Chapter 4.2

261 46 5
                                    

Imbes na sumagot si Wong Ming ay mabilis nitong sinuntok sa ere ang imahe ng sinasabi ni Qiáo Jian na Dark Demon God na pinalabas nito gamit ang pambihirang skill daw nito.

Crack! Crack! Crack!

Ang inaakalang malakas na kaanyuan na Dark Demon God ni Qiáo Jian ay bigla na lamang nagkaroon ng bitak-bitak ang kaanyuan nito.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang bigla na lamang nangyari sa ere na siyang ikinabigla at ikinapanghina ni Qiáo Jian. Hindi niya matanggap ang ganitong klaseng senaryo at kaganapang tila inaasahan nitong siya ang mananalo hanggang bandang huli ngunit walang kahirap-hirap siyang tinalo ni Wong Ming sa espesyalidad niyang ito.

"Paano mong nagawa ito Wong Ming? Hindi ko maintindihan. Ako dapat ang mananalo sa ganito labanang ito!" malakas na sambit ni Qiáo Jian habang halo-halong emosyon ang nararamdaman nito sa kasalukuyan. Hindi siya inaasahan na malayo ang agwat ng lakas nila ni Wong Ming mula ng nagkasagupa sila noong nakaraang buwan at sa kasalukuyan nilang laban.

Ipinalasap at ipinamukha nito na mahina at inferior na siya rito. Ang pag-unlad nito ay hindi niya aakalaing ganito kabilis at masasabi niyang isang monstrous speed ito kung aakalain.

He really knows na higit na malakas siya noong nakaraang buwan ngunit ngayon ay tila nagsasabi ang binatang taga-labas na ampon ng ama-amahan niya ng katotohanan na higit itong malakas kumpara sa nasagupa niya ito. Akala niya ay nagyayabang ito kanina ng sabihin niya ito ngunit hindi.

"Hindi na importante iyon Qiáo Jian. Mahalaga ka sa ama kong si Head Chief Bengwin kaya hindi ko maaatim na saktan ang tunay na anak niya. Hindi mo kailangang ipamukha na masama akong nilalang dahil lamang sa kinupkop nito ako noong panahong wala akong alam sa paligid ko at ako na ang magsasabi sa'yo na wala akong memorya o alaala ng kahapon. Maswerte mo este napakaswerte mo, andiyan ang tunay na ama at ina mo pero ako?  Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngunit sa kalagayan mo ay binalewala mo ang kagustuhan ng amain ko na ayusin ang pamilya niyo. Kaya ang hiling ko ay umayos-ayos ka dahil kung hindi ay ako mismo ang magtuturo ng leksyon sa'yo hmmp!" Mahabang sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na pinipigilan niya lamang ang sarili niyang kutusan ang ma-pride na si Qiáo Jian. Alam niyang may kabutihan pa rin sa puso nito kahit hindi halata.

Dahil sa mga mata nitong mapanghamak ay tinuruan siya ng nilalang na ito na mas lumakas pa, na mas marami pang nilalang na maaaring masagupa niya na mas malakas pa sa kaniya ngunit itinanim niya sa loob ng isipan niya na pagsisikapan niyang ungusan ang sinumang malalakas na mga ekspertong maaaring gumawa sa kaniya ng masama.

Dahil sa magkapatid na sina Qiáo Jian at Qiáo Guiren ay mas naiintindihan niya na mahina siya at malalakas o talentado ang mga ito pero ngayon ay alam niyang naungusan niya na ang mga ito. Hindi siya dapat panghinaan ng loob bagkus ay gamitin ang kahinaang ito upang palakasin ang loob niya na pagbutihan pa ang pagpapaunlad ng sarili niya upang maging malakas at makapangyarihan. Hindi niya dapat pairalin ang mga negatibong emosyon kagaya ng poot at inggit na nararamdaman niya bagkus ay alam niyang mayroong pag-asang lumakas siya at lamangan ang sinumang nilalang na malakas sa henerasyon niya.

Sa loob ng Ashfall Forest ay alam niyang nasa pinakamataas ng chain of power sina Qiáo Jian at Qiáo Guiren. Ang isa'y napakahusay sa propesyon nito habang ang isa ay biniyayaan ng napakataas na talento.

Ngunit dahil sa pagsusumikap niya ay nagkaroon ng nagawa niyang magtagumpay sa mga ito. Nstuto siyang tumayo sa paa niya at harapin ang hamon ng problemang nagdala sa kaniya sa mas malawak na pag-unawa niya sa mundong ginagalawan niya ngayon.

Natahimik na lamang si Qiáo Jian sa pinagsasabi ng binatang si Wong Ming na nasa harapan niya. Hindi niya aakalaing ganito ito magsalita sa kaniya ngunit hindi naman siya ganoon kasama upang hindi pakinggan ang binitawang salita ni Wong Ming. Indeed, tama ang mga sinabi nito. Medyo nainis siya ng konti sa pinagsasabi nito ngunit sinampal siya ng katotohanan sa mahabang pahayag na isinambit nito sa kaniya sa loob ng illusion domain na ito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now