanaw na tanaw ni Wong Ming sa hindi kalayuan.

Agad na binalutan ni Wong Ming ang buong katawan niya ng mas makapal na protective essences lalo pa't ramdam niyang malalakas ang mga Water Demon na ito na halos kapantay niya lamang ng cultivation ang bawat isa sa mga ito.

Maling galaw niya lamang ay maaaring matuklasan siya ng mga ito at hindi malayong paslangin siya ng mga ito.

Batid niyang katulad ng mga nilalang sa mundong ito na ginagalawa niya ay mayroong mabubuti at masasamang mga nilalang kaya ang mas mainam niyang gawin ay mag-ingat at mag-isip ng mga bagay na ikabubuti niya.

Mabilis na narinig ni Wong Ming ang usapan sa pagitan ng mga Water Demon na ito sa kakaibang lenggwaheng gamit ng mga ito sa pinagmulan nilang mundo.

Mabuti na lamang at marunong umintindi ng lenggwaheng gamit ang ma Water Demon na ito. Hindi man niya alam ang pangkalahatang gamit ng wika ng mga ito ay nagpapasalamat pa rin siya dahil sa memoryang meron ang yumaong pirata na napunta sa kaniya kaya hindi siya maaaring magkamali sa pag-unawa ng mga ito.

Agad na pinakinggan ni Wong Ming ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Batid niyang merong dahilan kung bakit tumawid sa mundo nila ang tatlong pambihirang Water Demons na kasinlakas niya ang mga ito.

Nauunawaan niya na ipinagbabawal ang malayang pagtawid ng mga nilalang na ito sa mundo nila maging ng nilalang rito sa papunta sa Demon World.

Mas mapanganib ang lugar doon kaysa rito kaya alam niyang ang Cultivation practices dito at sa mundong iyon ay magkaiba at walang dudang malalakas ang mga ekspertong namumuhay roon. Patunay lamang na maging ang yumaong piratang may-ari ng memoryang nakuha niya sa misteryosong lugar ay doon din nanggaling.

Isa pa ay nagkaroon din ito ng water domain na isa sa mga kakayahan na magagawa ng mga Water Demons. Batid niyang ibang usapan na naman ito na maaari niyang tuklasin sa hinaharap.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now