Chapter 1.3

249 42 4
                                    


Kinabahan naman si Wong Ming sa uri ng ngiti at tingin ng misteryosong babae lalong-lalo na ang mga katagang sinasabi nito. Para bang may kung anong laman ang mga sinasbai nito na animo'y parang nakakabahala ito.

"Anong ibig mong sabihin magandang binibini? May magandang maidudulot ang paghahalo ng demonic essence sa katawan ko ganoon ba?!" Nagtatakang tanong ni Wong Ming habang nakahawak sa kaniyang sariling buhok. Hindi niya aakalaing matapos ang pangyayaring iyon ay pakiramdam niya ay nangibabaw ang labis na pagsisisi dahil sa maling ginawa niya.

Pakiramdam niya ay hindi na siya yung dating siya. May parte na sa katawan niya na isa na siyang taong may katawan ng isang demonyo. Ano pa ang pinagkaiba niya sa mga demonic tribe na nagsasanay ng mga demonic martial arts practices.

Halos lahat ng righteous path sects ay galit na galit sa mga demonic cultivators. Maging ang Wong Family ay galit sa mga ito dahil sa kasaysayang dulot ng paglalaban at digmaan ng mga righteous path sects at ng mga demonic cultivators na nagsasama at naghasik ng lagim sa buong Golden Crane City.

Hindi siya reklamador o anuman ngunit ang pagiging parte ng isang nilalang na kinamumuhian ng lahat ay pakiramdam niya ay hindi pa siya pinapatalsik sa Wong Family ay parang humiwalay na siya rito. Naalala niya naman ang sinabi sa kaniya ng pesteng mga nilalang na kasapi ng Wong Family ay naging malinaw na hinding-hindi siya maaaring maging miyembro ng nasabing royal family paano pa kaya ang pamunuan niya na isa lamang siyang ampon.

Those things are really not going to end a good thing. Parang mas nilayo niya pa ang sarili niya na tulungan ang kaniyang sariling ama-amahan sa karapat-dapat na papalit rito upang magkaroon ng hinaharap na lider ang buong Wong Family.

Ngunit agad namang naantala ang mga iniisip niya nang marinig niyang nagsalitang muli ang misteryosong babaeng nakasuot ng kulay puting bestida.

"Isa kang mangmang binata. Ano ba ang dahilan ng iba upang pag-aralan ang mga demonic arts?! Iyon ay dahil sa nag-aasam sila ng malakas na kapangyarihan at abilidad na makakaligtas sa kanila sa mga banta ng kanilang mga kaaway o di kaya ay makamit ang mga bagay-bagay na gusto nilang makuha. Hindi ko naman sinabing kailangan mong magsanay o mag-aral ng mga demonic cultivation at hindi ka magiging demonic cultivator dahil lang sa demonic essence na yun, asa ka heh!" Mapang-uyam na turan ng misteryosong babae habang napasinghal pa ito huli. Para bang nahirapan pa siyang magsalaysay rito.

Hindi niya alam na may pagkatanga ang binatang ito na nasa harap niya. Ang pagkakaroon niya ng full demon form ay magiging demonyo siya ngunit hindi naman ibig sabihin nun ay magiging ganon na talaga ang magiging permanenteng anyo niya. Pati siya sy nahihirapan magbigay eksplenasyon rito.

Napangiti na lamang si Wong Ming nang marinig niya ang mga bagay na sinasabi ng misteryosong nilalang na nasa harapan niya.

"Kung gayon ay hindi ako magigjng permanenteng demonyo ngunit isa lamang iyong abilidad na nakuha ko sa enerhiyang nahigop ng sword needle ko?!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang makikitang abot-ngiti ang nakapaskil sa mukha nito. Sino ba naman kasi ang hindi natutuwa sa mga sinasabi ng misteryosong babae.

"Oo. Parang napakaswerte mo naman ata binata kung magkakaroon ka ng demon power habang hindi ka nagsasanay ng demonic cultivation. Masyado ka naman atang nangangarap ng gising!" Inis na wika ng magandang babaeng tila hindi natutuwa sa pinagsasabi sa kaniya ng binatang nasa hindi kalayuan mula sa kaniya.

Hindi naman kaagad nakasagot si Wong Ming dahil sa inasta ng maganda ngunit misteryosong babae na nakakausap niya sa kasalukuyan sa kakaibang lugar na ito.

Ngunit kaagad namang napadapa si Wong Ming nang makaramdam siya ng ibayong sakit na nagmumula sa kaliwang dibdib niya sa bandang puso niya. Parang biglang nanikip ang dibdib niya dahil sa kakaibang pwersang tila nanunuot at pilit na pumapasok sa loib ng puso niya. Napakahirap ng sitwasyong kinakaharap niya dahil hindi pa pala tapos ang ibayong hirap na naramdaman niya kanina. Parang bumwelo lang na nawala bigla ang sakit ngunit ngayon ay sobrang sakit na nang nararamdaman niya.

Pumaimbabaw ang napakaraming nagtatalasan at naghahabaang mga ice spikes sa paligid ni Wong Ming habang kitang-kita na tila namumuo ang mumunting tipak sa iba't-ibang parte ng katawan nito.

"Kita mo na?! Hindi ka nag-iingat binata. Ang demonic essence ay nagiging mabangis na lalo pa't malapit na nitong pasukin ang parteng puso mo. Kung hindi mo mapipigilan ito ay babalutin nito ang iyong sarili ng mga tipak na yelo at makakatulog ka ng mahabang panahon. Ngunit nasisiguro kong mamamatay ka kapag hindi mo naagapan ang bagong penomena na nagpapabago at nangyayari sa loob ng katawan mo." Seryosong turan ng misteryosong babae habang makikitang bigla itong nag-alala dahil hindi ito simpleng bagay.

"Ano'ng maaari kong gawin magandang binibini?! Hindi ako maaaring matulog ng mahabang panahon o tuluyang mamatay. Marami pa kong gustong gawin. Tulungan mo ako pakiusap." Malungkot na saad ni Wong Ming habang kitang-kita sa mata nito at tono ng pananalita nito ns nagsusumamo itong tulungan siya sa kasalukuyang suliraning kinakaharap niya.

"Huwag kang mag-alala binata, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Hindi ko hahayaang mamatay ka ngunit ipangako mong tutulungan mo din ako sa oras na kakailanganin ko din ang tulong mo." Seryosong sambit ng misteryosong babae habang gusto nitong masigurong tutuparin ng nasabing binata ang kahilingan niyang ito.

"Yun lang ba magandang binibini?! Ipinapangako kong tutulungan kita sa abot ng aking makakaya sa hinaharap arrrrrggghhh!" Seryosong wika ni Wong Ming habang kitang-kita na mabilis itong napahiga sa sahig nang maramdaman nito ang tila bumubunggong enerhiyang pilit na pumapasok sa mismong parte ng puso niya.

"Kung gayon ay humanda ka binata dahil hindi magiging madali ang gagawin kong pabor sa iyo ngunit naniniwala akong makakaya mo ang mga bagay na magbibigay sa'yo ng pamamaraan upang makaligtas ka sa maaaring sakunang dulot ng demonic essence sa loob ng pangangatawan mo." Setting saad ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida habang nakatanaw sa nanmimilipit sa sakit na si Wong Ming.

Biglang ipinikit ng misteryosong babae ang mga mata nito at may binubulong ito sa hangin na halatang isa ito sa mga sinaunang lenggwaheng natutunan niya noong nabubuhay pa ito.

Ilang segundo lamang ang nakalilipas ay biglang lumitaw ang kakaibang itim na bagay sa tinatapakan na Wong Ming. Nanlaki naman ang mata ni Wong Ming nang maramdaman niyang tila pumapailalim ang buong katawan niya.

AHHHHHHH!!!!

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng mismong bibig ni Wong Ming matapos itong tuluyang malaglag sa tila isang kakaibang portal na humigop sa nakahigang pangangatawan nito.

Napangiti na lamang ang misteryosong babaeng nakasuot ng kulay puting bestida ng nakakaloko. Sa isip-isip nito ay parang nakabawi siya sa binatang si Wong Ming ng higit sa kaniyang inaasahan.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon