CHAPTER ONE

184K 2.5K 388
                                    


Agad-agarang binuhat ni Summer ang kanyang mga maleta nang tumigil na ang bus na kanyang sinasakyan. Dali-dali siyang nakipag-unahang bumaba dahil sa sobrang saya at pananabik na nararamdaman niya. Wala na siyang pake sa kung sino na ang mabangga niya basta't ang alam niya lang ay nandito na siya sa Maynila!

"Hay," Hingal na sabi nito pagkababa ng bus. Mabigat kasi ang mga dala niya, at isa pa, siya lang mag-isa ang bumyahe papunta rito. Pinatayo niya sa isang gilid ang mga maleta niya at tinignan kung anong itsura ng isang syudad.

Bumungad sa kanya ang matataas na gusali. Mga taong tumatawid kahit na naka-color green ang stoplight. Mga taong natutulog gamit ang mga karton bilang banig. Mga batang lalaki na dumudura sa gilid-gilid na may kasama pang plema. At malalaking eroplano na lumilipad sa langit.

Pinatayo niya muna ang kanyang mga gamit at naglakad pa ng kaunti para mas lalo pang makita ang Maynila.

Maingay. Ibang-iba ito sa probinsya namin. Pero maganda dito! sabi ni Summer sa kanyang sarili. Malapit nang maputad ang mga pangarap ko. Nakikita ko na ang sarili ko habang nakasuot ng magandang uniporme ng isang sosyaling unibersidad. Dagdag niya pa.

Napalingon ulit siya sa likod niya upang tignan ang kanyang mga gamit. Pero laking gulat niya nalang nang wala na siyang madatnan dito. Aba'y kung sinuswerte nga naman, mukhang nanakawan pa siya.

 "Teh, may nakita po ba kayo ditong limang maleta tapos ganito kalalaki?" Dinemonstrate niya pa.

"Ay naku, wala eh."

Sinubukan niya pang magtanong sa iba. "...dito po siya nakalagay tapos color pink na may heart pa yung isa." Dinescribe niya naman ang itsura nito.

"Hm, wala."

Kahit na alam nating nanakawan na siya, hindi pa rin sumusuko si Summer at pilit pa ring hinahanap ang kanyang mga gamit. Aba eh paano siya mabubuhay dito sa Maynila kung wala siyang gamit?

"Kuya, may nakita ka po—"

"Wala."  Mas lalo namang nag-init ang ulo ni Summer nang kausapin niya ang bastos na lalaking iyon. Eh paano ba naman, ang ayos kasi ng pagtatanong niya tapos biglang sasagutin nalang ng ganun? 

Kaya naman hindi na rin nagtagal ay nawalan na ng pag-asa ang ating probinsyang si Summer. Tumayo nalang siya dun sa isang gilid at nagdrama habang nililipad ng hangin ang kanyang mahaba at itim na buhok papunta sa kanyang mukha. 

Maraming bagay ang pumapasok sa kanyang isipan sa mga oras na 'yon. Ang lalaki ng expectations niya tapos ito pa ang mangyayari? Lahat ng bagay na kailangan niya ay nandoon na yata! Oo, pati ang mga pera na pinaghirapang ipunin ng parents niya ay nandoon din. Kaya paano na kaya siya makakapag-aral ng maayos kung ganun ang nangyayari?

Lahat...lahat nawala sakanya. Nawala lahat sa isang iglap lang.

Pero biglang nagliwanag ang panigin ni Summer nang naalala niyang kahit papaano ay may natira pa pala para sa kanya—ang mahiwagang shoulder bag na hindi niya talaga binitawan sa buong byahe. 

Laking pasasalamat ni Summer nang may nakapa pa siyang 10 pesos sa kanyang bag. Sampung piso. Sampung piso lang ang laman! Napaka-laking tulong nun. Napakalaki.

Gutom na ang ating magiting na probinsyana at kapag hindi pa siya nakakain ay baka yung mga taong pakalat-kalat nalang ang malamon niya. At dahil nga tinatamad nang mag-isip si Summer, ang unang pumasok sa isip niya ay gastusin nalang muna ang natitira niyang pera.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon