CHAPTER FOURTEEN

71.8K 965 54
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Clyde. Why does things don't go on my way? Tanong niya sa sarili niya. Si Summer, biglang tatanggihan siya. Si Kier siraulo. Tapos eto namang si Lian, merong isang malaking balita para sa kanya kanina na talagang labis na ikinagulat ni Clyde.

"Ugh," sabi ni Clyde nang tignan niya ang oras sa kanyang alarm clock. 10:31 pm na, gising na gising pa rin siya. Pumunta nalang siya sa kusina nila at naghanap ng pwedeng kainin. Pagkatapos nun ay dumiretso siya sa sala at binuksan ang tv—hindi literal na bukas ha.

Kung anu-anong channel na ang napindot niya pero talagang wala siyang makitang magandang panuorin. Pagka-pindot niya sa isang channel, The Notebook ang palabas. Ililipat niya palang sana ito kaso biglang may nag-doorbell. Grabe, gabing-gabi na pero meron pa ring nanggagambala?

Naglakad si Clyde papunta sa may pinto at binuksan ito.

"Oh, 'bat andito ka?" tanong ni Clyde kay Summer. Pero dahil hindi bastos kausap si Summer, dumiretso lang siya sa loob at hindi pinansin ang tanong ni Clyde. Feel at home ang bruha.

Pagkasara niya ng pinto ay nakita ni Clyde na dumiretso si Summer sa Sala, kaya naman sinundan niya nalang ito. Pero nang makita niya na ang pinapanuod ko sa tv, nanlaki bigla ang mga mata niya.

"Bakit? Ano meron?" tanong ni Clyde.

"Hindi ko akalaing nanunuod ka rin pala ng mga ganitong klase ng....palabas."

Sabi na nga ba at mapagkakamalan ring bakla si Clyde kapag nakita siyang nanunuod ng romance movie na ganito. "Ah oo."

Pero nanlaki ang mga mata ni Clyde nang mapatingin rin siya sa TV at makita ang tinutukoy ni Summer. Ano kayang meron?

"B-bakit may ganito na?" natatarantang sabi ni Clyde sabi sabay patay ng TV gamit ang remote.

Tahimik lang si Summer na nakatingin sa kanya. Tahimik lang rin ang buong paligid.

"Hoy wag kang mag-isip ng iba dyan. Kanina The Notebook lang yung pinapanuod ko. Malay ko ba na magkakaroon pala ng..bed scene dun."

"Weh," bulong ni Summer. Sarap kutusan noh?

"Bat ka ba nandito, ha?" pero imbis na sagutin niya nanaman ang tanong ni Clyde, iba pa rin ang sinabi niya.

"Ang tagal ko ring hindi nakapunta ulit dito ah. Grabe namiss ko to!" At humilata siya sa sofa.

"Hindi mo sinagot tanong ko."

Bumangon siya sa pagkakahilata at tumakbo pa papunta dun sa hagdan at umakyat sa second floor. Si Clyde naman, sumunod nalang rin sa kanya. Ano pa bang magagawa niya?

Medyo matagal rin na hindi nakapag-bonding si Clyde at Summer kaya naman kahit papaano, kahit ayaw pang aminin ni Clyde sa sarili niya ang totoo, namiss niya rin si Tag-Araw.

Sa paglalakad-lakad nila, pumasok si Summer sa isang pamilyar na pinto—ang pinto sa kwarto ni Clyde.

"Astig ah. Wala pa rin talaga tong pinagbago, haha!" Ani Summer. Dumiretso siya dun sa balcony at tumingin sa stars. "Halika dito!"

Eto namang si Clyde, bigla-bigla nalang na nagpapa-uto kay Summer, at sinunuod naman ang utos nito.

"Bakit ka ba nandito? Diba dapat nagde-date kayo ni Gabby?" tumayo siya sa tabi ni Summer at tumingin din sa stars.

"Aba bakit? Tignan mo mag-11 na ng gabi, syempre tapos na! Anong akala mo, forever kaming magde-date?" pilosopo talaga to kahit kelan.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon