Chapter 3.2

223 32 2
                                    


Napasalampak si Wong Ming sa loob ng abandonadong kweba na nakitan iya kanina at mabilis na napasuka ng dugo. Hindi niya aakalaing ganito ang kahihinatnan ng pagkuha niya ng napakaraming demonic essences sa loob ng reverse scale ng nasabing Water Demon na si Lord Damon.

Hindi naman nangangamba si Wong Ming lalo pa't nalagyan niya na ng proteksyon ang buong lugar na ito. Mabuti na lamang at advance siya kung mag-isip lalo pa't kinakailangan niya ng pansamantalang lugar na gustong pamalagian sa kasalukuyan at iyon ay sa mga oras na ito.

Magkagayon pa man ay napangiti pa rin si Wong Ming sa labis na kayamanang nakuha niya sa nasabing pambihirang bagay.

Hindi naman siya ganon kasama at kaganid upang kunin na lamang ang reverse scale ng nasabing pinuno ng Poseidon Phlox Demon Clan para lamang sa pansarili niyang interes. Nakasalalay pa rin ang kinabukasan ng buong angkang pinamumunuan nito sa kaniya kaya ang kaniyang sariling taktika ay makakuha ng napakaraming demonic essences sa reverse scale nito.

Hindi tanga si Wong Ming na kunin ang reverse scale at ilagay ito sa katawan niya. Hindi iyon gagana sa kanya dahil malalagay sa peligro ang buhay niya. Ang reverse scale na galing sa ibang nilalang o lahi ay nakadepende pa rin iyon sa lakas ng pangangatawan ng kung sinumang nilalang. Natural na sa mga Water Demon ang ganoong klaseng senaryo. Hindi maaaring balewalain ng sinuman ang pagkuha ng mga bagay na pagmamay-ari ng iba lalo na kung direktang ilalagay ang reverse scale sa alinmang parte ng katawan nito. Magiging lason lamang ito sa kasalukuyan niyang lebel ng cultivation at maaaring malagay sa panganib ang buhay niya.

Alam iyon ni Lord Damon kung hindi siya nagkakamali. Ang pambihirang kayamanang meron ito kagaya ng reverse scale ay hindi ordinaryo at maaari siyang mapaslang kung sakaling inilagay niya ito sa kaniyang sariling katawan.

Natural lamang na protektahan nito ang pansariling interes lalo na ang kaligtasan ng angkang pinamumunuan nito.

Agad na umupo si Wong Ming ng naka-lutos position. Hindi niya patatagalin ang pagre-recuperate niya lalo pa't maaaring makasama sa kaniya ang mas lalong pagpapatagal ng demonic essences sa lopb ng katawan niya na hindi naman sa kaniya. Kagaya ng kasalukuyan niyang kalagayan ay maaaring makaapekto ito sa kaniyang sariling cultivation level kung sakaling hindi niya ma-refine sa loob ng pangangatawan niya ang napakaraming demonic essences na nakuha niya sa loob ng reverse scale ng nasabing lider ng Poseidon Phlox Demon Clan.

Hindi niya hahayaang mangyari ito lalo na't batid niyang masasayang lahat ng ginawa niya buong buhay niya kung hindi niya masosolusyunan ang kasalukuyang suliraning kinakaharap niya.

Marami pa rin ang mga bagay na nais niyang isaalangalang lalo pa't hindi niya gugustuhing magwakas ang buhay niya dahil lamang sa mga demonic essences sa loob ng pangangatawan niya.

Mabilis na na-immerse ang buong isipan ni Wong Ming sa pagcucultivate. Nakita niya na lamang ang sarili niyang nasa loob ng dantian niya habang napapalibutan ng napakaraming mga naglalakihang mga bolang enerhiya sa kaniyang paligid. Ang dating kaylawak na lugar sa loob ng dantian niya ay tila naging masikip habang nagbubundulan ang mga demonic essences na tila hindi controllable ang mga galaw ng mga ito.

Dito ay sinimulan ni Wong Ming na magcultivate ng magcultivate upang mas lalo pa siyang lumakas.

...

Sa Demon World...

Nasa tabing lawa ay kitang-kita ang tila dalawang nilalang na tila nag-aaway, isang babaeng Water Demon at isang lalaking Water Demon. Makikita ang tila galit na ekspresyon ng isang babaeng Water Demon sa kakharap nitong isa ring kapwa nito Water Demon. Sila ay sina Demoness Crea at Phlox Guard Chief Saleos na ngayon ay tilla nagsasagutan.

"Paano mong nagawang iwan ang pinuno natin sa harap ng isang nilalang na mula sa lahi ng tao ha?! Hindi mo ba alam na siya lamang ang kaisa-isang nilalang na maaaring magligtas sa atin sa kasalukuyan?!" Galit na galit na wika ni Demoness Crea habang mababatid ang pag-aalala sa pinuno nilang si Lord Damon. Makikitang nag-aalala ito sa nakakatandang kapatid niya na ngayon ay pinuno ng kanilang angkan.

"Alam ko ang gusto mong ipahiwatig Demoness Crea ngunit sinusunod ko lamang ang kagustuhan ng ating pinunong si Lord Damon!" Depensang sagot naman ni Phlox Guard Chief Saleos habang seryoso ang mukha nitong nakatingin sa babaeng mas mataas ang katungkulan kaysa sa kaniya.

"At talagang pinagpipilitan mo pa ang gusto mong sabihin Phlox Guard Chief Saleos?! Porket isa kang chief ng sandatahang lakas ng ating Poseidon Phlox Demon Clan ay hindi mo maaaring balewalain ang presensya at kagustuhan ko. Tandaan mo, isa akong Demoness na pumapangalawa lamang sa ating pinunong si Lord Damon, baka nakakalimutan mo kung saan ka lulugar!" Malakas na saad ni Demoness Crea at mababatid ang galit sa tono ng pananalita nito. May pagbabanta sa tono ng pananalita nito na nagsasabing mag-ingat siya sa kaniya.

Hindi niya aakalaing ganito ang kahihinatnan ng pagbabalewala niya sa batas ng lagusang pinakainiingat-ingatan ng angkan nila. Maaaring pumasok ang sinumang nilalang sa loob ng lagusang itp ngunit kapag bumalik sila ay kailangan nitong maghintay ng isang buwan upang makatawid muli. There is a mysterious force na hindi pwedeng labagin ng sinuman dito at dahil sa pagtawid pabalik ni Phlox Guard Chief Saleos kasama siya ay kinakailangan niya pang maghintay ng isang buwan upang makatawid muli sa kakaibang mundong iyon.

Mabilis na yumukod upang magbigay-galang muli si Phlox Guard Chief Saleos sa isang Demoness na katulad ni Crea. [Masasabing katumbas ng demoness ang pagiging prinsesa sa mundong ginagalawan ng mga lahi ng tao].

"Paumanhin sa aking ginawa Demoness Crea, talagang sinunod ko lamang ang kagustuhan ng lider ng walang labis at walang kulang. Naniniwala akong masosolusyunan ni Lord Damon ang patungkol sa binatang mula sa mga lahi ng taong iyon. Alam kong mabuting tao ang isang iyon." Sambit ni Phlox Guard Chief Saleos habang nakalagay sa kaliwang dibdib nito ang sariling kanang kamay bilang paggalang o pagrespeto sa harap ng isang demoness na si Crea.

"At nauto ka naman ng isang binatang iyon. Ang lahi nila ang pinakamahirap pagkatiwalaan. Mapagpanggap at mga ganid ang lahi ng mga tao. Nakasulat sa kasaysayan natin kung gaano sila kasakim sa mga bagay na hinahangad nila!" Nanggagalaiting wika ni Demoness Crea habang makikitang hindi ito naniniwalang madaling pakiusapan ang mga nilalang na nabibilang sa mga lahi ng tao. Mahihina man silang ituring ngunit mapangahas ang mga ito at napakaganid na hinding-hindi niya magugustuhan ang katangiang ito ng mga tao.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang