Chapter 3.9

196 34 1
                                    


Bago pa man makawala si Qiáo Jian sa martial arts skill na isinagawa sa kaniya ni Wong Ming ay mabilis na nagcast muli ng skill si Wong Ming upang suportahan ang nauna niyang skill.

Skill: Sword Shattering Slash!

Mabilis na nagliwanag ang pambihirang espadang hawak-hawak niya na bigay pa ng amain niyang si Head Chief Bengwin. Masasabi niyang ang espadang ibinigay sa kaniya ay hindi niya aakalaing sa tunay naanak pa mismo ng ama-amahan niya ito gagamitin.

Tiningnan niya ang ama niyang si Head Chief Bengwin ngunit makikitang wala itong kibo ngunit matiim na nakatingin ito sa kaniya.

Magkagayon pa man ay kailangan niya itong gawin alang-alang sa pustahan nila ng binatang si Qiáo Jian na isa sa mga kambal.

Mabilis na nagliwanag ang talim ng pambihirang espadang hawak-hawak niya at itinutok ito sa mismong nagyeyelong lugar kung saan ay nasa loob nito si Qiáo Jian na hindi pa rin nakawala sa kaniyang paunang martial arts skill na nagkulong rito.

Unti-unti niyang nakitang nagkabitak-bitak ang malaking tipak na yelo habang pansin niyang ito ay kagagawan mismo ni Qiáo Jian. Sinusubukan nitong kumawala sa martial arts skill niya.

Hindi na naghintay pa si Wong Ming na makawala si Qiáo Jian at mabilis nitong pinabulusok ang espadang hawak-hawak niya.

Kitang-kita kung paanong mabilis na papunta sa direksyon ni Qiáo Jian ang nasabing pambihirang espadang maaaring puminsala sa kaniya.

Sa loob ng malaking tipak ng yelo ay makikita ang tila pag-iba ng mga mata ni Qiáo Jian. Hindi siya gumalaw man lang sa kinaroroonan niya ngunit makikitang alam niya ang nangyayari sa labas ng nagyeyelong parte ng lugar na siyang nagtrap sa kaniya.

Kitang-kita niya rin ang bupng pangyayari kung saan ay nagsagawa ng panibagong martial arts skill si Wong Ming na siyang ampon ng ama nila ni Qiáo Guiren.

Bago pa man tumama sa kaniya ang nakakatakot na bilis at pwersa ng pambihirang espadang pagmamay-ari ni Wong Ming ay mabilis din siyang nagsagawa ng martial arts skill niya.

Dark Element Skill: Darkness Arise!

Sa isang iglap ay bilang nabalot ng kadiliman ang lugar kung saan naroroon si Qiáo Jian na na-trap sa mismong lugar nito sa bandang gitna ng arena

Halos tahimik ang lahat sa buong durasyon ng laban. Masasabi nilang sa lagay na ito ay hindi magpapatalo si Qiáo Jian, ang magiging susunod na pinuno nila.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap kung saan ay masasabing ang naging pag-atake ni Wong Ming ay tila naging malabo para rito.

Mabilis ring nawala ang itim na mga usok na nabalot sa buong kapaligiran kung saan naroroon ang na-trap na si Qiáo Jian.

Ngunit halos lumuwa ang mga mata ng lahat nang mapansin ang kakaibang pangyayari matapos na ma-execute ni Wong Ming ang sarili nitong skill sa kinaroroonan ni Qiáo Jian.

Naging seryoso ang pagmumukha ni Wong Ming nang mapansing tila nasayang lamang ang kaniyang sariling martial arts skill na isinagawa. Kitang-kita niya na sumabog ang buong lugar lalo na ang sira-sirang mga tipak ng yelo na tinamaan ng malakas na pagsabog na naganap matapos niyang magsagawa ng pambihirang skill niya.

Maya-maya pa ay lumitaw ang isang pigura sa ere at kitang-kita ng lahat kung sino ito, walang iba kundi si Qiáo Jian na nakangiti ng malademonyo habang nakatingin kay Wong Ming.

"Phew, mukhang nadale ako ng atake mabuti na lamang at naiwasan ko ito sa tamang pagkakataon!" Nakangiting sambit ni Qiáo Jian ngunit mabilis na tumalim ang mga mata nitong nakatingin kay Wong Ming.

Kung hindi dahil sa demon eyes na meron siya ay muntikan na siyang mapinsala ng malala sa ginawang pag-atake ni Wong Ming sa kaniya. Hindi niya sukat aakalaing lumakas ng biglaan ang nasabing binatang taga-labas na nakalaban niya sa nakalipas lamang na mahigit isang buwan.

Halos ang precisions ng mga atake nito ay hindi kakikitaan ng flaws ngunit pasalamat lamang siya at nagawa nitong ilagan ang nasabing huling skill nito.

Pero hindi siya magpapatalo, siya ang hinaharap na lider ng Black Clover Tribe at hindi siya maaaring magpatalo lamang sa isang sampid at walang kwentang nilalang na katulad ni Wong Ming. Ipapakita nito na mas magaling at mas malakas siya rito.

Gamit ang kaniyang sariling mata ay mabilis niyang sinipat at ineksamin ang pangangatawan ng binatang si Wong Ming.

Demon Eye Skill: Eye Devourer!

Mabilis na lumakbay ang paningin ni Qiáo Jian patungo sa mismong binatang si Wong Ming habang mabilis na papalapit ng papalapit siya rito ngunit sa pamamagitan lamang ng kaniyang demon eyes.

"Hinding-hindi mo ko matatalo Wong Ming. Isa ka lamang insekto sa paningin ko. Ako ang mas malakas at karapat-dapat sa mga bagay na pagmamay-ari ng ama ko at hindi ka makikinabang ng kahit na anuman sa mga yaman ng ama ko!" Sambit ni Qiáo Jian sa kaniyang isipan lamang.

Nakatayo lamang si Wong Ming ngunit ang tingin niya ay nasa malayo. Kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagkabigla habang ang mga manonood sa matinding labang ito ay tila napuno ng pagtataka. Sino ba naman ang mag-aakalang parang tanga si Wong Ming na amy tinitingnan ito sa himpapawid ngunit wala naman silang nakikita.

Ang nakaupong si Qiáo Guiren ay biglang napatayo sa kaniyang sariling upuan na siyang mabilis ring napansin ni Head Chief Bengwin habang makikitang labis itong nagtataka sa kakaibang kilos ng anak nitong si Qiáo Guiren na makikitang hindi ito mapakali habang mababakas sa mga mata nito ang labis na pangamba at pag-aalala.

Hindi na napigilan pa ni Head Chief Bengwin ang kuryusidad niya kaya mabilis niyang tinanong ang anak nitong si Qiáo Guiren.

"Anak, ano ang nangyayari, bakit parang hindi ka mapakali diyan na para bang alam na alam mo ang nangyayari sa labanan ng kakambal mo at ni Wong Ming?!" Seryosong tanong ni Head Chief Bengwin habang nakatingin ng taimtim sa anak nitong si Qiáo Guiren.

Wala siyang nakikitang kakaiba sa kinikilos ni Wong Ming ngunit pansin niyang tila ba napakatagal naman nitong nakatignin sa ere na kahit sino ay magtataka rin.

"Ama, masyadong delikado ang ginagawa ni Qiáo Jian na siyang kambal ko. Isang kakaibang auxiliary eye skill ang ginagamit nito kung saan ay magkakaroon ng matinding ilusyon ang nasabing panggagamitan ng pambihirang skill nito. Ayon kay Qiáo Jian ay isa ito sa trump card niya at maaaring maging alas niya sa kung sinumang gusto niyang pinsalain niyang nilalang. Maaaring malunod ang sinuman sa malakas na ilusyong ito na makakaapekto sa nasabing mabibiktima ng skill na ito." Mahabang pahayag ni Qiáo Guiren habang seryoso itong nakatingin sa ama niyang si Head Chief Bengwin. Makikita ang labis na pag-aalala nito dahil maaaring ikapahamak na ni Wong Ming ang gianwa nitong panghahamon sa kaniyang sariling kakambal.

Alam niya kasing walang awa si Qiáo Jian kung lumaban. Gagawin nito ang lahat upang manalo sa alinmang kompetisyon o labanang kinakaharap nito.




...

Send GCASH Cutie🥰

Send GCASH Cutie🥰

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon