CHAPTER NINE

82.3K 1.1K 98
                                    

Maagang nagising si Summer sa araw ng Lunes. Bakit? First day niya ngayon bilang college student dito sa Maynila noh! Syempre excited na siya.

Goodmorning world! Goodmorning my beautiful condo! Sumilip si Summer sa kanyang bintana at sumigaw, "Goodmorning, madlang peeps!"

Ang jejemon niya, saglit palang siya dito sa Maynila pero ang dami niya nang alam. Yung mga tao naman na nakarinig sa kanya, ang sama lang ng tingin. Pumunta siya sa CR para maghilamos at mag-toothbrush at maligo. Pero laking-gulat niya nang tumingin siya sa salamin at nakakita siya ng isang....sadako. Joke lang, isang dambuhalang pimple!

Sinubukan niya pang maghilamos ng ilang ulit dahil iniisip niyang nagmamalik-mata lang siya. Pero wala talagang nagbabago, may pimple pa rin siya. Kanino kaya siya inlababo?

Halos gumunaw naman ang buong mundo ni Summer. First day na first day eh ito ang mangyayari? Grabehan naman yan! Ang panget niya tuloy! I mean, oo, alam niya naman na panget siya dati pa, pero kahit na! Tsaka gusto niya ring magpapansin sa mga poging lalaki noh. Malandi kaya itong probinsyana natin.

Naisipan niyang takpan nalang ang cute niyang pimple gamit ang bangs niya, pero wala. Kita pa rin. Pangalawa niyang sinubukan ang paggamit ng eyeglasses, pero wala pa ring nangyari! Alam niyo ba kasi kung nasaan ang pimple niya? Malamang, nasa gitna ng ilong niya.

Wala naman siyang ibang nagawa kundi ang pumasok nalang sa school nang ganun ang itsura. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating naman si Clyde para sunduin si Summer at sabay na silang pumunta sa school. Hindi pa kasi alam ni Summer ang daan at nag-aalala si Clyde dahil baka kung anong ka-abnormalan nanaman ang gawin ni Summer.

"Wow ha. Di ka naman inlove niyan?" pang-aasar ni Clyde nang makita niya ang pimple ni Summer.

"Oo inlove ako! Eh ano ngayon? Bitter ka? Kasi atleast ako may inspiration, ikaw wala! Kasi iniwan ka na ng Ex mo!" ganti niya naman.

"Umayos ka nga. Dami mong alam ah." Biglang nag-poker face si Clyde sa narinig niya. "Tska wag mong idadamay yung past."

Hindi niya nalang pinansin si Clyde pagkatapos nun. Dahil sa sobrang tahimik, nakinig nalang siya sa kanta ni Clyde doon sa loob ng sasakyan nila.

"I'M BULLET PROOOF! NOTHING TO LOOSE!! FAR AWAY, FAR AWAY!" kanta niya, mali pa ang lyrics. Pero ano ngayon? Basta ang importante, magkatunog yung lyrics at sinasabi mo, okay na.

"I'M A TITANIUM!" sobrang birit niya. Talagang feel na feel niya yung ginagawa niya eh.

At oo, alam ni Summer na pinagtitinginan na siya ng mga tao, lalo na't nasa passenger seat pa naman siya. Pero ano bang pake nila? Ito talaga yung trip ni Summer eh.

"Hoy, ang ingay mo ah! Tumahimik ka nga, akala mo kung sino ka!" sigaw sakanya ni Clyde.

"Bakit ba? Tsaka, hindi ko naman sinabi sayo kasi na sunduin mo ako eh!"

"At sa tingin mo naman ginusto kong sunduin ka? Ha? Ganon?"

"Eh kung hindi pala, bakit mo pa ako ihahatid?!"

"Malamang, bakit, may alam ka na ba dito? Alam mo na ba yung daan papunta sa school? Ha? Kung hindi kita ihahatid, tsk, baka abutin ka pa ng siyam-siyam niyan bago makarating sa school eh!"

"Manahimik ka nga! Lagi mo nalang akong binabara!"

"Ikaw kasi ang nagsisimula!"

"Tinutuloy mo naman!" ganti ni Summer.

Jusko, hanggang kelan kaya matatapos ang bangayan nila? Kahit maliliit na bagay lang ay pinag-aawayan pa nila.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon