Chapter 1.7

222 44 5
                                    

Nagliwanag ang mga mata ni Wong kasabay nito ang pagragasa ng napakaraming mga memoryang hindi sa kaniya kundi memorya ng natalo niyang pirata na matagal ng yumao ngunit malakas pa rin.

Pakiramdam ni Wong Ming ay siya ang nasa mga alaalang iyon. Parang hindi alam ni Wong Ming na ganon karami ang memoryang makukuha niya na hindi niya inaasahan.

Nakita na lamang ni Wong Ming na tila nagkakaroon ng abnormalidad sa katubigan lalo na sa mumunting islang tila unti-unting gumuguho dahil sa hindi niya malamang dahilan.

Ngunit isang pamilyar na tinig muli ang narinig niya sa kaniyang sariling isipan.

"Magaling binata. Hindi ko aakalaing magagawa mong matalo ang nilalang na iyon sa madaling panahon lamang." Tila may sayang pagkakawika ng malumanay na boses sa isipan ng binatang si Wong Ming.

"Hindi ko aakalaing magagawa kong matalo dahil wala rin naman akong pagpipilian hindi ba?!" Sarkastikong saad ni Wong Ming habang makikita ang tono ng pagkainis habang sinasabi ang mga katagang ito.

"Tama! Ano pa nga ba. Mabuti naman at alam mo. Halina't umalis ka na riyan kung ayaw mong makulong sa nawasak na lugar na iyan. Wala na ang masamang piratang nakatira diyan kaya wala na ring silbi ang pag-exist ng maliit na mundong iyan." Seryosong sambit ng malumanay na boses na kakikitaan ng paalala kay Wong Ming.

"Masusunod Binibini." Mabilis na tugon ni Wong Ming habang mabilis nitong hinanap ang nasabing lagusan kung saan siya dumaan kanina.

Hindi naman siya nabigo dahil agad niya ring nahanap ang nasabing lagusan palabas sa maliit na mundong ito sa gitna ng karagatan. Walang pag-aalinlangan siyang tumalon papasok rito.

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nakalubog sa maalat na tubig ng malalim na karagatang kinaroroonan niya. Agad siyang lumangoy pataas upang lumayo sa lugar na ito.

Pagkaalpas ni Wong Ming sa ibabaw ng karagatan ay nakita niya ang isang space crack sa ere at narinig niyang muli ang sinabi ng dalaga.

"Pumasok ka sa space cracks at dadalhin ka niya patungo sa kinaroroonan mo kanina. Magmadali ka kung ayaw mong maiwan diyan sa lugar na iyan." Puno ng babalang turan ng malumanay na boses sa isipan niya. Sino pa nga ba kundi ang misteryosong babaeng nakausap niya kani-kanina lamang.

Lumipad sa ere si Wong Ming at walang pag-aalinlangang pumasok siya sa nasabing space cracks. Namamangha si Wong Ming sa nasabing lagusang ito.

Pagkalabas na pagkalabas ni Wong Ming ay bumungad sa kaniya ang seryosong mukha ng misteryosong babae habang makikitang bumasangot ang mukha ng nasabing binata.

"O ba't ganiyan ang mukha mo binata? Para kang binagsakan ng sampong halimaw?!" Nagtatakang tanong ng nasabing magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida.

"Wala. Hindi mo man lang kasi ako sinabihan ng gagawin ko bago mo ko pinadala sa kakaibang lugar na iyon. Muntik na kong mamatay kanina alam mo ba iyon?!" Histerikal na sambit ng binatang si Wong Ming. Makikitang hindi ito komportable sa ginawang hakbang ng misteryosong babaeng tila hindi naayon sa normal na pamamaraan ang ginawa nito. Ikaw ba naman ang ipadala sa mapanganib na lugar ng walang pasintabi ay maiinis ka talaga.

"Walang anuman. Maliit na bagay. As if naman na may pagpipilian ka." Masungit ngunit may pagkasarkaatikong saad ng misteryosong babae habang makikitang tila hindi ito nababahala sa tinuran ng binata.

Napatahimik na lamang si Wong Ming dahil ang totoo ay siya naman talaga ang may kailangan at tinulungan lamang siya ng nasabing misteryosong babae na ito upang mapigilan ang kakaibang mutasyon at nangyayari sa aktuwal niyang pangangatawan.

"Wong Ming, kailangan mong ituon ang sarili mo sa paghahanap ng makakatulong na impormasyon patungkol sa iyong kalagayan. Hanapin mo ang patungkol sa Demon Form Art Practices at pag-aralan mo itong mabuti upang makontrol mo ang nasabing demonic essence sa loob ng katawan mo. Kung hindi mo mapagtagumpayan ito ay maaari kang mamatay kapag hindi mo nakayanan ang bagsik ng enerhiyang nasa loob na ngayon ng katawan mo." Mahabang wika ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida habang misteryoso itong nakatingin ng tuwiran sa direksyon ni Wong Ming. Makikitang tila nanginginig ang kamay nito at bakas ang lungkot sa mga mata nito.

Mabilis nitong nilihis ang tingin at sa isang iglap ay nawala na lamang ito ng biglaan. Isa pa ay gusto niyang bigyan ng oras ang nasabing binata na nasa malalang kalagayan.

Kung alam lang ni Wong Ming ang kasalukuyang kalagayan ng katawan nito ay siguradong panghihinaan ang loob nito. Nasa loob ng napakakapal na yelo ang totoong pangangatawan ni Wong Ming. Nagkaroon ng malalaking kulay itim na ugat sa bandang dibdib nito na unti-unting kumakalat sa iba't-ibang parte ng katawan nito. His robe tore apart dahil sa kakaibang enerhiyang nagmumula sa kaloob-looban nito dahilan upang ang posisyon ng pangangatawan nito ay naka-lotus position.

Ang buong lugar na ilang kilometro mula sa kinaroroonan niya ay tila ba nababalutan ng makakapal na yelo at makikitang may mga patulis na naghahabaang mga spikes ng yelo na misteryosong nabuo. Sa gitna ng lugar na ito ay makikitang may malaking bilog na bagay.

Marami na ring mga nilalang ang tila nakapansin sa kakaibang lugar na ito. Masasabing ang kakaibang penomena na ito ay isang hindi pangkaraniwan. Ang tila nakakapagtaka ay may mga niyebeng makakapal na nalalaglag sa lugar na sakop nito. Ang nakakapanghilakbot pa rito ay dito lamang nagbabago ang klima ng lugar.

Ilang araw na ang nakalilipas sa labas ng lugar na kinaroroonan ni Wong Ming habang tinatakpan lamang ng misteryosong babae ang malaking problema ni Wong Ming.

Malalim ang iniisip ng misteryosong babae habang nasa isa siyang maliit na isla na sobrang ganda ng pagkakagawa. Mula sa maliit na mga
Ang lahat ng mangyayari ay nakasalalay na lamang ito sa mga kamay ni Wong Ming. Kung mapagtatagumpayan nito ay sigurado siyang higit na lalakas ito mapapanatag ang loob niya sa kasalukuyan. Kung hindi ay kailangan niya pa ring tulungan ito alang-alang sa pag-alam niya sa nangyari sa Tang Empire, ang emperyong pinagmulan niya. H

Masakit man isipin ngunit wala siyang alam o ideya kungg patuloy pang mangyayari ang mga hindi inaasahan pangyayari o dagok sa buhay ng binatang si Wong Ming. Hindi niya maipagkakailang nakaramdam siya ng lungkot rito.

Hindi niya alam kung hanggang kailan niya pa maitatago ang lihim na pagtulong niya rito upang maisalba lamang ang buhay nito magmula ng nilisan nito ang Dou City.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now