Chapter 3.7

198 38 1
                                    


Talaga lang ha? Kung iyan ang iyong nais ay pagbibigyan kita. Naghahanap ka ng sakit ng ulo mo at masasabi kong ibibigay ko ang nais mo. Kapag natalo ka ay aalis ka na sa Wong Family total ay wala ka rin namang kwenta hahaha!" Seryosong sambit ni Qiáo Jian habang makikitang nakangisi pa ito ng malademonyo habang nakatingin sa direksyon ni Wong Ming.

Ipapamukha niya rito kung sino at ano ang maaaring consequences kapag ginalit siya nito. Pagkakataon niya na ito upang patalsikin si Wong Ming na hindi niya na patatagalin pa.

Tutol man si Qiáo Guiren sa nais ng kapatid nitong si Qiáo Jian na paalisin si Wong Ming dahil lamang sa magiging kahihinatnan ng labang ito ay hindi niya maisalita ito sapagkat mabilis siyang sinamaan ng tingin nito na nagpapahiwatig lamang na wag na siyang makisawsaw pa rito.

Ngunit hindi na nakapagtimpi pa si Head Chief Bengwin at mabilis itong nagsalita laban sa anak nitong si Qiáo Jian.

"Ano namang pakulo ito Qiáo Jian? Masyado mo naman atang ginugulangan si Wong Ming. Hindi pa ba sapat ang maaaring mga bagay na para sa iyo?!" Inis na wika ni Head Chief Bengwin habang makikita na hindi ito natutuwa sa pinanggagagawa ni Qiáo Jian kay Wong Ming.

"Hindi at hindi iyon magiging sapat para sa akin. Lahat ng bagay na pagmamay-ari mo ay pagmamay-ari rin namin. At itong sampid na inaanak mo ay walang karapatan sa anumang bagay na tinatamasa niya ngayon. Pasalamat siya at nagiging mabait pa ko sa lagay na to." Aroganteng sambit ni Qiáo Jian habang matalim ang titig nito sa ama nitong si Head Chief Bengwin lalong-lalo na sa ampon nitong si Wong Ming.

Magsasalita pa sanang muli si Head Chief Bengwin ngunit agad na naunahan siya ni Wong Ming.

"Walang problema. Kung yan ang ikasisiya ng puso mo Qiáo Jian ay handa akong punan ang kahilingan mong ito kung sakaling ikaw ang manalo sa magiging laban natin." Simpleng wika na lamang ni Wong Ming upang ipahayag ang pagsang-ayon nito sa kondisyon ni Qiáo Jian. Wala siyang pagpipilian pa lalo pa't hindi na ito magpapaawat pa.

Tutol man ang ama nitong si Head Chief Bengwin sa kagustuhan ng anak nitong si Qiáo Jian ay ginantihan na lamang ito ni Wong Ming ng isang mainit na ngiti, ngiting sinasabing magiging okay lamang ang lahat.

Nakita rin ito ni Qiáo Guiren at masasabi nitong hindi na rin magpapaawat pa si Wong Ming. masasabi niyang masyado namang malala ang gustong mangyari ng kapatid niya ngunit nabitag nito si Wong Ming. Ngunit inaasahan niyang Wong Ming would do his best to defeat his twin brother.

Ngunit agad na nalungkot si Qiáo Guiren nang mapansing tila ba nasa Middle Stage Golden Blood Realm pa lamang si Wong Ming habang ang kapatid niyang  si Qiáo Jian ay nasa Late Stage na ng Golden Blood Realm, hindi alam ni Qiáo Guiren ngunit nakaramdam ito ng awa para rito dahil sigurado siyang matatalo ito ng kapatid nito.

Napakatuso talaga ng kapatid nito upang magawa nito ang mga bagay  na magbebenepisyo sa sarili nito.

Magkagayon pa man ay mali pa ring hamunin ni Wong Ming si Qiáo Jian ngunit naiisip niyang taktika lamang ito ng kapatid nito ang lahat upang mauwi ito sa kasukdulan at ito ay ang labanan nila ang isa't-isa.

Maya-maya lamang ay mabilis na naglakad sa gitnang bahagi ng arena sina Wong Ming at ang kakambal nitong si Qiáo Jian. Parehong kakikitaan ng kalmadong ekspresyon ang dalawa ngunit nakangising demonyo ang kapatid niya, malayong-malayo sa inaasahan nitong magiging reaksyon nito. Magkambal man sila kung ituring ngunit magkaiba pa rin sila ng pag-uugali.

Walang nagawa sina Qiáo Guiren at Head Chief Bengwin kundi ang mabilis na lumayo sa loob ng arena at umupo sa bandang mga upuan saksihan ang kaganapang ito.

Sinindihan ni Qiáo Jian ang isang gunpowder na nagpapatunay na mayroong magaganap na laban sa kasalukuyan dahilan upang maalerto ang lahat sa magiging laban nito sa loob ng mismong Black Clover Tribe.

Maraming mga miyembro ng tribo ang bigla na lamang nagsipasukan sa loob ng pasilyo patungo sa arenang ito habang mabilis na napuno ang buong lugar na ito.

Malalakas na hiyawan ang maririnig sa buong arena habang makikitang halos pangalan ng kakambal niya ang isinisigaw ng mga ito.

Halos lahat ay pabor sa kapatid niya ngunit gusto niyang manalo si Wong Ming. Maging ang ama nitong si Head Chief Bengwin ay makikitang kay Wong Ming rin ito pumapanig kahit na alam niyang may puwang sa puso nito ang kapatid niya. Aaminin niya man o hindi ay mainitin ang ulo ng kapatid niya at gusto ang atensyon ng lahat.

Hindi nagtagal ay opisyal na nagkaroon ng labanan sa bawat isa ngunit walang gumagalaw sa mga ito.

Tahimik na nagmamasid sina Qiáo Jian at Wong Ming sa kanilang mga sarili na halatang nag-iingat sa bawat isa.

Ngunit hindi nakapagtiis si Qiáo Jian at mabilis itong sumugod sa kinaroroonan ni Wong Ming habang nakakuyom ang mga kamao nito.

TAH! TAH! TAH!

Tila sumasabog ang bawat suntok ni Qiáo Jian nang tumatama ang suntok nito sa hangin dahil maayos na naiiwasan ni Wong Ming ang bawat suntok na binibitawan ng kaniyang sariling kalaban. Walang nagawa si Wong Ming kundi ang umatras ng ilang metro ngunit hindi siya tinigilan ni Qiáo Jian dahil sa psg-atras nito ay umabante naman ito upang sundan ang paggalaw ng binata.

Walang nagawa si Wong Ming kundi ang mabilis na bigyan ito ng malakas na pagsipa.

PAH! PAH! PAH!

Tatlong malalakas na pagsipa ang pinakawalan ni Wong Ming ngunit nasangga ang dalawang atake nito habang sa huling pagkakasipa nito ng malakas ay tumama ang atake niya sa bandang tagiliran ni Qiáo Jian dahilan upang umatras ito ng dalawang hakbang.

Ngunit agad na tumalon si Qiáo Jian patungo kay Wong Ming at binigyan ito ng malakas na pagsuntok sa ere ngunit nasangga ito ni Wong Ming kaso lamang ay napaatras ito ng isang hakbang dahil hindi nito inaasahan ang mabilis na atake ni Qiáo Jian.

Malakas na umikot si Wong Ming upang ibahin ang pag-atake niya at mabilis na siniko ang pagmumukha ni Qiáo Jian dahilan upang tumabingi ang mukha nito pakanan.

Ito ang naging hudyat ni Wong Ming upang bigyan ng dalawang malalakas na pagsipa sa tiyan si Qiáo Jian.

BANG!

Malakas na natumba si Qiáo Jian sa sementadong sahig ng nasabing arena habang makikitang humulma ang katawan ni Qiáo Jian sa sahig na maraming mga cracks ang namuo.

Natahimik naman ang lahat ng mga manonood na puro mga miyembro ng Black Clover Tribe dahil hindi nila aakalaing mayroong nilalang na kayang ilampaso ang katulad na nilalang na si Qiáo Jian.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now