Chapter 3.1

226 43 3
                                    


Napasalampak na lamang sa mga batuhan ang katawan ni Lord Damon habang makikitang hinang-hina ito.

Magkagayon pa man ay hindi ito nawalan ng malay habang makikitang nakatingin ito ng taimtim sa binatang mula sa lahi ng tao.

Agad na sinipat ni Wong Ming ang reverse scale ng isang pinuno ng angkan ng isa sa mga Water Demon Clan. Nakakamanghang malaman niya na nag-eexist ang mga ito habang namamangha rin siya sa nasabing reverse scale na siyang hawak niya.

Hindi man ito kagaya ng malalakas at nakakamanghang mga reverse scale na hawak noo nng dating pirata sa memorya niya ay hindi naman magpapahuli ang hawak-hawak niya. Patunay lamang na malakas nga si Lord Damon kung tutuusin.

Nakaramdam ng pagkaawa si Wong Ming sa naging sakripisyo ng pinuno ng Poseidon Phlox Demon Clan para sa angkan nito patunay na mahal na mahal nga niya ang angkang pinagmulan nito.

Mabilis na ineksamin ni Wong Ming ang laman ng reverse scale ng nasabing pinuno ng Water Demon at malaki ang natuklasan niyang bagay. Ang reverse scale na ito ay punong-puno at gawa sa purong demonic essences kaya masasabi ni Wong Ming na ilang milyong demon essences na nakapaloob rito.

Agad na napangiti si Wong Ming at mabilis niyang hinigop ang mga demonic essences na meron ang reverse scale na ito.

Medyo nahihirapan siya sa paghigop ng enerhiya mula sa loo bng mismong reverse scale patungo sa palad niya na pumasok kaagad sa loob ng dantian niya.

Hindi naman alintana ni Wong Ming na madiskubre ang ginagawa niya ngunit may pag-iingat siyang ginawa. Isa pa ay hindi naman siya sugapa sa kapangyarihan ngunit alam niyang makakatulong ng malaki ang mga purong demonic essences na makukuha niya sa reverse scale ni Lord Damon.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay napagdesisyunan ni Wong Ming na ibalik ang reverse scale na pagmamay-ari ni Lord Damon. Hindi naman siya ganon kadesperado upang kunin ang buong buhay na Cultivation ng nasabing pinuno ng Poseidon Phlox Demon Clan. Naniniwala siyang ang pagiging ganid sa kapangyarihan ay hindi maganda lalo pa't maaari siyang singilin ng natural na cycle ng mundong ito.

Agad na lumutang pabalik sa direksyon ng nakasalampak na Water Demon na si Lord Damon habang makikitang tila nagtataka ang tinging ipinupukol nito sa binatang mula sa lahi ng mga tao.

"Ano'ng ginagawa mo binata?! Ibinigay ko na ang inaasam mong bagay mula sa akin, bakit mo ibinalik mula sa akin ang aking reverse scale?!" Mahinang sambit ni Lord Damon habang makikitang nahihirapan ito kahit magsalita man lang.

"Hindi ko naman sinabing kukunin ko ang reverse scale mo. Hindi ko rin naman mapapakinabangan ito ng malaki. Isa pa ay baka sabihin niyong mga Water Demon na manag-abuso ang lahat ng nabibilang sa lahi ng mga tao." Mahinahong wika ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na hindi niya gustong magkaroon ng alitan ang lahi ng tao sa alinamn sa mga nilalang sa kabilang mundo na tinatawag na Demon World.

Natahimik na lamang si Lord Damon habang makikitang tila nauunawaan niya ang sinasabi ng binatang kausap niya. Kanina niya pa napapansin na marunong pala itong magsalita ng kanilang kakaibang wikang gamit habang makikitang nagulat siya sa sinabi nito.

Kung titingnan niyang mabuti ay kaunti lamang na demonic essences ang kinuha ng binata at alam niyang wala man lang siyang dapat ikabahala rito dahil hindi naman makakaapekto ito sa sariling reverse scale niya.

"Paano'ng nakakapagsalita ka ng lenggwahe namin? H-hindi ba't hindi ka pa nakakapunta sa aming mundo?!" Tanong ni Lord Damon habang makikitang gusto nitong malaman ang tila maalam na paggamit ng binatang mula sa lahi ng tao ng lenggwahe nila. Parang hindi ito nagtugma sa sinabi nito.

"Dito sa mundo namin  ay nagkalat rin ang mga naiwang bagay ng mga manlalakbay na mga demonic cultivators at masasabi kong isa ako sa masuwerteng nagkaroon ng kaalaman patungkol sa mundo niyo lalo na sa lenggwaheng ginagamit niyo." Seryosong sagot ni Wong Ming habang pinipigilan nito ang sarili niyang magkautal-utal. Alam niyang hindi maaaring malaman ng sinuman ang sikretong nakakubli sa katauhan niya lalong-lalo na kung paano niya nakuha ang nasabing kaalaman niya patungkol sa Demon World.

Alam niya kasi ang maaaring maging resulta kung hindi siya mag-iingat at mabunyag ang mga sikreto sa likod ng katauhan niya.

"Ganon ba? Marami na bang mga lahi ng demonyo ang nakapunta sa mundong ito? Bakit hindi man lang sa amin iniwan yung mga bagay na dapat naming alamin. Sadyang magulo lamang ang mundo namin para manatili ang mga ninuno namin." Puno ng lungkot na saad ni Lord Damon habang makikita ang kalumbayang nadarama nito sa kasalukuyan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Wong Ming ang patungkol rito. Karaniwang mayroong desisyon ang mga malalakas na eksperto alinman ang lahi nito kung saan ito gagawa ng sarili nitong tahanan na maituturing o di kaya ay kung saang lugar nito nais humimlay kapag nalaman nitong mamamatay na ito kaya ang mga naiwang mga bagay-bagay o kayamanan ng mga pambihirang mga eksperto ay karaniwang nasa mapanganib na lugar na hindi sakop suungin ninuman.

"Nakakalungkot man isipin ngunit hindi lahat ng bagay ay naayon sa atin. Masuwerte pa rin kung tutuusin ang lahi niyo dahil meron silang katulad mo na isang mabuting pinuno." Seryosong sambit ni Wong Ming upang pagaanin ang loob ni Lord Damon.
Makikitang nakaramdam din siya ng awa rito.

Mabilis na nilagay ni Lord Damon ang kaniyang reverse scale sa kaliwang dibdib kung saan naroroon ang puso nito. Mabilis na naghilom ang sugat nito sa dibdib at biglang bumalik sa dati ang kulay ng balat nito at sigla ng pangangatawan nito.

Namangha naman si Wong Ming sa natural ngunit pambihirang kakayahan ng reverse scale ng Water Demon na katulad ni Lord Damon.

"Maraming salamat binata sa iyong sinabi ngunit hindi ko alam kung makakaya ko ang tungkuling pasan-pasan ng aking balikat. Ngunit ngayon ay kailangan ko ng umalis, hanggang sa muli." Sambit ni Lord Damon at mabilis itong tumayo.

Agad na itong naglakad papalayo patungo sa direksyon ng  katubigna nv nasabing malawak na lawa habang may ngiti sa mukha nito. Naniniwala itong tutuparin ng binatang mula sa lahi ng tao ang pangako nito, pangakong iingatan ang sikretong tinatago ng Poseidon Phlox Demon Clan.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now