CHAPTER THREE

118K 1.8K 174
                                    

"GIRLFRIEND?!" Tuloy naman ni Summer. Wala eh, sabatera siya eh. Parang Google, hindi mo pa nga tapos i-type yung sini-search mo, pinangungunahan ka na kaagad.

"What? No! Haha." tumawa si Lian. Ano bang nakakatawa dun? "I'm his bestfriend."

Pakiramdam naman ni Summer ay bubulwak na ang mga dugo mula sa ilong niya dahil sa sobrang wagas na English-an dito. 

"Pero bagay kayo eh! Teka, naging kayo ba?" Wait lang, nasabi ko na ba sainyong bukod sa pagiging probinsyana ni Summer ay isa rin pala siyang dakilang chismosa?

                 "Ah, hehe. Ano kasi...." Hindi alam ni Lian kung anong isasagot niya. Habang si Summer naman ay naka-beautiful eyes pa habang naghihintay sa isasagot niya. 

Galit na nilapitan ni Clyde si Summer at sinabing "Hoy. Tumigil ka na nga sa mga ka-echusan mo. Umakyat ka na dun sa kwarto mo! Di ka reporter para tadtarin ng mga intriga yang si Lian. Akyat!" 

                "Tch," yun lang ang nasabi ni Summer. Si Clyde? Napaka-ewan niya daw sabi ni Summer. Minsan mabait, minsan masungit, minsan bossy, pero palaging gwapo.

Wala nang nagawa si Summer kundi ang umakyat nalang sa taas. As if naman na makakatanggi pa siya di'ba? Pero ramdam talaga niya na merong something kina Clyde at Lian. Yan naman ang next mission niya—ang malaman kung ano ang something na 'yun!

Mga isang oras na tumunganga si Summer sa loob ng kwarto niya. Ang hirap ng ganung buhay noh. Pero maya-maya ay biglang may kumatok sa pintuan. Si Clyde lang pala.

"Oh? Anong ginagawa mo dito? Nandyan pa ba si Lian mo?" Nagtatakang tanong ni Summer.

"Pwede ba? Tigilan mo yan." Suway niya. " Since alalay na kita, may iuutos na ako sayo." 

Nagulat si Summer dahil agad-agaran siyang nagkaroon ng trabaho mula sa boss niya. Medyo tinatamad pa siya kasi kakagaling niya lang sa byahe, pero bigla niyang naisip na kung magkakaroon siya ng trabaho, edi mabilis siyang magkakaroon ng pera. Kaya gora nalang! 

"Game! Ano yun?" tanong niya.

"Oh, ito yung listahan." Inabot ni Clyde kay Summer ang isang maliit na papel. "Gusto ko, kumpleto lahat yan okay? Walang kulang ni isa."

Binasa niya yung papel. Marami sa kanya dito ang mga bagay na hindi naman siya pamilyar sa mga pangalan o itsura. Hindi niya nga alam kung anong gagawin niya kaya baka kung anu-ano nalang yung makuha niya dun sa grocery. At ang mas matindi pa? Hindi niya alam kung saan ang grocery dito.

Papalabas na sana si Clyde sa kwarto ng bigla siyang pigilan ni Summer."Wait! Sandali! Hintay! Saglit lang!" Sigaw nito.

                Napahawak siya sa tenga niya bigla. "Aray! Di ba uso sa inyong mga probinsyana ang salitang 'kalma'? Para kang nakalunok ng megaphone eh. Sigaw ka ng sigaw."

                "Sorry! Nasanay lang!" Pero sa totoo lang, di nga uso sakanila ang ganun. Uso sa kanila ang makipag-sigawan para magka-intindihan. "Ano kasi, sigurado ka bang mag-bestfriends lang kayo ni Lian?" 

                Napatigil bigla si Clyde. "O-oo naman. Bakit?" 

Nilapitan ni Summer si Clyde at sinabing, "Clyde, siguro isip-bata man ako, di ako ganun ka-tanga. Kaya kong maka-basa ng mga isip. Tsaka kasi kapag tinignan mo siya, ibang-iba yung sinasabi ng mga mata mo. Kumpara natin sa way ng pagtingin mo sa akin."

                "Bakit? Paano ko ba tignan si Lian?"

                "Ewan. Basta parang pag nakatingin ka sa kanya, para kang laging naa-amazed? Tas, natutulala ka. Yung, parang siya lang yung nakikita mo." paliwanag naman ng probinsyana.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon