Chapter 2.9

212 44 3
                                    


Mabilis na napangisi na lamang si Wong Ming sa sinabing ito ng mga Water Demons at mabilis ma nagwika.

"Hahaha... Nagpapatawa ba kayo? Kahit saang anggulo tingnan ay ipit na ipit kayo. Sadyang mahihina lang talaga kayo kung tutuusin. Natural lamang na kaawa-awa kayo sa lagay na yan. Kung iniisip mo ang lagusan na iyan ang magpapabagsak sa aming mga lahi ng tao ay nagkakamali ka ng inaakala. Kapag nalaman ng mga naglalakasang mga eksperto sa mundong ito ang lagusang iyan patungo sa mundo niyo ay tiyak akong tapos na ang maliligayang mga araw niyo. Ordinaryo man kung tutuusin ang mga lahi ng tao ay nag-uumpisa ang Cultivation namin sa pinakamababa patungo sa pinakamataas hahahaha!" Sambit ng binatang si Wong Ming habang mabilis itong humalakhak ng malakas sa huli.

Kitang-kita niya kung paanong natuod sa kinatatayuan nito ang tatlong Water Demons. Ngunit agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya nang mapansin niyang biglang naningkit ang mga mata ng mga ito habang nakatingin sa kaniya.

"Wala kaming pagpipilian binata kundi ang dispatyahin ka. Hindi kami natatakot sa maaaring epekto ng gagawin namin ngunit naniniwala akong kapag napaslang ka namin ay mas hahaba pa ang oras na gugugulin namin bago kami makakuha ng mas magandang plano para sa angkan namin!" Malakas na sambit ng babaeng Water Demon na si Demoness Crea. Kitang-kita sa mga mata nito ang determinasyon na mapaslang ang binata alang-alang sa pinakainiingat-ingatang sikreto ng kanilang angkan.

Hindi siya naniniwala na magiging banta ang lahat ng kaganapang ito kung maililigpit nila ang taong saksi sa kanilang mga pinaplano sa kasalukuyan nilang suliraning kinakaharap.

Napatawa na lamang si Wong Ming sa sinabing ito ng babaeng Water Demon. Hindi niya alam ngunit parang pakiramdam niya ay magiging kapana-panabik ang labanang ito sa pagitan niya at ng babaeng Water Demon na si Demoness Crea.

"Sasamahan na kitang labanan siya Demoness Crea, ako ang dapat na tumapos sa pesteng nilalang na ito na mula sa lahi ng mga tao. Tama nga ang sinasabi ng ating mga ninuno na mga taksil at hindi mapagkakatiwalaan ang sinuman sa mundong ito!" Nanggalaiting saad ng isang Water Demon na si Phlox Guard Chief Saleos habang naniningkit pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa gawi ni Wong Ming na animo'y isang malaking lobong gusto nilang durugin ng pinong-pino ang buto't laman nito upang mawala na sa landas nila.

Hindi pa nakakasagot si Demoness Crea ay mabilis na sumabat ang binatang si Wong Ming na matikas na naglakad paabante ng dalawang hakbang.

"Hahahaha... Kahit magsama pa kayong dalawa ay ayos lang. Wala naman kayong laban sa isang katulad ko hahaha!" Pangmamaliit ni Wong Ming sa nasabing mga Water Demon na ito.

"Kung gayon ay lalabanan ka naming dalawa at papaslangin sa brutal na pamamaraan. Pagpipira-pirasuhin kita hanggang sa mapaslang ka namin!" Sambit ni Phlox Guard Chief Saleos habang nakangisi ito ng malademonyo.

Mabilis na ikinumpas ni Demoness Crea ang kamay nito kasabay ng pagyanig ng kalupaan sa kinaroroonan ni Wong Ming.

Umalpas ang maraming tubig sa ilalim ng lupa na siyang kulay hugis bilog na kumulong sa binatang si Wong Ming.

Bago pa man ito mabuo ay mabilis na naglabas ng malakas na awra ang binatang si Wong Ming.

BANG!

Sumabog ng malakas ang pabilog na tubig kasabay nito ang pag-atras ng tatlong hakbang si Demoness Crea.

"Hindi mo ko matatalo lamang sa simpleng pamamaraan ng Demonic Water Cage mo Binibini." Simpleng sambit ni Wong Ming. Mahihinuha niya kasi na minamaliit siya ng mga ito sa paggamit ng mga simpleng pamamaraan ng babaeng Water Demon na ito.

"Kung gayon ay gusto mong matikman ang mabagsik na atake ng aming Water Demon?! Pwes, itong sayo!" Sambit ng Water Demon na si Phlox Guard Chief Saleos at mabilis na itinapat ang kamay nito sa direksyon ni Wong Ming kasabay nito ang pag-alpas ng dambuhalang water web sa kamay nito patungo sa nasabing binata.

Luminous Thousand Webs!

Napakaraming mga Water Webs ang nakita ni Wong Ming na patungo sa kaniya.

Agad na napangiti si Wong Ming dahil alam na alam niya ang ganitong klaseng atake ng mga Water Demons. Isang reflective skill ito na maituturing na pambihira ngunit pansin niyang maraming nagbago sa lakas ng mga ito kumpara sa alaalang meron ang dating pirata. Higit na mas malakas ang nakalaban nito kumpara sa nakalaban niyang water demon ngayon.

BANG! BANG! BANG!

Nakita naman ng tatlong Water Demon ang mabilis na pagbagsak ng maraming mga Water Webs sa kinaroroonan ng nasabing binata na mula sa lahi ng tao na ngayon ay nadale ng mga Water Webs.

Hindi sila maaaring magkamali dahil kitang-kita nila kung paano ito natrap sa unang water webs na pinalasap ni Phlox Guard Chief Saleos.

"Ako naman!" Sambit ni Demoness Crea at mabilis itong nagcast ng Water Demon Skill.

Water Devouring Lightning!

Mabilis na dumilim ang kalangitan habang kasabay nito ang pagguhit ng nagtatalimang linya ng mga boltahe ng kidlat. Isang patunay na ginagamit ng skill na ito ang kakayahan ng natural na enerhiya ng tubig na humalo sa kalangitan.

BANG! BANG! BANG!

Tatlong magkakasunod na kidlat ang tumama sa kalupaan kung saan naroroon si Wong Ming ngunit laking gulat na lamang ng tatlong Water Demons nang mapansing umalpas sa ere ang mga Water Webs bago pa tamaan ng kidlat ang mga ito.

"Hindi maaari ito. Imposibleng mangyari ito!" Malakas na wika ni Demoness Crea nang mapansing tila nasayang lamang ang ginawa niyang Water Demon Skill.

"Pa-paano n-niya nagawa ito... Hindi ko ito inaasahang mangyari!" Tila nauutal na turan ni Phlox Guard Chief Saleos habang naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa direksyon ng nasabing binatang kabilang sa lahi ng mga tao.

"Isa lamang ang naiisip ko. Mayroon siyang alam sa ating kakayahan bilang Water Demons o di kaya ay ang kinatatakutan kong mangyari. He could have grasp those Elemental Demon Laws!" Seryosong sambit ng kanina pang tahimik na si Lord Damon. Sa buong durasyon ng laban ay inobserbahang mabuti niya ang galaw ng nasabing binata.

Akala niya ay nagyayabang lamang ang binatang mula sa mundong ito ngunit nahalata niyang hindi ito nagyayabang lamang.

Nang ma-absorb ng dalawang Water Demon na si Demoness Crea at Phlox Guard Chief Saleos ay napatingin ang mga ito kay Lord Damon na nanlalaki ang mga mata ng mga ito.

"Elemental Demon Laws?! Hindi maaari iyon. I-imposibleng matutunan ng binatang iyan ang Elemental Demon Laws ng Demon World!" Puno ng kaseryusohang wika ni Demoness Crea habang makikitang hindi ito naniniwala ngunit napataas ang tono ng pananalita nito. Hindi siya naniniwala. Alam niya kung gaano kahirap sumagap at umunawa ng Elemental Demon Laws na maging silang mga purong mga demonyo ay walang masyadong insights patungkol sa nasabing batas na nakasulat sa malalaking scriptures sa iba't-ibang parte ng Demon World na pinangangalagaan ng iba't-ibang naglalakasang mga pwersa ng mga angkan at mga emperyo.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon