Chapter 2.7

212 43 5
                                    


"Wala ka ng magagawa Phlox Guard Chief Saleos sa maaaring maging desisyon ni Lord Damon. Tanging ito na lamang ang naiisip niyang solusyon lalo pa't mahina ang pwersa ng mga Water Demon Clans kumpara sa ibang mga Demon Clans na maaaring lusubin tayo sa hinaharap." Seryosong saad naman ni Demoness Crea habang makikitang hindi ito sang-ayon sa mga pinagsasabi ng Phlox Guard Chief na si Saleos.

"Malaking desisyon itong gagawin ko Phlox Guard Chief Saleos ngunit hindi pa naman ito pinal, isang backup plan lamang ang naiisip kong ito. Isa pa ay marami tayong kakampi sa mundong ito Saleos. Maraming mga bilang ng mga ekspertong nabibilang sa mundong ito kagaya ng lahi ng tao ang ating natulungan sa nagdaang siglo. Hindi naman siguro tatanggihan ng mga ito kapag tayo naman ang nangangailangan hindi ba?!" Seryosong wika naman ni Lord Damon habang makikitang nakangiti  ito na halatang positibo ito sa maaaring pabor na hihilingin nila sa mga ekspertong naging minsa'y bahagi ng kanilang Poseidon Phlox Demon Clan.

"Hmmm... Masyado kang mabuti Lord Damon sa ibang mga nilalang at saksi ako riyan ngunit likas na tuso at mapanlinlang ang mga lahi ng mga tao. Ganid ang mga ito at madali ka nilang mapapasunod sa kanilang mga kondisyon ngunit kailangan nating mag-ingat sa mga ito." Seryosong sambit ni Phlox Guard Chief Saleos na kitang-kita ang labis na pagtanggi sa nais ni Lord Damon.

"Tama si Phlox Guard Saleos, Lord Damon. Maging ako ay sang-ayon din. Patunay rito ang pambihirang bulaklak ng ating Poseidon Phlox na pagmamay-ari ang nakalutang sa pagitan ng mundo natin at ng mundo ng mga Martial World. Dahil sa ganid nila ay nalinlang nila ang atign mga ninuno at bumuo ng isang lagusang hindi maisasara. Sa tingin ko ay isa din ito sa dahilan kung bakit nagkaroon ng maraming mga eksperto ang biglaan na lamang lilitaw, lalakas at ipagsasawalang-bahala ang ating angkan matapos natin silang tulungan." Mahabang litanya ni Demoness Crea na may halong inis sa tono ng pananalita nito. Halatang hindi nito aakalaing mangyayari ang lahat ng mga bagay noon ay umapekto sa kasalukuyan nilang lagay.

"Ang pagtulong Demoness Crea at Phlox Guard Chief Saleos ay hindi sukatan upang sisihin sila sa nangyayari sa atin. Bagkus ay tayong lahat ang responsable sa nangyayaring ito. Kung tayo nagtagumpay ay wag nating isisi ito sa iba. Sadyang hindi lamang ako magaling na pinuno kagaya ng aking ama." Malungkot na wika ni Lord Damon habang kitang-kita ang kalumbayan sa mga mata nito. Masyadong malayo ang agwat ng kakayahan ng ama niya sa kaniya at alam niyang hindi niya maaabot ang kakayahan nito.

Natahimik na lamang sina Demoness Crea at Phlox Guard Chief Saleos sa tinuran ng kanilang pinuno. Ito ay dahil naisip nilang masyado silang mali sa kanilang mga sinasabi. Hindi kailanman nila dapat sinisi ang pinuno nila sa hindi  direktang pamamaraan.

Hindi perpekto ang lider nila at mas lalong sila'y  hindi rin perpekto.

Masyado lamang silang kinulang ng mga pamamaraan kung paano nila matatalo ang mga nilalang sa mundo nila.

Kanina pa nakikinig ng mabuti si Wong Ming sa usapan ng tatlong kakaibang mga nilalang at nalaman niya ang mga bagay-bagay na nangyayari sa ibang mundo sa loob ng lawang pinagmulan ng tatlong Water Demons na alam niyang hindi mga ordinaryong Water Demons lamang ang mga ito. Halatang mayroong matataas na katungkulan ang mga ito kung hindi siya nagkakamali.

Ngunit bigla na lamang nakaramdam ng ibayong panganib si Wong Ming nang makita niya ang nasabing nagngangalang Lord Damon na nakatingin sa gawi niya kung saan siya nakatago ngayon sa malaking puno.

"Lumabas ka nilalang. Hindi ko aakalaing ngayon ko lamang napansin ang eksaktong lokasyon mo." Makahulugang turan ng Water Demon na nagngangalang Lord Damon. Bakas sa tono ng pananalita nito ang maotoridad na boses.

Wala namang pag-aalinlangang lumabas si Wong Ming sa nasabing punong pinagtataguan niya. Hindi niya aakalaing natunugan siya ng Water Demon na ito kahit na mayroong makapal na Protective essences sa buong katawan niya.

"Ah eh, m-magandang araw sa inyo mga Water Demons." Parang tangang wika ni Wong Ming bilang pambungad sa mga nilalang na nagmula pa sa ibang mundo.

"Isang tao?! Hmmmp! Sinasabi ko na nga ba eh. Pakiramdam ko talaga kanina pa ay may nakamasid sa ating nilalang, ikaw pala iyon tao!" Puno ng kaseryusohang sambit ni Demoness Crea habang nanlilisik ang mga mata nito. Hindi niya aakalaing isang tao pa ang makakatagpo nila sa labas ng lagusang nilabasan nila kani-kanina lamang.

"Hmmm... Wala namang espesyal sa binatang tao na iyan. Mukha lang naman siyang ordinaryong nilalang kung titingnan." Sambit ni Phlox Guard Chief Saleos na makikitang tila hinahamak nito ang binatang si Wong Ming bilang isang ordinaryong nilalang lamang.

Lalakad na sana si Phlox Guard Chief Saleos patungo sa binatang tao na ito ngunit mabilis siyang naunahan ni Demoness Crea. Makikitang bigla na lamang itong nawala sa kinaroroonan nila ni Lord Damon ng walang pasabi.

Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming nang mapansing bigla na lamang lumitaw sa harap niya ang babaeng Water Demon na kanina lamang ay nasa malayo.

Walang ano-ano pa ay nakita niyang sinipa siya ng malakas ng babaeng Water Demon na nagngangalang Demoness Crea ayon sa sinasabi ng dalawang Water Demon na kau-kausap nito.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap nang walang nagawa si Wong Ming sa mabilis na atake ni Demoness Crea dahilan upang tumalsik siya sa malayo.

Susundan pa sana ni Demoness Crea ang nasabing nilalang na mula sa lahi ng tao nang bigla niyang naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa palapulsuhan niya.

"Wag kang gumawa ng kaguluhan dito Demoness Crea. Tandaan mo hindi ito ang mundo natin!" Seryosong sambit ni Lord Damon habang kitang-kita sa mga mata nitong nakikiusap ito rito.

Mabilis namang tumigil si Demoness Crea at naging mahinahon ang mukha nito tandang pinakinggan nito ang sinabi sa kaniya ni Lord Damon. Ayaw niya rin itong magalit sa kaniyang sariling kadahilan lamang.

Mabilis namang tumingin ang tatlong Water Demon sa gawi ng pinagbagsakan ng binatang mula sa lahi ng tao.

Nang mawala ang makapal na usok sa pinangyarihan ay nakita nila ang nakatayong binata habang may mumunting sugat itong natamo.

Labis naman ang pagtataka ng tatlong Water Demon lalong-lalo na ni Demoness Crea na nanlalaki pa ang mga mata nito.

"Paano mo nasangga ang atake ko?! Tiyak akong napuruhan kita sa aking atake kanina!" Malakas na saad ni Demoness Crea habang nanlilisik ang mga mata nito.

Hindi niya aakalaing makakatayo pa ng tuwid ang binatang ito sa malakas na atakeng ginawa niya.

Kung titingnan lamang ang atake niya ay parang ordinaryo lamang ito ngunit ang totoo ay isang espesyal na demonic moves ang ginawa niya. Isang demon kick iyon na naglalaman ng limang porsyento ng kabuuang lakas niya na kung sinuman ang tamaan nito lalong-lalo na ang normal na tao ay mag-aagaw buhay na o babawian ng buhay.


IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now