Chapter 2.3

239 34 3
                                    


Pinili ni Wong Ming na huminto sa kaniyang paglipad sa isang lumang kwebang natagpuan niya. Masasabi niyang abandonado na ito dahil na rin sa wala man lang may gumagala rito na anumang uri ng magical beasts dahil halos napakanipis ng natural na enerhiya (qi) sa kapaligiran.

Agad niyang tinungo ang loob ng abandonadong kweba kung saan ay mabilis niya itong inilapag.

Agad niyang ginamot ang sugat nito sa katawan habang makikitang wala siyang pagpipilian kundi buhayin ito. Maaari niya itong pakinabangan sa hinaharap lalo pa't ramdam niyang mayroong malakas na demonic essence na nakakubli sa kaloob-looban nito. Indikasyon lamang ito na mayroon din itong transformation skill.

Mabilis na nakita ni Wong Ming ang mga letrang nakaukit sa kaliwang dibdib ng kalaban niya habang may kakaibang simbolo ito.

"Wind Titan Tribe... Kung gayon ay isang miyembro ito ng isa sa  mga malalakas na tribo sa loob ng Ashfall Forest. Maaari kong magamit ang mga transformation practices nito upang mapalakas ko pa lalo ang aking demonic essences sa katawan at magamit ko ito ng buong lakas!" Nakangiting sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang. Kahit na maraming memorya siyang nakuha sa Spiritual form ng yumaong pirata ay kulang ito, walang early practices ito kung paano niya magagamay ang nasabing pamamaraan kung paano mapalakas pa lalo ang demonic essences sa katawan niya.

Hindi alam ni Wong Ming na ang demonic essences na napakahalaga pala sa mga miyembro ng mga tribong nagcucultivate ng mga iba't-ibang  essences ngunit nakadepende pa rin iyon sa mga nilalang kung paano nila mapapaunlad ito. Hindi porket meron kang transformation practices ay maaari ka ng magpalit ng anyo kundi ay nakadepende pa rin iyon sa demonic essences na meron ang nasabing nilalang.

Ang nasa kaniya ay tatlong demonic essences lamang meron siya at dahil mayroon siyang transformation practices ng pirata na merong alaala ng proseso ng parehong tubig at yelo ay pinili niya ang yelo dahil ito lamang ang halos may compact na impormasyon na natira sa spiritual form nito. He could use it explore more.

Alam niyang isang hybrid element ang elemento ng yelo na nabubuo dahil sa elemento ng tubig at hangin. Tamang-tama lamang na matutunan niya ang transformation practices na may kinalaman sa elemento ng hangin upang palakasin pa lalo ang demonic essences sa katawan niya.

Palaisipan pa rin kay Wong Ming kung saan nagmula ang demonic essences sa katawan ng mga ancient tribes na kayang-kayang magpalit ng anyo. Alam niyang isa itong foreign essences na nangangahulugang nagmula ito sa totoong demonyo. Yun ang teorya niya rito lalo pa't hindi lahat ng nilalang lalo na ang mga tao ay kayang magpalit ng anyo bilang isang demonyo o magkaroon ng demon form.

Kung gayon ay naiisip ni Wong Ming na mayroong totoong demonyo na pinagkunan nito o sapilitang kinuha ang demonic essences ng kung sinumang nilalang.

Isa din siguro sa dahilan kung bakit tago at ingat na ingar ang mga sinaunang tribo sa paksang ito dahil na rin sa pag-exist ng demonic essences.

Sa ngayon ay kailangan ni Wong Ming na diskubrehin pa lalo ang kakayahan ng demonic essences na meron siya.

Ang dahilan kung bakit iniwan niya ang miyembro ng iniligtas niyang nilalang na nabibilang sa Wind Titan Tribe ay upang maglakbay sa pusod ng Ashfall Forest. Kailangan niyang maghanap ng pambihirang mga halaman (herbs) upang mapalakas ang kaniyang demonic essences sa katawan at tuluyan niyang magising ito.

Sa kasalukuyan kasi ay kalahating gising at kalahating tulog pa ang demonic essences sa katawan niya. Tanda rin ang pamumuo ng tipak ng mga yelo sa kasalukuyang mga kamay niyang tila bigla na lamang uusok at nagkakaroon ng mga yelong umaalpas na lamang bigla.

Agad na naglakad palabas ng abandonadong kweba si Wong Ming at mabilis niyang binalutan ang bibig ng mismong kweba ng pambihirang harang. Gustong makasiguro ni Wong Ming na maging ligtas ang nilalang na tinulungan niya at magamit ang nilalang na ito sa hinaharap.

Alam niyang matagal pa itong magigising dahil na rin sa ice poison na nasa katawan nito. Kailangan niya rin ng mga pambihirang halamang maaari niyang ipang-lunas sa kasalukuyang lagay ng nilalang na miyembro ng Wind Titan Tribe na kung hindi siya nagkakamali ay kayang magpalit ng anyo bilang isang uri ng Wind Demon Form.

Pagkatapos ng ginawa niyang pagharang ay mabilis na inilabas ni Wong Ming ang kakaibang pakpak na meron siya at mabilis na lumipad papalayo.

...

Ilang oras na ang nakalilipas at kitang-kita na nasa isang masukal na kagubatan si Wong Ming habang makikitang ang mga punong nasa kapaligiran niya ay sobrang tayog na halatang matatanda na ang mga punong nakatirik rito.

Hindi alam ni Wong Ming kung ilang dekada ng nakatayo ang mga punong ito ngunit batid niyang matitibay ang mga ito. Isa pa ay nagsisilbi din itong proteksyon at tirahan ng mga nilalang lalong-lalo na ng mga magical beasts. This is their home at alam niyang ang pamumuhay sa pusod ng kagubatan ay nangangahulugan lamang na mapanganib ang pamumuhay maging ang pananatili ng mga mahihinang mga nilalang rito. Law of Jungle exist here at alam niyang hindi magiging madali ang paghahanap niya ng mga pambihirang mga halamang maaari niyang gamitin sa hinaharap.

Alam niyang kailangan niyang mag-ingat sa mga kilos maging sa gagawin niya. Delikado ang lugar na ito, alam niyang ang misyon niya sa paghahanap ng mga pambihirang halaman ay nag-uumpisa na rito.

Mabilis ngunit maingat na binaybay ni Wong Ming ang tinatahak niyang direksyon. Nakatuon ang atensyon niya sa kaniyang sariling misyong gagawin. Hindi siya maaaring magpatalo lamang sa Kaniyang kapaligiran.

Maya-maya pa ay napansin niya ang tila mga lumilipad na mga naglalakihang mga ibon sa ere.  Papunta't parito ang mga ito na animo'y hindi umaalis sa lokasyong nililiparan ng mga ito.

Kung titingnang maigi kasi ay parang hindi sila gumagalaw sa nililiparan nila bagkus ay mayroon silang fixed direction.

Agad na napukaw ang loob ni Wong Ming lalo pa't kahit maulap ang parte kung saan lumilipad ang mga dambuhalang mga ibon ay nakakasiguro siyang may binabantayan ang mga ito sa lugar na nililiparan ng mga ito.

Kung siniswerte siya ay maaaring kayamanan ito o di kaya ay mahalagang bagay para sa mga ibong ito kung sakali. Ang kakaibang penomenang ito ay labis na nagpagising ng kuryusidad sa isipan ni Wong Ming.

Malakas ang kutob ni Wong Ming na ito na nag indikasyon na hinihintay niya, ang tumuklas ng mga bagay na maaaring makatulong sa kaniyang sariling Cultivation.


Malakas ang kutob ni Wong Ming na ito na nag indikasyon na hinihintay niya, ang tumuklas ng mga bagay na maaaring makatulong sa kaniyang sariling Cultivation

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now