CHAPTER TWENTY EIGHT

56.7K 808 238
                                    

Umuwi na si Summer dito sa condo niya ng mag-isa nalang. Nag-commute nalang siya. Naguguluhan siya sa mga nangyari. Bakit ganun? Parang may nag-iba kay Lian? Parang, may mali.

Nagtaka naman si Summer nang hindi pa siya tinatawagan ni Clyde. Kadalasan kasi, tatawagan kaagad siya nito kapag nalaman niyang umalis na siya. Pero ngayon, hindi. Bakit kaya? Busy kaya siya? Or baka hindi niya lang napansin na umalis na pala si Summer? Or, baka masyado siyang masaya kasama si Lian?

Pinagpaliban nalang ni Summer ang kanyang mga negative thoughts. Sinasanay niya na kasi ang sarili niya kung paano maging positive sa buhay. Kaya naman sana, magdulot rin ito ng positive na outcome sa kanya.

Kinuha ni Summer ang kanyang cellphone—oo, may selpon na 'to, simpleng touch screen lang para medaling gamitin, tsaka sariling ipon niya rin 'to. Nakalimutan ko kasing sabihin na naging scholar pala si Summer ngayong year. Aba eh kung aakalain mo nga naman, matalino pala 'to! Joke lang, matalino talaga siy, dati pa. Kaya nga siya pinapunta dito ng mayor nila sa probinsya eh. Sabi kasi, mas magkakaroon ng magandang future dito si Summer. Nako, sana nga!

Hindi namalayan ni Summer na nakatulog na pala siya sa kakahintay ng tawag kay Clyde, habang hawak ang cellphone nito. Pagkagising niya nalang, 12:35am na pala. Chineck niya kung meron bang missed calls or text man lang galing kay Clyde, pero wala talaga.

Napakamot nalang siya ng ulo, naisip niya kasing hindi na nga tatawag sa kanya si Clyde. Bukas nalang daw, magkikita nalang sila sa school. Io-off niya na sana yung cellphone niya nang biglang may nag-text. Bigla siyang nagising dahil alam niyang si Clyde nga 'yun.

Fr: Lukring

Summer, pasok ka ng maaga bukas ha! Kokopya pa ako ng assignment! Salamat!

Nalungkot si Summer nang mabasa niya ang text. Tss, hindi naman pala sa kanya galing. Galing lang pala 'yun sa isa niyang classmate na nagpapakopya lang ng assignment! Kainis yung mga ganung moment, swear!

Natulog ng malungkot si Summer, kahit isang Hi or Hello eh wala man lang siyang natanggap galing kay Clyde. Nawalan ba talaga si Clyde ng time para sa kanya?

Nagbuntong-hininga si Summer, "Happy Anniversary, Tinidor."

Samantala, hindi naman napansin ni Clyde na hating-gabi na. Napasarap yata yung pagk-kwentuhan nila ni Lian ngayon. Ang dami nilang ginawa buong araw eh. Nanuod sila ng movies dito tapos kumain sila ng madaming madami! Nagpicture-picture na din sila para may remembrance.

Pumasok rin sa isip niya si Summer, hindi niya pa pala siya nate-text. Pero ipinagwalang-bahala niya nalang ito. Hindi naman kasi siya magagalit.

"Alis na' ko, Clyde. Gabi na masyado." sabi ni Lian.

"Ahh, oo nga noh? Hatid na kita?"

"Hindi na. May sasakyan naman ako." ngumiti siya.

"Sige." Hinatid siya ni Clyde sa may gate nila. "Ingat ka."

"Thanks. I really had fun today with you."

"Ako rin naman."

Biglang lumapit si Lian kay Clyde at hinalikan ito sa pisngi. Nagulat si Clyde dahil hindi siya sanay, tsaka parang ang awkward.

"Don't worry, it's just a friendly kiss." sabi ni Lian, at ngumiti.

"Ahh," Wala sa wisyong sabi ni Clyde, habang tumatango.

"So umm, alis na ko. Bye!"

Nang maka-alis na si Lian, hindi namalayan ni Clyde na naka-ngiti na pala siya. Ewan niya ba, hindi niya maintindihan ang sarili niya ngayon. Basta't ang alam niya lang, masaya siya sa mga nangyari. Sana palaging ganito. Sabi niya sa sarili niya.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon