Chapter 1.5

240 41 3
                                    

Isang mala-imbudong hugis (cone shape) ang nakita niyang current ng tubig na patungo sa mismong mahinahong daluyong.

Wala siyang pag-aalinlangan na pumaloob sa nasabing daluyong habang lumangoy patungo sa pinagmumulan nito sa pinakailalim ng karagatang ito. Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang tila puwersang nagpapalayo sa kaniya na animo'y tumutulak sa kaniya papalayo idagdag pang bumibigat ang presyur ng tubig habang umaabante siya sa paglangoy.

Mas minabuti ni Wong Ming na maging mahinahon lalo pa't hindi makakatulong sa kaniya kung makakaramdam siya ng negatibong emosyon. Mas mabuting pagtuunan niya ng pansin ang sarili niya upang malampasan ang pagsubok na ito.

Walang pag-aalinlangang ginamit ni Wong Ming ang sarili niyang abilidad upang lampasan ang nasabing pagsubok na ito.

Skill: Sonic Dash!

Mabilis na lumiwanag ang buong katawan ni Wong Ming kung saan ay sa isang iglap ay biglang nagkaroon ng ibayong lakas si Wong Ming.

Mabilis na pag-abante ang nagawa ni Wong Ming. Nagawa niyang malampasan ng ilang kilometro ang lalim ng tinatahak niyang lagusan patungo sa isang kakaiabng mundo sa ilalim ng karagatang ito.

Hindi nagtagal ay nakita ni Wong Ming ang isang kakaibang pabilog na bagay na animo'y repleksyon ng kakaibang mundo na siyang ninais niyang puntahan.

Mabilis na pumasok si Wong Ming rito.

Muntik pang mabuwal si Wong Ming nang maramdaman niyang tila bumaliktad ang mundong kinaroroonan niya.

Sa isang iglap ay dinala ng kakaibang lagusan si Wong Ming sa isang kakaibang mundong kinaroroonan niya ngayon.

Sinong mag-aakalang ang karagatang kinaroroonan niya kanina ay tila kapareho ng kaanyuan sa napasukan niyang kakaibang mundo ngayon na ang pinagkaiba lamang ay may mga naglalakihang mga batuhang tila naging isang munting isla.

Napakaliit ng nasabing islang ito ngunit naaninag niya ang isang nakalutang na isang nilalang na nakasuot ng isang kasuotan na siyang sa pakiwari niya ay kasuotan ng mga piratang laman ng mga kwento ng mga matatandang nilalang sa loob ng mga kalye ng Golden Crane City.

Mabilis na humarap sa kaniya ang nasabing nilalang na sa tingin nga niya ay pirata nga ito. Meron itong suot na malaking sumbrero habang may tatak ito ng bungo ng tao habang ang mukha ng nasabing nilalang na isang tao ay may pilat ng marka ng isang uri ng halimaw na hindi niya pa tukoy kung ano.

Ang seryosong pagmumukha ng nasabing pirata ay napalitan ng galit. Ang laking tao nito kung tutuusin at ramdam ni Wong Ming na hindi lamang ito ordinaryong nilalang kundi isa itong martial arts expert basi sa postura at abilidad nitong lumipad.

"Sino ka pangahas na nilalang?! Hindi mo ba batid ang maaari kong gawin sa'yo dahil sa pagpunta mo sa teritoryo kong ito?!" Puno ng pagkagalit na sambit ng nasabing hinihinalang pirata.

"Ako si Wong Ming at naririto ako dahil sa isang bagay at iyon ay ang kunin ang mga bagay na kinakailangan ko rito!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Wong Ming sa tanong ng isang piratang kaharap niya ilang daang metro lamang ang layo mula sa kaniya.

"Hahahaha... Isa ka lamang hamak na Golden Blood Realm Expert binata. Hinding-hindi mo ko makakaya dahil napakalakas ko at itinuturing akong magiting na pirata sa maliit na islang nasa hindi kalayuan mula rito hahaha isa kang hangal!" Mayabang na wika ng nasabing pirata na hindi nito itinanggi ang propesyon nito bilang isang magiting na pirata.

Magsasalita pa sana si Wong Ming pabalik nang marinig niya sa kaniyang sariling isipan ang tinig ng isang pamilyar na boses ng isang nilalang.

"Wag kang matakot sa kaanyuan at lakas na ipinapakita nito Wong Ming. Isa na lamang itong spiritual form ng dating malakas na piratang naglalayag sa dagat ngunit hindi nito matanggap ang nasabing pagkatalo nito sa malakas nitong nakalaban dahilan upang masawi ito ngunit hindi ito aware sa naginv pagkamatay nito. Alam kong makakatulong ng malaki sayo ang makukuha mong memorya sa nilalang na ito upang malaman ang misteryosong nangyayari sa totoong katawan mo bago pa mahuli ang lahat!" Seryosong saad ng malumanay na boses na pamilyar na pamilyar kay Wong Ming sa isipan lamang.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay isang mindlink ang kakaibang abilidad na ito dahilan upang magkaroon sila ng komunikasyon sa isa't-isa mula sa malayo gamit ang isipan lamang.

"Ikaw ba ito magandang binibini?! Kung gayon ay ikaw ang nagpadala sakin sa kakaibang daluyong na ito upang makuha ang sinasabi mong solusyon sa kasalukuyan kong problema?! At ano'ng spiritual form?! Magkakaroon ba ko ng ganong klaseng abilidad?!" Seryosong tanong ni Wong Ming habang makikitang nanlalaki ang mga mata nito habang sinasabi ang mga katagang ito.

"Ako nga to pesteng binata. Ikaw na nga ang tinutulungan ko eh parang kasalanan ko pa eh noh?! Ito lang ang maaari kong gawin upang tulungan ka tsaka wag kang hibang, magkakaroon ka lamang ng malakas na spiritual form kapag namatay kang may mataas na Cultivation level o di kaya ay isa kabg pambihirang nilalang na may pambihirang abilidad noong nabubuhay ka. Kuha mo binata?!" Seryoso ngunit masungit na saad ng misteryosong babae sa isipan lamang ng binatang nais nitong tulungan na si Wong Ming.

"Hmmm... Ngunit paano ko makukuha ang impormasyong meron ang nilalang na ito? Kailangan ko ba talagang talunin ito o pwedeng lisanin ko nalang ang mundong ito na pinag-iwanan ng hindi aware na piratang ito na napaslang na pala siya." Seryosong wika ni Wong Ming na may ibayong katanungan sa isipan nito.

"Hindi maaari ang iyong nais binata. Kung lilisanin mo ang lugar na iyan ng walang nakukuhang kahit na anumang impormasyon sa totoong ipinunta mo riyan ay humanda ka ng mamatay dahil sa kakaibang mutasyon sa mismong katawan mo. Alalahanin mo, kailangan mong labanan at talunin ang pesteng nilalang na iyan. Masamang piratang iyan at halos anumang uri ng katubigan at lugar na napupuntahan nito ay nagalugad nito. Kailangan mong manalo binata!" Seryosong turan ng malumanay na boses ng misteryosong babae habang makikitang pinapalakas nito ang loob nito sa huling mga pangungusap na binitawan nito sa nasabing binata.

"Kung gayon ay wala pala akong pagpipilian. Lalabanan ko ang nilalang na ito sa abot ng aking makakaya magandang binibini." Seryosong saad ni Wong Ming habang makikitang sumeryoso ang ekspresyon sa mukha nito.

"Wag mo lang labanan Wong Ming, talunin mo nang makuha mo ang mga sagot sa tanong mo!" Seryosong sambit naman ng malumanay na boses sa huling pagkakataon at mabilis na nawala ang koneksyon sa isipan ni Wong Ming.

"Binibini?! Binibini?! Binibini?! Hmmp!" pagtawag ni  Wong Ming gamit lamang ang kaniyang isipan ngunit batid niyang tuluyan ng pinutol ng misteryosong babae ang koneksyon ng kanilang isipan. Hindi maiwasang makaramdam ng inis si Wong Ming dahil biglaan na lamang siyang iniwan ng misteryosong babae sa alanganing sitwasyong ito.

Tila ba ipinapahiwatig lamang nito na wala na talaga siyang pagpipilian kundi ang gawin ang nararapat nitang gawin ayon sa misteryosong babae na nagpada sa kaniya sa kakaibang lugar na ito sa gitna ng karagatan sa mismong labas ng lagusan kani-kanina lamang.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Onde histórias criam vida. Descubra agora