CHAPTER FIVE

100K 1.4K 113
                                    

At dahil matagal na hindi nagkita si Clyde at Kier, naisipan nilang magkaroon ng dinner para sa kanilang dalawa lang. Para naman daw kahit papaano eh mapuna nila yung mga araw na hindi sila nagkasama. Ang arte noh? Kala mo kung sinong mag-love team na pinaghiwalay ng tadhana tapos nagkita ulit ngayon.

Pero, ininvite ni Kier si Summer na sumama sa kanila. Para naman daw maging magkaibigan silang tatlo. Kaya naman kahit labag sa kalooban ni Clyde ang makasama ang probinsyanang abnormal, napilitan nalang siyang um-oo.

Ganun din naman kay Summer, ayaw niya rin naman na makisalamuha kila Clyde at Kier—I mean, I ayaw niyang makisalamuha kay Clyde...lang. Pero okay lang sa kanya pag si Kier, mabait kasi siya. Pero dahil sa taglay na kagwapuhan ni Kier, napapayag din niya si Summer.

"Summer!" Sigaw ni Kier.

"HA?" Napalakas ang boses ni Summer.

"Oh? Bakit ka galit? Binibigyan ka lang naman namin ng cake eh." Tanong ni Kier.

"Ay, sorry." Nadala lang talaga si Summer ng kanyang mga emotions—sa kanyang galit kay Clyde. Ewan ko, basta naiinis lang talaga sa kanya si Summer.

"So, if you don't mind, can you tell us something about yourself, Summer?" Nakangiting tanong ni Kier sa kanya.

Nag-aalangan pa sana si Summer sa kanyang isasagot pero naisip niya na magiging way 'to para mas makilala siya ng dalawa niyang kasama ngayon kaya naman ay nagpakilala nalang rin siya.

"Kasi, umm, ano...." Putol-putol niyang sabi. "Ako si Summer, gusto ko lang naman tuparin yung mga pangarap ko kaya ako nakipagsapalaran dito sa Maynila. Walo kaming magkakapatid at aaminin ko na kahit may trabaho ang mga magulang ko, hindi pa rin sapat ang mga kinikita nila dahil sa dami nilang anak na pakakainin. Gusto ko lang naman makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon, matustusan ko na ang pamilya ko at mapag-aral na yung mga mas nakababata kong kapatid. Kaso, sinuwerte yata ako masyado at nanakawan pa ako pagkadating ko dito. Nawala lahat ng pinaghirapan ng parents ko."

Oh diba? Ang saya ng buhay ni Summer. Bonggang-bongga.

"Ang lungkot naman ng past mo." Sabi ni Kier.

Ang sama naman ng tingin ni Clyde kay Summer dahil iniisip nito na gumagawa lang siya ng istorya para magpa-awa at magpapansin. Pero, totoo lahat ng sinasabi ni Summer.

Pagkatapos nilang kumain, may bagong itinuro si Clyde at Kier kay Summer—ang karaoke. Pinaliwanag ni Kier kung ano ang ibig-sabihin nun at kung ano ang ginagawa dito, at dahil fast-learner naman si Summer, naintindihan niya ito kaagad. Joke lang, hindi niya talaga naintindihan. Kasi habang nagpapaliwag si Kier, naka-focus lang si Summer sa napaka-gwapong mukha nito.

"Ako muna!" Sigaw ni Summer. Medyo bangag na siya, alas-dos na kasi ng madaling araw eh, gising pa sila. Inabot na nila ang mic kay Summer at pinapili ito ng kanta. Pero dahil wala namang alam si Summer sa kahit ano dito, kung anu-anong kanta nalang ang pinili niya. Pumayag naman sila Kier na kumanta si Summer kahit wala sa tono.

"HEY I JUST MET YOUUUUU!AND THIS CRAZYYYYY! BUT HERE'S MY NUMBER! YOU'RE MAKING ME CALLING YOU BABY MAYBE!" Kanta ni Summer ng wala sa tono....at mali-mali rin ang lyrics.

Kung maka-asta si Summer ngayon ay feeling niya naka-inom siya at sobrang nalalasing. Pero ang totoo, talagang kulang lang siya sa tulog at nadedepressed sa mga nangyayari sa kanya. Kaya naman dito niya nalang inilalabas ang mga sama ng loob niya—sa karaoke.

"Ako naman! Ako naman!" Sigaw ni Kier.

Pumili na rin si Kier ng kanyang kakantahin. Hindi na siya nahirapan mag-isip o maghanap ng kung ano dahil meron talagang isang kanta na lagi niyang gustong kantahin.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon