Chapter 2.11

229 45 4
                                    


"Nagpapatawa ka ba? Paano'ng nangyari ang mga bagay na ito? Wala bang pumoprotekta na mga Demon Emperors doon sa Demon World?!" Sambit ng  binatang si Wong Ming habang kakikitaan ng kuryusidad sa isipan niya.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Lord Damon sa tinuran ng binatang mula sa lahi ng tao. Kakikitaan ng pagkagulat sa mga mata nito.

"Demon Emperors? Paano mong nalaman ang patungkol sa kanila? Ngunit hindi nananatili ang mga Demon Emperors sa mga bayan. Sadyang nasa tagong lugar sila o di kaya ay nasa seklusyon. Mukhang ilang mga taon lamang mula ngayon ay lilitaw na ang mga iyon habang sa ngayon ay mukhang gagamitin ng mga masasamang nilalang ang pagkakataong ito upang patalsikin at burahin ang mga mahihinang mga nilalang o mga papahinang mga angkan ng sapilitan." Malungkot na saad ni Lord Damon habang makikita ang lungkot ang tono ng pananalita nito. Masasabi niyang hindi naging mabuti sa kaniya ang naging usad ng panahon sa loob ng Demon World na naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng agam-agam na isa sila sa mabubura sa kasaysayan.

Agad na nakaramdam ng habag at awa si Wong Ming kay Lord Damon at sa mga nasasakupan nitong mga Water Demons sa angkang pinamumunuan nito. Hindi niya alam ngunit parang may kung ano'ng klaseng emosyon ang pumukaw sa damdamin niya. Hindi niya alam ngunit parang mayroong kakaibang atake ito sa puso niya upang kaawaan ito.

"Natural lamang na gagawin iyon ng mga mapansamantalang nilalang upang magkaroon sila ng mapapakinabangan pagdating ng mga ibayong kaguluhan. Pasensya na ngunit wala akong maitutulong sa iyo nilalang liban na lamang sa pagtago ng sikreto niyo patungkol sa mundo niyo at sa lagusang pinakainiingat-ingatan ng angkan niyo." Seryosong saad ni Wong Ming habang kakikitaan ng pagiging matapat sa sinasabi nito. Hindi niya gugustuhing sirain ang mga bagay na sinabi niya o ipinangako dahil naniniwala siyang hindi siya ganoong klaseng nilalang. Ito na lamang ang tanging magagawa niya para sa mga ito.

"Maraming Salamat binata sa iyong mga sinabi. Naniniwala akong magiging tunay at hindi mo sisirain ang mga pangako mong para sa iyo ay simpleng bagay lamang pero para sa akin ay napakalaking bagay na." Seryosong sambit ni Lord Damon sa masayang boses nito. Kakikitaan ng pasasalamat sa uri ng tingin nito habang ang mga mata nito ay kakikitaan ng pagpatak ng mumunting luha, luha ng pagpapasalamat mula sa angkan nila sa isang binatang taga-labas. 

"Ngunit hindi libre ang gagawin kong ito Lord Damon. Walang libre o bigay sa mundong ito kung iyon ang inaakala mo." Makahulugang turan ni Wong Ming habang makikitang napangisi pa ito ng palihim matapos nitong sabihin ang mga katagang ito.

Nabigla man ay minabuting inintindi ni Lord Damon ang sinabi ng binatang mula sa lahi ng tao at tiningnan ito sa mata. Wala siyang kakikitaan ng ganid sa mga mata nito o anumang masamang intensyon na taliwas sa naiisip niya.

"Sabihin mo sa akin ang iyong nais na kapalit sa pangakong nais mong gawin binata o kung anumang kondisyon ngunit yung abot lamang ng aking kakayahan." Sambit ni Lord Damon habang makikitang seryoso ito at hindi nagbibiro sa bawat katagang sinalita nito sa binatang nasa harapan niya.

"Madali ka naman palang kausap Lord Damon, ang nais ko lamang ay ang reverse scale mo bilang isang pambihirang Water Demon. Alam kong importante ito sa iyo lalo na sa sariling cultivation level mo ngunit hanggang saan ang maaari mong magawa para lamang itago ko ang mga bagay na nalalaman ko patungkol sa angkan na pinamumunuan mo?!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang makikitang napangisi pa ito ng malademonyo. Gusto niyang inisin at gamitin ang mga salitang ito upang malaman kung hindi nga magtataksil ang isang Water Demon na ito sa mga sinasabi nito.

"Handa akong gawin ang nais mo alang-alang sa seguridad ng angkan ko. Hindi ko aakalaing ang sariling reverse scale ko pa ang napagkainteresan mo na kunin. Wag kang mag-alala, ibibigay ko ito sa'yo ng walang pag-aalinlangan." Seryosong wika ni Lord Damon habang makikitang nabuhayan ito ng loob. Hindi niya gugustuhing magkautang ng loob sa kahit na sino. Isa siyang pinuno ng angkang pinamumunuan noon ng magigiting na mga ninuno niya. He don't want to let them down kahit buhay niya pa ang kapalit, handa siyang ibigay iyon alang-alang sa kaligtasan ng lahat.

Walang pag-aalinlangang kinapa ni Lord Damon ang kaliwang dibdib nito. Likas sa pangangatawan nila ang may malakas na depensa lalo pa't ilang layers ng balat ang meron sila kumpara sa ibang nilalang lalong-lalo na sa mga tao. Jsa sa pinakainiingat-ingatang sikreto ng mga lahi ng demonyo ay ang kanilang reverse scale na maituturing na meron din ang ibang mga malalakas na mga nilalang kagaya ng mga Magical Beasts at iba pa.

Kaibahan nga lamang ay iba-iba ang pwesto o lokasyon ng reverse scale ng mga demonyong katulad ni Lord Damon.

Nang makita ni Wong Ming ang unti-unting pagbuka ng balat ni Lord Damon ay kitang-kita nito ang ibayong kasabikan sa reverse scale na meron ang pinuno ng Poseidon Phlox Demon Clan ng Demon World. Sigurado siyang papakinabangan niya ito ng malaki sa matutuklasan niya kapag napasakamay niya na ang bagay na ito.

Maya-maya pa ay lumitaw ang isang kakaiba ngunit may kalakihang kaliskis na kulay asul sa loob ng kaliwang dibdib ni Lord Damon habang kitang-kita ni Wong Ming na malapit na lamang ito sa tumitibok na puso ni Lord Damon.

Walang pag-aalinlangang hinawakan ito ni Lord Damon ng mabuti at malakas na hinugot sa dibdib nito.

AHHHHHHHHH!!!

Malalakas na mga hiyaw ang pinakawalan ni Lord Damon at ilang segundo lamang ang nakakalipas ay mabilis na nakuha nito ng buo ang reverse scale nito.

Kitang-kita ni Wong Ming ang kalunos-lunos na sinapit ng pambihirang Water Demon na si Lord Damon mula sa ginawa nitong pag-alis ng sariling reverse scale nito sa loob ng kaliwang dibdib nito.

Parang hindi maipinta ang mukha nito at napasalampak pa ito sa lupa dulot ng ibayong pagod at tila biglaang pagkawala ng lakas nito.

"Ito na ang pinakahinahangad mong reverse scale binata. Kunin mo na at tuparin mo ang ipinangako mo kapag hindi ay isusumpa kitang kahit sa kamatayn ko ay dadalhin kita sa hukay!" Seryoso ngunit may mapagbantang boses na sambit ni Lord Damon habang napasuka pa ito ng masaganang dugo. Kakaiba ang dugo nila lalo pa't kulay itim ang kulay nito kagaya ng mga kauri nito. Inilahad nito ang palad niya patungo sa direksyon ng nasabing binata.

Mabilis na lumutang papalayo sa kamay ni Lord Damon ang reverse scale nito habang parang papel ang kulay ng balat nito dahil sa ibayong pagkawala mg pinagmumulan nitong lakas, ang nasabing reverse scale niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now