Chapter 2.6

238 42 6
                                    


Iba-iba kasi ang domain ng mga nasabing elemento ng nasabing mga demonyo. Normal lamang iyon sapagkat nakadepende pa rin iyon kung gaano kalakas ang nasabing mga nilalang hanggang sa lumakas pa ito ng lumakas ay kasabay rin nito ang paglakas ng kaniya-kaniya nilang domain.

Merong nakakagawa ng temporaryong domain habang ang iba ay kayang-kayang gumawa ng domain na maaaring maging reyalidad hanggang sa maging permanente na ito.

Napatigil si Wong Ming sa pag-iisip ng nakita niyang tumikab mismo ang bibig ng nasabing mga Water Demons tandang may pinag-uusapan ang mga ito.

Ginamit rin ni  Wong Ming ang Demonic Eyes of Ice Demon na meron siya upang obserbahan ang kakaibang nilalang na umalpas palabas ng malawak na lawang isa palang lagusan patungo sa Demon World.

Kakaiba pala ang itsura ng mga ito na animo'y humanoid man kung titingnan ngunit ang balat at ang buong kaanyuan ng mga ito ay kulay asul habang mayroong mga tila maliliit na palikpik sa mga kamay nito. Ang mga buhok nila ay masasabing kulay asul ngunit tila sobrang kintab ang bawat hibla ng buhok nila.

Ngunit ang isa sa napansin ni Wong Ming ay kakaiba ang mga itsura at paano kumilos ang tatlong nilalang na ito. Isa pa ay maraming mga bagay-bagay na mapapansing tila hindi ordinaryong Water Demons ang mga ito.

"Ano ang iyong nais mangyari Lord Damon?! Hindi maaaring maging kalmado lamang tayo sa paparating na krisis sa atin!" Tila nahihintatakutang sambit ng babaeng Water Demon na nasa likuran ng tinawag nitong Lord Damon. Makikitang medyo tumaas ang boses nito sa mga huling katagang sinasabi nito.

"At hindi rin kanais-nais ang iyong gustong gawing hakbang. Mas lalala lang ang sitwasyon sa pagitan nating mga Demon Clans!" Seryosong wika ni Lord Damon na makikitang nagtitimpi lamang sa sarili nitong tila wala na ring maisip na solusyon.

"Tama ang sinasabi ni Demoness Crea, Lord Damon. Masyado kang mabait sa ibang mga kauri natin ngunit hindi ako makakapayag na ganito lamang kasimpleng tanggihan lamang ang suhestiyon namin." Sambit ng lalaking Water Demon habang nakasuot ito ng kakaibang kalasag.

"Masyado kayong mga suwail Demoness Crea at Phlox Guard Chief Saleos. Alam nating lahat na hindi tayo maaaring gumawa ng ruckus dahil maaaring ikapahamak o ng alinman sa mga nasasakupan ko ang gusto mong mangyari. Kahit kayo ay maaari ring mapahamak maging ang mga pamilya't-anak niyo ay baka mawala rin dahil lamang sa bugso ng damdaming namumuo sa mga puso't isipan niyo." Seryosong saad ni Lord Damon habang makikitang biglang nalungkot ang mukha nito.

"Ngunit hindi iyon pabor sa iyo Lord Damon. Isa kang dugong bughaw ng ating Poseidon Phlox Demon Clan ngunit nagpapaapi lamang tayo sa mga sakim na ibang mga Elemental Demons." Inis na inis na wika ni Demoness Crea na kitang-kita sa mga mata nito ang labis na tumatanggi ito sa kasalukuyang suliraning kinakaharap ng kanilang sariling angkan.

"Alam naman nating lahat na humihina na ng humihina ang ating angkan. Ang dating namamayagpag na mga angkan ng ating Water Demon Clans ay tila nahuhuli na sa ibang naglalakasang mga Demon Clans. Nakatadhana na sigurong bumagsak ang ating angkan dahil sa patuloy na pag-decline ng ating lahi." Malungkot na wika ni Lord Damon na makikitang hindi man nito gusto ang tila nangyayaring suliraning kinakaharap nito na apektado ang nasasakupan nito ay parang gugustuhin na lamang nito na tanggapin ang nararapat na mangyari sa kanila.

"Kung gayon ay wala na pala tayong lugar sa susunod sa Demon World Lord Damon, hindi ba? Ano na lamang ang mangyayari sa atin?!" Tila nahintatakutang sambit ni Phlox Guard Chief Saleos na maging ito ay gulong-gulo na rin sa dapat isipin.

"Parang ganon na nga, sa oras na hindi na natin kaya ang pwersa ng mga angkang pilit tayong iwinawaksi ay lilikas tayo patungo sa mundong ito. Hindi ko hahayaang mabalit ng takot ang lahat dahil lamang sa pagiging incompetent ko. Kung walang lilitaw na malakas na mga eksperto sa ating lahi ay hudyat na iyon na nagwawakas na ang Poseidon Phlox sa Demon World!" Walang kagatol-gatol na saad ni Lord Damon habang makikitang may lungkot sa nga mata nito.

Kitang-kita sa mga mata nito ang labis na klalungkutan hindi lamang sa nangyayari sa kanilang angkan ngunit nakaramdam din siya ng awa sa sarili niya.

Sinong mag-aakalang ang lahat ng pinaghirapan niya maging ng kanuno-nunuan niya ay kaniya pa magtatapos ang lahat. His life face a great challenge lalo pa't nakasalalay ang lahat sa kaniya, umaasa ang lahat ng nasasakupan niya sa magagawa niya. But in the end, he only meets failures. Binigo niya ang lahi niya.

"Kung gayon ay ipinadala mo kami dito Lord Damon sa kakaibang mundong ito sa labas ng Demon World hindi upang pag-usapan lamang ang problemang dinadala mo hindi ba?!" Sambit ni Demoness Crea na kitang-kita sa mga mata nitong mapagmatyag sa kapaligiran nito.

Mabilis naman siyang nilingon ni Lord Damon sa gawi nito at nagsalitang muli.

"Tama ka Demoness Crea, hindi lamang ako pumunta rito na kasama kayo upang mag-usap lamang bagkus ay pagpaplanuhan natin ang pagpapatayo ng mga imprastraktura rito upang siguraduhin ang kaligtasan ng lahat ng aking nasasakupan sa darating na paglikas natin sa hinaharap. Ayokong magkaroon ng malawakang pinsala at pagkamatay ng mga miyembro ng Poseidon Phlox Demon Clan." Seryosong wika ni Lord Damon habang makikitang buo na ang desisyon nito sa gusto nitong mangyari.

"Masusunod po Lord Damon. Maging ako ay pinapahalagahan at nirerespeto ang desisyon niyong ito. Kung darating man ang panahon ng pagkawasak ng angkan natin ay naniniwala akong makapamumuhay pa rin tayo mula sa banta ng ating mga kaaway." Puno ng paggalang na wika ni Demoness Crea habang makikitang tapat ito sa kaniyang sinasabi. Labis ang respeto niya sa pamumunong ginagawa nj Lord Damon. Isa lamang ang Poseidon Phlox Demon Clan sa maraming Water Demon Clans na nanganganib na mabura sa kasaysayan ng Demon World. Hindi dahil sa madaming bilang nila ngunit dahil unti-unting humihina ang kanilang lakas.

Hindi sa mahina sila kundi mas lumalakas ang iba mga Demon Clans habang silang nasa Water Demon Clans ay patuloy na nasa ordinaryong estado.

Maraming mga lumitaw na mga malalakas na eksperto sa ibang mga Demon Clans lalong-lalo na sa Fire Demon Clans na hindi mabilang ang mga maaaring hiranging malalakas na heneral maging ng susunod na mga mamumuno sa mga angkang nabibilang sa mga ito.

"Maaari ang iyong nais Lord Damon ngunit alam nating lahat na hindi tayo nabibilang sa mundong ito. Masyadong mabilis ang oras dito at tiyak akong may bantang maaaring mangyari dito kung dito tayo mamumuhay." Seryosong wika ni Phlox Guard Chief Saleos na makikitang tila hindi siya nagpapadalos-dalos sa maaaring malaking pagbabago sa pamumuhay nilang nabibilang sa Poseidon Phlox Demon Clan. Mayroong agam-agam sa puso't isipan niya ngunit hati pa rin ang desisyon niya sa mga bagay na ito. Ayaw niyang isiping nagiging makasarili siya o sila ngunit alam niyang masosolusyunan pa ito ngunit hindi niya alam kung paano. Maging siya ay naguguluhan sa nais mangyari ni Lord Damon ngunit sa huli ay ito pa rin ang magdedesisyon para sa kanilang buong mamamayan ng Poseidon Phlox Demon Clan.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now