CHAPTER SIXTEEN

70K 988 36
                                    

Magkasamang kumain ng almusal sina Clyde at Summer. Jusko, buti nalang at marunong nang gumamit nang kutsara't tinidor ang probinsyana, at marunong na rin magluto (kahit papaano) ang spoiled brat—si Clyde po yung spoiled brat, baka nagtataka kasi kayo kung sino yun.

"Oh? Anyare?" tanong ni Clyde kay Summer nang mapansin niyang tumigil ito sa pagkain habang nakatingin lang sa baba.

"Ako dapat magtatanong sa'yo niyan." Seryosong sabi ni Summer, kaya naman hindi sanay si Clyde.

"Ha?"

"Ayan," tinuro ni Summer ang kanang kamao ni Clyde. "Bakit sugat-sugat yan?"

Tinignan muna saglit ni Clyde kung ano ang itinuturo ni Summer, at nang makita niya kung ano ito ay agaran niyang itinago ang kanyang kamay para hindi niya na ito makita.

"Eto rin! Bakit may ganyan ka?!" itinuro niya naman ang labi ni Clyde. Anong meron? Bakit? Lahat naman ng tao, may labi ah? Ani Clyde. Pero napatigil siya bigla at napahawak sa labi niya, may sugat rin.

"Wala 'to. Last week pa 'to. Wag mo na pansinin." Sagot ni Clyde at sumubo na.

"Last week? Eh bakit hindi ko yan napansin nung mga nakaraang araw? Kahit kagabi wala ka naman niyan eh."

"Magic."

Tinignan lang siya ni Summer at nag-isip. Ipinagdadasal ni Clyde na sana, maniwala siya sa palusot nito. Uto-uto naman siya eh. "Oo nga noh."

Natawa naman si Clyde, talagang madaling lokohin 'tong probinsyanang to eh! Kaya halatang hindi siya makakatagal dito sa syudad ng buhay!

Napatingin naman si Clyde sa sugat nito sa kamay at naalala yung mga nangyari kagabi. Yung totoong nangyari kagabi.

Flashback

Kagabi, pagka-alis ni Summer ay bumalik ulit sa loob si Clyde. Pero pagkatapos ng mga dalawang minuto ay binubulabog pa rin ng kaluluwa ni Summer ang isip ni Clyde kaya naman hindi ito mapakali at lumabas na ng gate at naglakad-lakad para hanapin siya. Pero kahit hindi pa siya masyadong naglalakad ay nakita niya na kaagad ang probinsyana.

Kumurap-kurap pa siya upang siguraduhin kung siya nga ba yun, pero walang nagbago, siya nga talaga. Tinignan niya lang ito habang naglalakad, at nagtaka naman siya. Kaya niya ba yung lakarin? Tanong ni Clyde sa sarili niya.

Napansin rin ni Clyde na parang merong isang lalaking nakasunod kay Summer. Noong una ay nagtaka siya kung alam ba ito ni Summer, pero sa palagay niya ay hindi. Kaya naman medyo mas nilapitan pa siya ni Clyde.

Nang tumakbo na si Tag-Araw at nakita nitong dinakma na siya, kaagad namang tumakbo si Clyde papalapit sa kanila. Wala nang malay si Summer at bubuhatin na sana nila papaalis nang bigla silang sinuntok ni Clyde at natumba sila sa lupa. Buti nalang ay nadaganan ni Summer ang lalaki at hindi siya masyadong nasaktan.

"At sino ka namang bakla ka? Anong problema mo?" tanong ng lalaki. Base sa mga kilos at amoy niya, mahahalata mong nakainom talaga siya.

"Girlfriend ko yan kaya mong gagalawin." Girlfriend? Eh? Kahit nandidiri si Clyde, napilitan na lang siyang sabihin yun kasi malamang natataranta na siya! At wala na siyang iba pang maisip na excuse!

Tumayo yung lalaki at sinuntok rin si Clyde sa kaliwang pisngi nito. Hindi naman nasaktan si Clyde, kasi hindi naman masakit ang suntok nito. De, biro lang. Masakit. Masakit yung suntok niya.

Babawi palang sana ng suntok si Clyde nang biglang may dalawa pang lalaki ang dumating. Mukhang 3 vs. 1 ang labanan ngayon ah!

Hindi na nagsayang ng pagkakataon si Clyde at agad na niyang sinugod ang tatlo at pinaulanan ito ng malaimpaktong suntok, sipa, tadyak, at flying kick. Black belter si Clyde nang bata pa 'yan, aba!

Pagkatapos nun ay umalis na ang tatlong mga lalaki. Nilapitan ni Clyde si Summer, na ngayon ay wala pa ring malay at hindi alam na nagkaroon ng Tekken or Smackdown dito sa kalsada dahil sa kanya. Binuhat siya ni Clyde at sinabing,

"Tch, pasalamat ka't dumating ako. Kung hindi, kawawa ka."

End of Flashback

And yes, ganun na nga ang nangyari. Hindi nalang ito pinansin ni Clyde at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Bakit nga ba hindi niya sinabi kay Summer ang totoo? Ewan, trip niya lang. Bawal kontrabida.

Tumigil nanaman sa pagkain si Summer at dumiretso sa kwarto niya.

"H-hoy! Ano nanaman bang ginagawa mo? Hindi mo pa nauubos 'tong kinakain mo oh! Hindi mo ba alam na pinagihrapan kong lutuin yan para lang—"

Napatigil nalang si Clyde bigla nang bumalik ulit si Summer sa table na may dalang isang box. Sa loob nun, kumuha siya ng isang band-aid at inilagay sa sugat ng labi ni Clyde.

"Kung ayaw mong sabihin sakin yung totoong nangyari, okay lang. Basta, sa susunod, mag-iingat ka para hindi ka nasasaktan. Sayang 'yang pogi-points mo kung puro naman sugat."

Hindi nalang naka-imik si Clyde dahil sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa. Mga ilang inches nalang, at konting galaw nalang ni Summer ay baka mag-kiss na sila. Teka, baka naman ay tina-tsansingan lang siya ng probinsyana?

"Ingatan mo sarili mo, okay?" Sunod namang nilagyan ni Summer ng bandage ang mga kamao ni Clyde na tadtad rin ng sugat. Habang si Clyde, natahimik nalang.

Nang matapos na si Summer ay ibinalik niya na ang kanyang First Aid Kit sa pinagkuhanan niya. Napatingin naman si Clyde sa band-aid na inilagay sa kanya ni Summer. Pangbata talaga ang design.

"Oh?" dumating na bigla si Summer. "Ano pang ginagawa mo? Kain ka na."

"O-oo." Mahinang sagot ni Clyde.

Ang awkward nila ngayon. I mean, kasi naman diba, lagi silang nagsisigawan at parang laging may World War III kapag magkasama sila? Tapos ngayon, sobrang tahimik at seryoso ng atmostphere nila.

"Summer."

"Hmm?"

"Thank you...."


***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon