Chapter 1.8

225 43 4
                                    


Itinuon ni Wong Ming ang sarili niya sa paghahanap sa memorya ng yumaong pirata na napaslang niya ang spiritual form nito kani-kanina lamang.

Kailangan niyang mailigtas ang sarili niya sa ibayong panganib lalo na't nasa bingit ng kamatayan ang kaniyang sariling mortal na katawan.

Dahil sa photographic memory na siyang normal na abilidad ng mga Cultivator ay mabilis niyang nauungkat ang mga alaalang natira sa nasabing pirata.

Isa nga itong masamang piratang nanggaling sa isa sa mga karagatang may komunidad. Kilala ang nasabing pirata sa pagpaslang ng mga kalaban nito habang marami din itong naabusong mga nilalang lalo na ang mga kababaihan.

Tila ba tama nga na napaslang niya ang spiritual form nito at alam niyang may pakinabang ang iilan sa mga memoryang makukuha niya mula rito. Mas itinuon niya na lamang ang kaniyang pansin sa mga cultivation practices na dumaan at napag-aralan ng masamang pirata.

Ngunit ang mga natutunan nito na nahanap niya ay pawang mga demonic cultivation practices. Hindi mabilang na mga cultivation techniques habang walang cultivation skills siyang nahanap rito. Nagtataka man si Wong Ming ay alam niyang karamihan sa memorya ng masamang piratang iyon ay sigurado siyang nabura. Talagang tunay nga ang mga sinasabi ng misteryosong babae sa kaniya patungkol sa alaalang maaaring makuha niya sa nakalaban niyang nilalang sa gitna ng karagatan.

Maya-maya pa ay lumakas ang tibok ng puso ng binatang si Wong Ming nang isang makapal na libro na kulay asul ang nakita niya. Kumikinang ito at tila pinakainiingat-ingatang memorya ng nasabing pirata.

Kung hindi siya nagkakamali ay maituturing na Cultivation manual ito ngunit malabong mangyari iyon. It is a just spiritual memory book. Librong nagawa lamang dahil sa photographic memory ng isang nilalang na gustong pag-aralan ang nasabing libro. Isa pa ay wala ng mortal na pangangatawan ang nilalang kaya imposibleng may aktuwal na libro isyang makukuha rito liban sa mga natira nitong mga alaala.

Ganito siguro kalakas ang nasabing nilalang para ang Cultivation practices na alam nito ay kayang magkaroon ng porma at kitang-kita niya na naiiba ito sa lahat. Kitang-kita niya ang naglalakihang letra ng nasabing libro; ANCIENT DEMON FORM. Kakaiba talaga ang magagawa ng photographic memory ng isang malakas na eksperto, ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klaseng memorya at tila ba nakabaon talaga sa kasulok-sulukan ng isipan nito.

Walang pag-aalinlangan itong binasa ni Wong Ming gamit ang kaniyang photographic memory, tila sinuyod nito at gumawa ng sariling kopya ang utak niya patungkol sa librong ito na natagpuan niya sa memorya ng nasabing masamang piratang nakalaban niya.

Marami siyang nalaman at talagang namamangha siya sa mga nababasa niya.

Iba-iba pala talaga ang nasabing mga Demon Form na maaaring magawa ng iba't-ibang mga martial arts experts lalo na ang pagkakaroon nila ng kakayahang magpalit-anyo ng anyo. Merong mga ekspertong pwedeng magpalit ng anyo ng demonyo gamit ang righteous path habang ang karamihan ay talagang dapat ay nasa demonic cultivation maaaring maisagawa at malaki ang tiyansang magtagumpay ka.

Nalaman niyang isang napakalakas na transformation technique ito na ipinamana pa ng mga Ancient Demon Tribes sa mga salinlahi nito upsng protektahan ang sarili nila sa anumang klaseng gulo i delubyong massgupa nila sa  pamumuhay nila.

Upang protektahan ang sarili nila ay tila nagsanib-pwersa pa ang mga ito upang gawin o buuin ang mga nasabing demon transformation technique na ito na nababagay sa iba't-ibang elementong taglay ng mga ito.

Nakabase pa rin sa kakayahan at talentong meron ang isang martial art experts dahil na rin sa maaaring mawala ka sa sarili mo habang isinasagawa ang pagta-transform mo bilang isang demonyo na baka mauwi sa pagkawala sa sarili.

Mayroong tatlong uri ng demon form na nababagay sa mga righteous path na maaaring isagawa at ito ay ang Wind Demon Form, Water Demon Form at Light Demon Form ngunit ang nakakapagtaka lamang ay tila naagaw ng pansin ni Wong Ming sa nasabing kakaiba at misteryosong transformation skill na nakapukaw sa damdamin ni Wong Ming ay ang Ice Demon Form na maituturing na isang Highest Demon Form na nabuo ng isa sa pinakamalakas na Ancient Demon Tribe na walang iba kundi ang Winter Moroi Tribe.

Nababasa pa lamang ni Wong Ming ang nasabing tribo ay alam niyang napakalakas nito. Alam niya kasing sng nasabing ancient tribe na ito ay patuloy pa rin sa pag-exist at ang nasabing tribong ito ay nakatira sa boundary ng katabing siyudad ng Golden Crane City, ang Golden Hawk City na siyang kakambal ng siyudad na kinaroroonan niya. Tanging ang Ashfall Forest lamang ang nagsisilbing pagitan ng mga ito ngunit sobrang lawak ng nasabing kagubatang kinaroroonan niya ngayon kaya kampante ang lahat sa nag-eexist na kapayapaan sa pagitan ng dalawang siyudad na ito.

Pakiramdam ni Wong Ming ay imposible niyang matutunan ang nasabing Ice Demon Form na ito ngunit alam niyang ito ang elementong maaaring taglay niya dahil sa mutasyon ng demon essences sa katawan niya na tila naging lason ito upang maging kalunos-lunos ang kalagayan niya.

Ngunit determinado siyang gawing posible ang lahat. He must take a step na magkaroon ng pambihirang demon form na nagtataglay ng elemento ng yelo. Isa sa posibleng dahilan nito ay ang Sword Needle niya na nagtataglay ng ice element.

Yun nga lang ay naiisip niyang imposibleng sobrang lakas ng demon form niya lalo pa't nahahati ang uri ng mga demon form sa apat na kategorya at iyon ay ang mga sumusunod: Warrior, Noble, Royal at Deity pero sa kasalukuyan ay alam niyang palaisipan pa rin kung nag-eexist na Deity Level na Demon Form sa alinmang demon tribes dahil sa mga nangyari noon. Nakabase pa rin sa konsentrasyon ng demonic essences sa  katawan ng isang nilalang ang maaaring kalalabasan ng demon form ng nasabing practitioner/s.

Ang Warrior Type na Demon Form ay pangkaraniwan lamang, walang pakpak at sobrang laki ng pangangatawan ng mga ito na bagay sa labanan habang walang eelmentong maaaring gamitin liban na lamang sa maaaring sandatang maaari nitong matawag kapag lumakas ito habang ang Noble Type na Demon Form ay may dalawang pakpak na malalapad at may kakayahang kontrolin ang elementong taglay nito kapag nagamay na nito ang nasabing abilidad nito.

Kaibahan naman sa Royal Type na Demon Form dahil likas sa mga ito na makontrol kaagad ang kakayahan ng nasabing elementong meron ito. Mapapansin din na apat ang nasabing pakpak na meron ito at kayang-kaya ng bumuga ng alinmang elementong taglay ng nasabing practitioner. Karaniwan ay may mga dugong bughaw lamang o galing sa mga ancient tribes ang nasabing nilalang upang magkaroon ng ganitong klaseng kakayahan.

Ang pinakamalakas na demon form ay ang Deity Type dahil isa ito sa mga hindi pa nakikita ng karamihan. Ang kakayahan ng nasabing nilalang na kayang magpalit-anyo bilang isang malakas na uri ng demonyo sa ganitong klaseng kategorya ay maaaring ituring na diyos ng mga demon tribes. Ang pag-exist ng ganitong klaseng uri ng demon form ay maaaring magdulot ng delubyo sa lahat. No one in this era sees it ngunit sa libro ay nakasaad ang totoong pag-exist nito at naituturing na alamat lamang.

Agad-agad na tiningnan ni Wong Ming ang mga pamamaraan sa pagcultivate ng demonic essences sa katawan ng isang practitioner. Mabuti na lamang at kompleto ang mga guide ng nasabing cultivation practices bago ka sumubok ng mga pamamaraan ng pagta-transform ng iyong sarili sa demon form mo.

Sinunod naman ni Wong Ming ang pagcucultivate ng demonic essences nito sa kaniyang sariling katawan. Hindi namamalayan ni Wong Ming na nakabalik na siya sa mismong mortal na katawan niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now