"Oh? Anong pang hinihintay mo? Baba na!" Pagsusungit na utos ng kasama ni Summer sakanya nang ipatigil na nito ang kanyang sasakyan.
"Oo na!" Sagot naman ni Summer. Sobrang naiirita na talaga siya. Kung hindi nga lang mayaman 'tong kasama niya, at kung wala lang rin siyang maitutulong sa kanya eh malamang kanina niya pa 'to iniwanan.
Nang makababa na si Summer sa sasakyan, napa-nganga kaagad siya nang makita niya ang isang napakalaking mansyon na hindi niya alam na nage-exist pala!
"Oh ano? Maganda diba? Pero di yan ang bahay namin. Ayun ang samin oh." Singgit ng lalaki. Napalingon si Summer sa direksyon sa kung saan ang itinuturo niya.
Wala pa ring nagbago sa facial expression ni Summer dahil talagang nakakamangha pa rin ang sobrang pagkakalaki at pagkaganda ng mga bahay na nakikita niya ngayon. First time niya lang makakita ng ganito sa tanang buhay niya.
Nakaramdam naman siya ng pagkahinayang dahil ang lupang ginamit dito sa kinatatayuan ng mga bahay ay masyadong malalaki. Naisip niya na sana hindi nalang nila ito sinayang, dahil kung sa probinsya nila, ang ganito kalaking space ay isang malaking sakahan na na pwedeng pagkakitaan.
Hindi nagtagal ay pinapasok na rin ng lalaki si Summer sa "mansyon" nila. Hindi naman maisara ni Summer ang kanyang mga panga dahil sa bawat madadaanan nila ay talagang mapapa-nganga ka sa sobrang ganda!
Pumasok sila sa isang kwarto kung saan nakakita si Summer ng isang lalaki na base sa kanyang panghuhula, ay nasa 40+ na or baka 50+ pa yata?
"Oh, Clyde. Sino yang kasama mo? Girlfriend mo ba?" tanong agad ng gurang (joke lang, hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong itawag sa kanya) sa kasama niyang lalaki.
"Hindi Dad! Yack! Siya nga pala po si....." Tinignan niya si Summer at nagtanong. ".....sino ka nga ba?"
"Summer. Rein Summer Mallare." Sagot naman nito.
Doon naman napagtanto ni Summer na ang lalaking gurang pala na 'to ay tatay ng gwapong nilalang na kasama niya ngayon.
"Ano? Bakit naman ganyan ang ipinangalan sayo?! Bakit Summer?" Tanong naman nitong si Pogi.
"Ngengelam ka? Ganun gusto ng mga magulang ko eh! Tsaka kasi umuulan at bumabagyo nung pinanganak ako kaya Summer ang aking pangalan."
"Sus." Bulong niya.
"EH IKAW? SINO KA BA? Basta-basta ka na lang manghihila ng kung sinu-sinong makita mo eh."
"Clyde." Tipid na sagot nito. "At fyi, ikaw ang nagmaka-awa na isama kita dito."
****
"Okay, so you will be working here in our house. Magiging maid ka at assistant ko. And, araw-araw, may masarap kang lalamunin dito, may sarili kang kwarto, at basta. Kumpleto lahat. Pero tandaan mo, 2 weeks ka lang dito. After 2 weeks, SHU! Lumayo ka na sa territoryo namin. Maghanap ka na ng sarili mong matitirhan. Clear?"
"Teka, 2 weeks lang? Eh paano ang sweldo ko?"
"Hay, for two weeks, ang sweldo mo ay P10,000. Siguro naman sapat na yun para mapalitan ko ang P10 mo."
And as usual, napanganga nanaman si Summer sa kanyang narinig. Grabe ang yaman, ano? "Ang taas naman ng sweldo ko!"
"Gusto mo bawasan ko?" pananakot naman ni Clyde.
"WAG!" Masyadong moody ang magiging boss ni Summer, pero okay lang daw. Atleast magkakapera na siya. At ang perang iyon ang kanyang gagamitin para makamit ang kanyang mga pangarap.

YOU ARE READING
My Probinsyana Girl (Published Book)
HumorMy Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP. Available on different bookstores nationwide. Visit my Facebook page for more updates and info: http://facebook.com/pajibarstories Please do grab an copy...