CHAPTER SIX

92.6K 1.2K 154
                                    

"Ayoko nga!" Prangkahan na pero ayaw talaga ni Summer na sumama ngayong umaga. Inaantok pa kasi siya eh.

"Pag sinabi kong sumama ka, SUMAMA KA." Pananakot naman ng kanyang boss. Kung pwede nga lang talagang bitayin 'tong si Clyde, eh kanina pa ginawa ni Summer dahil sa pangingialam sa buhay ng iba.

"Kung gusto mong mag-jogging, edi mag-jogging ka mag-isa mo! Nangdadamay ka pa ng iba eh." Reklamo ni Summer.

"Ililibre kita pagkatapos."

"Tara na!"

As usual, nasabi nanaman ni Clyde ang magic word na hinihintay marinig ni Summer. Nagbihis lang saglit si Summer, at saka na sila umalis ni Clyde papunta sa park para doon mag-jogging.

Ugali na talaga ni Clyde ang mag-exercise bawat araw. Hindi naman dahil sa gusto niya maging "hot" pero gusto niya lang talagang maging healthy ang kanyang katawan. Bukod dito, mahilig din siya kumain ng vegetable at fruits, at halos hindi na rin siya kumakain ng mga junk foods. Sobrang opposite talaga sila ni Summer.

Pagkatapos ng dalawang oras ay biglang huminto si Clyde sa pagtakbo at umupo saglit.

"Tama na. Pahinga na tayo." Hingal na sabi ni Clyde.

"Anong tama na?! Kakaumpisa pa lang natin tapos tigil na kaagad?!"

"Anong kakaumpisa ka dyan? Dalawang oras na tayong takbo ng takbo dito!"

"Mas malayo pa nga ang nilalakad namin papunta sa paaralan dun sa probinsya eh! Bading ka pala!" Pang-aasar naman ni Summer. Ang weak pala ni Clyde noh? Gwapo sana, bading naman.

"Makapag-salita ka ah! Tandaan mo, tao lang din kaming mga lalaki, marunong mapagod!" Kontra ni Clyde. Simpleng mga salita lang yun, pero kung babasahin mo pa ulit, magkakaroon ito ng isa pang meaning.

"Tumayo ka dyan!" Utos ng magiting na probinsyana.

"Bat ako ang inuutusan mo?! Diba alipin lang kita?!"

Bigla naman na nainis si Summer sa sinabi ni Clyde. Alipin? Bakit kaya daw alipin ang ginamit niyang term? Eh pwede namang assistant or maid? Masyadong mababa yung word na Alipin eh, lalo na sa mga probinsyanang katulad niya na choosy.

Sa sobrang inis niya, siya nalang ang naglakad mag-isa, pero biglang sumigaw si Clyde ng, "Sige tumakbo ka lang para hindi kita malibre!"

Biglang bumalik sa kanya si Summer, "Pero syempre joke lang, ikaw naman hindi na mabiro."

"Ka-plastikan mo talaga." Bulong ni Clyde. Ay. Plastik kaagad? Di ba pwedeng Orocan muna? K, corny. Sorry po, magbibigti na ako mamaya wag kayong mag-alala.

"Saan PO ba tayo PO kakain PO?" Sadyang ine-emphasize niya lang talaga ang Po. Wala lang, ganun ang trip ni Summer eh.

"Dun tayo." Sabi ni Clyde sabay turo sa isang restaurant.

Pagkapasok nila, binati kaagad sila ng waiter. Naghanap sila ng kanilang mauupuan, at nang makahanap na ay inabutan na sila ng kanilang menu. Pagkabukas nila ng menu ay kaagad na nag-alboroto ang tyan ni Summer.

*Gruuuuu~*

Tumawa ng mahina si Clyde nang marinig niya ito. "Hindi na talaga makapag-hintay yan noh?" Natatawang sabi niya.

"Di kaya!" hinampas ni Summer ang braso ng binata.

Maya-maya pa ay dumating na ang waiter at hiningi na ang kanilang order. At dahil hindi pa alam ni Summer kung ano ba ang dapat niyang kunin, si Clyde nalang din ang pumili para sa kanya. Simpleng spaghetti at chicken lang kay Summer, at grilled chicken naman with pizza, at carbonara naman ang para kay Clyde. Abnormal ba yung mga pagkakapili ng pagkain? Syempre, abnormal din yung author eh, anong inaasahan niyo?

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon