Chapter 1.10

220 38 1
                                    

Mabilis na pumunta sa loob ng kakaiba ngunit napakalamig na pook na ito na binabalutan ng yelo.

Ngunit sa tatlong nilalang na ito ay makikitang parang wala lamang sa kanila ang kakaibang lamig na hatid ng pook na ito. Kapwa naging seryoso ang mukha ng mga ito habang minamatyagan ang kanilang paligid na nilalakaran.

Wala naman silang napapansin sa paligid nila kundi ang paiba-ibang porma ng mga yelo habang papasok sila sa mas malayong parte ng lugar na ito.

Maya-maya pa ay bigla na lamang sila nakaramdam ng mga demonic auras ng umaalingasaw sa paligid nila.

"Sūn Shen sa itaas mo!" Malakas na sambit ni Sūn Ru habang makikitang nakatingin ito sa itaas ng uluhan ni Sūn Shen habang may mga matataas at  malalaking tipak ng yelo na kung saan ay mayroong nilalang na nandoon, nakahanda ng umatake habang tila natatakam ito sa kaniyang nakikitang mga gumagalaw na mga nilalang.

Mabilis namang naging alerto si Sūn Shen habang makikitang tumingala pa ito at doon niya napansin ang isang magical beast.

Isang dambuhalang Ice Python na nakalingkis sa matulis na yelo habang nakatingin sa kanila ang mga mata nito habang nakalabas ang kakaibang dila nito.

Walang inaksayang oras ang nasabing Ice Python at dumura ito ng napakaraming mga likido sa bibig nito.

"Mag-ingat kayo Sūn Shen at Sūn Ru dahil dumudura ng Ice Poison ang Ice Python upang paralisahin ang mabibiktima nito!" Sambit ni Sūn Ye habang makikitang mayroon itong kaalaman sa nasabing magical beast na nasagupa nila sa mga oras na ito.

Kahit kasi kaunting patak lamang ng Ice Poison ng nasabing magical beast na ito ay maaari kang maparalisa ng ilang minuto, ano pa kaya kung maduraan ka ng napakaraming likido nito, maaari kang maparalisa at masunog ang balat mo hanggang sa mabulok ang laman ng kung anumang nilalang.

Hindi man agaran ang epekto nito pero magdurusa ang sinumang nilalang kung hindi kaagad mapatawan ng lunas.

Tsak! Tsak! Tsak!

Rinig na rinig ang malakas na pagdura ng dambuhalang Ice Python sa direksyon ng tatlong nilalang dahilan upang mabilis na tumalon paatras ang tatlong nilalang lalong-lalo na si Sūn Shen.

Ngunit iyon ang pagkakamali ng tatlong nilalang dahil mabilis na sumugod ang nasabing Ice Python patungo sa direksyon ng mga ito.

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na pagsabog ang naganap ng malakas na pinaghahampas ng Ice Python ang buntot nito sa tatlong nilalang na gumambala sa kaniyang gawi.

Nakaligtas at nakaiwas sina Sūn Ru at Sūn Ye sa nasabing atake ng Ice Python ngunit hindi pinalad si Sūn Shen sa nasabing atake ng nasabing halimaw dahilan upang magtamo ito ng maraming pasa at mga sugat sa katawan.

"Tulong! Sūn Ye--- Sūn Ru, t-tulongggg..." Sambit ni Sūn Shen habang makikitang napasuka ito ng napakaraming dugo habang  ang bibig nito ay bumubula-bula.

Ngunit sa halip na tulungan ng dalawang nilalang na katribo nito si Sūn Shen ay nakita ng mga ito ang kalagayan nito at walang pag-aalinlangan na nagwika ang mga ito.

"Heh! Bahala ka sa buhay mo Sūn Shen, wala kaming panahon sa mahinang katulad mo. Alam mo naman ang patakaran ng tribo hindi ba?!" Seryosong wika ni Sūn Ye habang makikitang napangisi pa ito sa huli habang kitang-kita nito ang sinapit ng kababata nito.

Agad namang tiningnan ni Sūn Shen si Sūn Ru sa mga mata nito ngunit kitang-kita nito ang kasiyahan sa mata nito.

"Matagal ka na naming gustong iligpit Sūn Shen. Napakahina mo na nga ngunit ikaw pa ang pinakamalapit sa master natin. Hindi ko aakalaing babagsak ka ngayon sa kamay ng halimaw na iyan!" Sambit ni Sūn Ru sa mapanghamak nitong boses habang sumilay ang ngiti sa bibig nito na animo'y nasisiyahan sa pagbagsak nito.

"Hindi... Tinuring ko kayong mga kaibigan ngunit bakit niyo  nagawang pagtulungan at pagtaksilan. Bakit pakiramdam ko ay humina ako, epekto rin ba to ng ibinigay niyong inumin sa akin?!" Sambit ni Sūn Shen habang pahina ng pahina ang boses nito halatang humihina ng humihina ang katawan nito.

Isa pa ay hindi niya matanggap na ang mga kababata niya pa ang magtataksil sa kaniya sa madilim na parte ng buhay niya. Lahat ng sinumpaan nila at mga pangako bilang mga sworn brothers ay hindi totoo.

Pakiramdam niya ay naging uto-uto siya at nagpaloko sa mga tinuring niyang mga tunay niyang kaibigan. Kahit hinang-hina ang katawan niya na gusto ng bumigay ay mas lumalakas ang poot na nararamdaman niya sa kaibuturan ng puso niya.

"Wala ka ng magagawa Sūn Shen, isa pa ay mamamatay ka lang rin naman. Walang ka ng kawala ngayon, tama nga ang desisyon naming dito ka dalhin upang mabura ka na sa mundong ito!" Nakangising demonyong sambit ni Sūn Ye habang makikitang panatag ang loob nitong wala ng kawala si Sūn Shen sa kamatayang matatamo nito maya-maya lamang.

Mabilis na nakaramdam ng pag-uga ng tipak ng yelo sina Sūn Ru at Sūn Ye dahilan upang nagkatinginan ang mga ito.

"Umalis na tayo rito Sūn Ye, mamamatay na rin naman yang si Sūn Shen. Isa pa ay ramdam kong maraming mga magical beasts ang maaaring masagupa natin kung ipagpatuloy pa nating galugarin ang kakaibang pook na ito." Direktang turan ni Sūn Ru habang makikitang nangangamba ito kung magpapatuloy pa sila sa paggalugad ng buong lugar na ito. Halatang ayaw nitong isugal ang buhay nito sa ibayong panganib na maaaring ikapahamak pa nila sa huli.

"Tama ka Sūn Ru, lisanin na natin ang lugar na ito!" Sambit ni Sūn Ye habang hindi pa rin mawala-wala ang mala-demonyong ngising nakapaskil sa mga labi nito.

Mabilis na nakita ni Sūn Shen ang papalayong pigura ng dalawang taksil niyang mga kababatang nagpadaig sa pagkainggit ng mga ito.

Umusbong ang labis na pagkapoot sa puso nito. Sa harap ng dambuhalang halimaw na Ice Python ay hindi na siya mangangahas pang labanan ito dahil mas malakas ito sa kaniya at isa pa ay malubha na ang pinsalang natamo niya.

Nawalan na siya ng pag-asang mabuhay pa at kitang-kita na unti-unti na ring bumigay ang katawan nito dahil sa natamo niyang mga pinsala lalong-lalo na ang paralisadong katawan niya.

Nawalan ito ng malay habang makikitang naglalaway na ang dambuhalang halimaw na Ice Python at handa na itong lunukin ng buhay ang biktima nitong si Sūn Shen.

Ngunit isang nilalang ang hindi inaasahang tatambad sa nakahigang pangangatawan ni Sūn Shen dahilan upang maalerto ang nasabing malaking Ice Python.

SHRRIEEEEECCKKKKK!

Umatungal ng napakalakas ang Ice Python dahil sa pagkaantala ng mga binabalak nito sa nabiktima nito.

Malakas na gumalaw ang buntot nito upang ihampas sa kalaban nitong ay bigla na lamang lumitaw ang isang nilalang sa harapan ng biktima nito.

Nang dumampi ang matulis na duluhan ng buntot nito ay walang kahirap-hirap na hinawakan ng bagong dating na nilalang ang nasabing buntot ng halimaw.

Isang kakaibang pangyayari ang bigla na lamang nangyari. Biglang nabalot ng napakakapal na yelo ang buntot nito habang gumapang ito sa buong pangangatawan ng malaking Ice Python.

Umilaw ang kamay ng nasabing nilalang habang ang pigura nito ay tila balot din ng yelo habang nakikipaglaban sa nasabing malakas na magical beast.

Dudura pa sana ng likido ang Ice Python ngunit nabalot ang katawan nito ng yelo maging ang idudura pa lamang nitong likido sa bibig.

Ice Skill: Break!

Sa isang iglap ay bigla na lamang parang salamin ang katawan ng Ice Python dahil parang nabasag at nagkapira-piraso ang buong katawan nito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon