Chapter 11

116 5 0
                                    

Instead of spending my time reading some books about etiquette, I am here outside doing some laps with my Maserati around the mansion. I have nowhere to go and I'm still practicing and reviving my skills in driving. My smile didn't fade from the moment Papa presented this to me. I am on cloud 9, he kept his promise!

Papa's not here. He's at work and he said he'll be back on Saturday, so basically I'll be bored here. Pagkarating ko sa harap ng bahay ay may papasok na sasakyan kaya ay nagpark ako at lumabas. Nang makalapit ito ay nakita ko si Artemis na syang nagdadrive.

What's he doing here? Well, it's good to see a new face. Nababagot na ako dito kasi hindi naman ako kinakausap ng mga katulong. Mabuti at nandito si Artemis. Ngayon ko lang din ulit sya nakita.

"Good afternoon," bati nya.

He looks okay. Mukhang fully recovered na din sya.

"What brought you here, Artemis? My father's not here in case you aren't aware."

"Pinadala ako ng Don dito para personal na bantayan ka," saad nya.

"Nandito lang naman ako sa bahay at may tauhan naman na nagbabantay sa may gate," sagot ko.

"Ang magbantay sayo ang trabaho ko kaya ito ang gagawin ko."

Napanguso ako at tumalikod. Ibinigay ko sa katulong ang susi ng sasakyan ko at pumasok ng bahay. Sumunod naman sa akin si Artemis.

"May iba bang sinabi si Papa? Pwede ba akong lumabas? Gusto kong pumunta kay Lottie. Nandito na ako sa Soralia kaya ang pangit kung sa telepono lang kami mag-uusap. Walang kaibahan nang nasa Australia pa ako."

"Sabi ng Don ay siguraduhing mag-aral ka sa sinabi nyang dapat mong pag-aralan."

"I think I already know the basics," I told him. "Sabi ni Lottie ay bibigyan nya ako ng mga ideas about marriage. I think it's better if I go out and see her. What do you think?"

Nagtawag ako ng katulong para ipaghanda ako ng inumin. Humarap ako kay Artemis pagkatapos.

"Kung papayagan ka ng Don ay ihahatid kita doon," aniya.

"Kaya ko ang mag-isa," sabi ko. "May sasakyan ako."

"Do you know where it is?" he asked.

"You tell me."

"Magpaalam ka na muna," sabi nya.

Napangiwi ako sa kanya. Magaan ang loob ko kay Artemis. Dahil siguro ay sya yung kasama ko noong isang gabi. He was the only person I could call on to that night. I feel a little bit closer even when I just met him.

Bumalik yung katulong na may dalang malamig na juice. Tinanggap ko ito bago pumanhik sa taas at tawagan si Papa. Sana naman ay hindi sya busy ngayon at hindi ko madisturbo. Baka hindi ako payagan kapag nagkataon.

Pinaring ko ang number ni Papa, dalawang beses bago nya ito sinagot.

"Papa. Can I go to Lottie's?"

"Just stay at home and read books about etiquettes."

"Lottie will help me. She promised she'll give me some pieces of advice."

"Fine. Is Art in the mansion?"

"Art? Do you mean Artemis? Yes, he's here. Papa, if you're planning to tag him along with me, no, I can go to Lottie's house by myself."

"Napag-usapan na natin ito, Chantrea," may diin sa tono ng boses ni Papa.

Wala akong nagawa kundi ang magpasama kay Art na pumunta kina Lottie. Hindi na ako nag-abala pang magbihis. Hindi ko na ipinilit na lumabas mag-isa, mabuti na din ito kesa sa magmukmok dito sa bahay.

Searing Burst of Rage (Fireheart 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt