EPILOGUE

73K 1.5K 977
                                    

7 years later...

Huminga ng malalim si Summer bago lumabas sa kotseng sinasakyan nito. Haaaay. Pagkalabas niya sa kotse, una niyang naramdaman ang pagdampi ng hangin sa kanyang mga pisngi. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito.

Tumingala siya at dun niya nakita ang dating university dito sa Maynila kung saan siya nag-aral dati. Ang tagal niyang hindi nakapunta dito. Kahit papaano, namiss niya rin ito.

Pumasok siya sa loob at dahan-dahan na naglakad. May mga estudyante at teachers na nakakakilala sa kanya at binabati siya, kaya naman ngini-ngitian nalang sila ni Summer.

Habang naglalakad siya, biglang bumalik lahat ng mga memories niya dito. Lahat ng nangyari. Lahat ng masasaya at malulungkot na nangyari sakanya nung college pa siya, naalala niya ulit.

Tumingin si Summer sa palgid. Ang dami nang nagbago. Sa loob ng pitong taon, sobrang dami nang nangyari dito. Yung mga puno na madalas nilang tambayan dito, pinutol na. Pakiramdam niya tuloy, natapon na rin lahat ng memories.

Pero teka, baka naman nagtataka kayo kung anong nangyari sakin sa loob ng pitong taon—

Ah, sandali. May tumatawag kay Summer. Grabe, bastusan lang?

"Hello?"

"Nasaan ka ngayon? Gusto mo ba sunduin kita?" tanong ng lalaking nasa kabilang linya.

"Ha? Wag na. Mag t-taxi nalang ako. Pahinga ka nalang muna dyan."

"Sigurado ka ha?"

"Oo na."

"Sige, sige. Basta mag-iingat ka ha? Papakasalan pa kita uy."

Nag-blush bigla si Summer. Nako! Buti na lang at hindi niya kaharap ngayon ang kausap niya! "Landi mo talaga!"

"Mahal mo pa rin naman! Hahaha sige, bye. Love you!"

"Oo na, sige na," ibinaba ni Summer ang telepono at napangiti ng wala sa oras.

Ayy, ano ba ulit yung pinag-uusapan natin kanina? Ah! Kung ano yung nangyari kay Summer sa loob ng pitong taon.

Pero bago muna yun, yung tumawag sakanya ngayon lang, kung iniisip niyong si Clyde 'yun, nagkakamali kayo.

Pagkatapos ng break up nila ni Clyde, oo, umasa si Summer na baka magkabalikan pa sila. Umasa siya na baka magbago ang isip ni Clyde at puntahan ulit si Summer nung araw na iniwan siya nito para habulin si Lian. Pero nagkamali siya.

Naabutan ni Clyde si Lian at nakapag-desisyon silang dalawa na magkaroon ng Long Distance Relationship. Nasa France si Lian at nasa Pilipinas naman si Clyde. Oo, naging sila nga. Nung makapagtapos na si Lian ng college dun, bumalik ulit siya dito at nagsama na sila.

Happy Ending noh? Buti pa sila.

Habang si Summer naman, na-realize na talagang wala na silang pag-asa ni Clyde, kaya naman sinubukan niyang mag-move on. Aminado naman siyang nung umpisa, ay sobrang hirap.

Kasi naman, si Clyde yung unang taong minahal niya. Siya yung taong nagpaligaya kay Summer. Kaya naman ang hirap niyang mabura sa isip at puso niya nun.

Araw-araw, iiyak si Summer ng walang rason. Pero ang totoo niyan, naalala niya si Clyde at yung sakit na binigay niya sa kanya nun. Hindi rin siya makakain ng maayos. Madalas na siyang mag-cutting. At dumating pa nga sa punto na halos bumagsak na siya sa mga grades niya dahil walang-wala na siya sa sarili niya. He left her misrable.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon