My Probinsyana Girl FanFic by TimeHopper (One-Shot)

27.9K 435 62
                                    

First MPG fanfic! Gawa ni Sean (@TimeHopper), yaaaaay! Di raw siya maka-move on sa ending ng MPG kaya niya nagawa 'to. Loko talaga 'tong batang 'to, oh! LOL.

Thank you Heartbreak boy! Hahahaha!

Enjoy reading!

(Follow niyo si Sean, magaling 'yan. Huehuehue.)

*****

Malakas ang ingay ng mga namamasaheros sa kalsada, maingay ang paligid dahil sa malakas na pag-u-usap ng tao, masayang paglalaro ng mga bata, mga pag-a-away ng nakakatanda at busina ng mga kotse.

 Ngunit ‘di ito in-alintana ni Summer para siya’y maka-punta sa isang mall, actually, ‘di niya talaga alam ang tawag do’n dahil siya’y probinsyana, nag-tanong lang siya ng kung kaynino-man upang ma-i-paghanda niya ng handa si Clyde, sa katunuyan, mag-kaibigan kasi sila ngayon ngunit may itinatagong pag tingin si Summer sa kan’ya, at nalalapit na ang kaarawan ni Clyde kaya kinakailangan niyang bumili ng mga pang-handa.

Nakipag-unahan si Summer sa mga tao na makasakay sa dyip, at dahil madiskarte rin naman siya kahit syunga siya ay nakasakay sa mga dyip, punong puno na sila do’n ng sumigaw ang drayber ng, “Kasya pa ang tatlo!”

Napasapo sa noo si Summer sa sinabi ng drayber, sobrang nag-si-siksikan na sila do’n tapos sasabihing kasya pa ang tatlo?

Ang daming umupo sa hilera ng upuan na kaniyang inuupuan, sobrang nasisiksik na siya, idagdag mo pa ang nakakairitang ingay na ginagawa ng mga tao sa loob ng dyip, sobrang nakakairita sa loob.

Nang makarating na sila sa mall ay sobrang laging ginhawa ito para kay Summer matapos niyang makipag-sik-sikan sa sobranng daming tao, hiniling nya pa nga na sana ay nag-lakad nalang siya, pero sira ulo talaga siya at ‘di niya alam na ang layo ng pinanggalingan niya.

No’ng makapasok na sa loob ng mall itong probinsyanang ito ay saglit siyang namangha at inobserbahan ang paligid, napangiwi na lang siya dahil ‘di niya na alam kung sa’n ba ‘yong sinasabing grocery.

Nag-ikot-ikot siya sa buong mall, ngunit ‘di pa rin niya makita ang grocery, napag-dessyunan niyang mag tanong sa isa sa mga nagbebenta ng waffles do’n.

“Sa’n po ba rito ‘yong nagbebenta ng mga pagkain, mga gano’n po? Grovery daw?”

“Huh? Ma’am, wala pong Grovery dito, baka po sa ibang mall ‘yong stall na grovery,” nakangiting sagot niya.

Napakamot si Probinsyana sa kanyang ulo, ‘Ba’t sabi no’ng nakasalubong ko kanina, may ano nga ba ‘yon? Grovery ba ‘yon? Basta ‘yon, mayroon daw dito ‘yon,’ wika ni Summer sa kanyang sarili.

“Ah thank you po.”

Lumakad na siya papalayo, napagdesisyunan na niyang umuwi na lang, ang baliw kasi, grovery daw? Baka grocery.

Pero noong palabas na siya ay natagpuan na niya rin ang grocery!

“Sabi ni ate wala daw grovery, mayroon naman,” bulong niya sa kanyang sarili

Tuluyan nga siyang pumunta do’n.

Ilang oras ang lumipas at natapos na rin siya, nakuha na niya ang mga kailangan niya at siya na sa cashier, kinuha niya sa bag niya nag card na pinahiram sa kanya ni Clyde.

Nang matapos na ang lahat ay kinuha niya lahat ng pinamili niya, nakakaawa ang itsura niya dahil ang dami niyang dala at halata sa mukha niya ang sobrang pagkapagod.

“Nasa’n ka ba Clyde?”

Dumiretso siya sa bahay nila Clyde, ngunit wala si Clyde do’n, dumiretso sa kusina nila Clyde upang ihanda na ang lahat dahil bukas na ang kaarawan ni Clyde.

“Hay, ang hirap naman talagang mag-handa nito…”

Ito na ang araw na pinakahihintay, dito na rin kasi natulog si Summer, handa na ang lahat, ang tanging hinihintay na lang ay si Clyde.

Inihanda na niya ang lahat ng kailangang i-handa sa table, inihanda niya ang cake na may nakalagay na happy face at, “Happy Birthday Clyde!”, mga pagkain, spagghetti, at marami pang iba, simple lang ang lahat ngunit pinaghrapan niya ito, halos dalawang oras nga lang siya nakatulog eh.

Biglang nag-text sa kaniya si Clyde.

                Clyde: Kakain kami ni Lian ngayon sa isang restaurant so h’wag na kayong mag handa d’yan, mag-po-propose na rin nga pala ako sa kaniya ngayon.

Nawasak ang puso niya sa nakitang mensahe, sana pala ay ‘di nalang siya nag-assume, tumakbo siya papalabas ng bahay.

Ngunit no’ng nasa kalsada na siya ay tumigil ang takbo ng mundo, natigil ang pandinig at mata niya, namulat ang puso niya, may kotseng papalapit na sa kanya.

Nakita niyang sina Clyde ang nasa loob, nginitian niya ito at sa ginawa niang pag ngiting iyon ay bumalik na sa dati ang lahat, nabunggo siya at nawala ang lahat ng gusto niya.

Pumunta siya sa Maynila—nagkaroon ng kalandian, trabaho pero rito rin nagtapos ang lahat.

Paalam, Summer.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon