Chapter 3.8

214 45 6
                                    

Napahanga ni Wong Ming ang halos lahat ng saksi sa labanang ito dahil sa natural na kakayahan nito na higitan ang magagawa ng batang pinuno ng Black Clover Tribe na si Qiáo Jian.

Mabilis na bumangon si Qiáo Jian habang makikitang may dugo sa gilid ng labi nito habang makikitang hindi maipinta ang pagmumukha nito.

Maya-maya pa ay napangisi ito at nagsalita sa kalaban nito.

"Hehehe... Napahanga mo ako Wong Ming sa kakayahan mong lamangan ang aking kakayahan sa pakikipaglaban gamit lamang ang natural na pakikipaglaban ngunit paano kaya kung ipalasap ko sa iyo ang galing ko sa paggamit ng espada?! Hehe!" Nakangising demonyong sambit ni Qiáo Jian habang makikitang bigla na lamang nagmaterialize sa kamay nito ang nasabing malaking espadang pagmamay-ari nito na animo'y naglalabas ng itim na itim na enerhiya.

Nagulat naman si Wong Ming sa nasabing pagbabago sa labanan nila ni Qiáo Jian ngunit agad nitong inihanda ang sarili niya sa pagkakataong ito. Hindi siya maaaring magpatalo sa isang katulad ni Qiáo Jian.

Naalala niyang isa itong espadang minsang dumaplis sa kaniyang katawan noong niligtas ng pesteng binatang ito ang kakambal niyang si Qiáo Guiren sa kaniya.

Walang nagawa si Wong Ming kundi ang ilabas ang espadang ibinigay sa kaniya ng ama niyang si Head Chief Bengwin. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gamitin ito upang pantayan ang lakas na meron si Qiáo Jian.

Mula sa ere ay nakita ni Wong Ming na nakalutang doon si Qiáo Jian habang nagpakawala ito ng pambihirang martial arts skill.

Skill: Three Slash of Darkness!

Tatlong magkakasunod na guhit ng espada ang pinakawalan nito sa ere habang ramdam na ramdam ni Wong Ming ang nakakapangilabot na guhit na gawa sa purong enerhiya ng kadiliman.

Ngunit hindi naman nagpatalo si Wong Ming sa nasabing atake ng binatang nasa harapan niya dahilan upang ang kukay pulang enerhiya ng espada na hawak-hawak nito ay biglang nagbago ang kulay nito na tila ba ginapangan ng yelo.

Skill: Three Slash of Ice Shards!

Sa isang iglap ay malakas na pinakawalan ni Wong Ming ang parehong skill na isinagawa ni Qiáo Jian habang makikitang nagkabungguan ang nasabing atake sa ere.

BANG!

Malakas na sumabog ang dalawang martial arts skills sa ere.

Ngunit nagulat naman ang lahat sa ganitong klaseng insidente dahil nagtataka sila dahil parehong-pareho ang atake ng mga ito at itinuturing na isang malakas na atake ang ganitong klaseng martial arts skill.

Maging si Qiáo Guiren ay napatayo na sa kaniyang sariling upuan at tumingin ito sa ama niyang si Head Chief Bengwin.

"Ama, bakit may ganoong klaseng martial arts skill si Wong Ming? Tinuruan mo ba siya ng ganoong klaseng skill?!" Tanong ni Qiáo Guiren sa tahimik nitong ama na nanonood.

"Huh? Hindi, wala akong alam sa sinasabi mo anak. Wala akong alam sa skills na galing sa loob ng Ashfall Forest. Bakit may problema ba sa skill na parehong isinagawa ng kakambal mo at ni Wong Ming?!" Seryosong sagot naman ni Head Chief Bengwin habang napatanong ito sa huli. Wala siyang kaide-ideya sa gustong ipahiwatig ng anak niyang si Qiáo Guiren.

Nagulat naman si Qiáo Guiren sa isinagot ng ama niya. Nagtataka itong nakatingin kay Wong Ming bago ito tumingin sa ama nitong nagtataka rin.

"Imposibleng matutunan ng isang nilalang ang pambihirang mga skills ng ancient tribes na nasa loob ng Ashfall Forest. Kahit ako ay hindi ko magawang maperpekto ang ganoong skill. Isa lamang ang Three Slash of Darkness sa magkaparehong elementong meron ito. Nakakatakot ang atakeng ito ngunit hindi ko aakalaing nagawang magamit ni Wong Ming ang atakeng ito sa magkaparehong paraan." Mahabang pahayag naman ni Qiáo Jian habang makikitang hindi ito makapaniwala sa kaniyang napanood sa labanang ito.

"Siguro ay masuwerte lamang si Wong Ming na makasagupa ng oportunidad sa loob ng Ashfall Forest. Mahigit isang buwan din itong nawala kaya hindi natin alam kung ano'ng klaseng pag-unlad na ito. Naniniwala akong makakaligtas si Wong Ming sa labang ito." Seryoso saad ni Head Chief Bengwin habang may ngiti sa mga labi nitong nakatingin sa isa sa kambal niyang anak na si Qiáo Guiren.

"Tama ka ama. Panoorin na lamang natin ang labang ito tsaka na tayo mamroblema." Simpleng turan na lamang ni Qiáo Guiren habang mabilid nitong ibinalik ang tingin sa labanang nangyayari sa pagitan ng kakambal niyang si Qiáo Jian at ni Wong Ming.

"Magaling Wong Ming, naiwasan mo ang hagupit ng aking martial arts skill ngunit magagawa mo kayang sabayan ang galing ko sa pakikipaglaban gamit ang espadang hawak-hawak ko?! Hehehe..." Nakangising demonyong wika ni Qiáo Jian at mabilis na nawala ito sa ere at lumitaw ito sa harap mismo ni Wong Ming.

Malakas na iwinasiwas nito ang espadang pagmamay-ari niya ngunit mabilis din ang naging kilos ni Wong Ming upang sanggain ang mga atake ni Qiáo Jian.

ECCKKK!

Mabilis na napaatras si Wong Ming ng ilang metro upang iwasan ang ibang mga atake ng kalaban niya. Hindi niya aakalaing susugurin siya at babatuhin ng mga atake ng mismong kalaban niya dahilan upang sapilitan siyang mapaatras.

Mabibigat at malalakas ang pagwasiwas ng espadang ginawa ni Qiáo Jian na halatang gamay na nito ang paghawak ng sandatang gamit nito.

Heyyyahhhh!

Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ni Wong Ming at mabilis na sumugod ito sa kinaroroonan ni Qiáo Jian. Hindi siya magpapaapi lamang sa katulad nitong mayabang. Mas mainam na ipakita rito ang pambihirang abilidad na meron siya.

Slash! Slash! Slash!

Sunod-sunod na pagwasiwas ng espadang hawak-hawak ni Wong Ming patungo sa kinaroroonan ni Qiáo Jian ngunit mabilis na nasasangga nito ang mga atake niya.

Ngunit sa huling pag-atake ni  Wong Ming ay kapansin-pansin ang pagliwanag ng espadang hawak-hawak nito ngunit huli na upang mapansin ito ni Qiáo Jian.

Slash!

Malakas na maririnig ang tunog ng nagbabanggaang mga metal kung saan ay bigla na lamang makikita ang pagluwa ng mga mata ni Qiáo Jian nang mapansing tila bumigat ang espadang hawak niya maging ang kamay niya hanggang sa napansin nitong bumigat ang buong pangangatawan niya.

Biglang tumahimik ang lahat sa kanilang nasaksihan nang makita nilang nabalot ng makakapal na tipak ng yelo si Qiáo Jian dahilan upang maging estatwa ito sa harap ng lahat lalo na sa harap mismo ni Wong Ming.

Napangiti na lamang si Wong Ming dahil nabitag niya ang nasabing kalaban niya sa ginawa niyang Ice Martial Arts Skill na Freeze. Hindi man ito maituturing na malakas na skill ngunit alam ni Wong Ming na mapapakinabangan niya ito at ito na nga ang tamang pagkakataon upang maisagawa niya ito ng aktuwal sa harap ng lahat.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now