Chapter 49

119 3 0
                                    

I recovered consciousness with my neck stinging. The smell in here is unpleasant making me want to throw up. I scanned the darkroom to check where I am. It was dark but I could see some pile of dusty metals, pebbles, and a few dirty broken chairs.

I have no idea if it's still night or day or how long I have been here already. I saw Dafiah, I followed her and then I was dragged into the alley. Alfe. Where is Alfe? For some reason, I started crying. I feel suffocated, I'm having a hard time breathing.

My mouth was covered by duct tape so my muffled cry filled the four walls. My hands are behind my back tied to a wooden pillar. I was standing and now my legs were mostly weakened. Antagal ko sigurong nakatayo at ngayon ay sobrang sakit din ng leeg ko.

I tried to open out my hands but the rope is just too tight. My sidebangs were hanging on both sides of my face as I felt my sweat running down from my temple to my jaw. It must be a day already, I feel so hot and humid.

Almost 30 minutes had passed when the door blasted open. A strange short man entered with a dark expression, looking so annoyed. Looks like I have disturbed his sleep.

Lumapit ang lalaking masama ang tingin sa akin. Idiniin nya ang hintuturo sa bibig ko kaya napaangat ang ulo ko. "Ang ingay mo! Parang pusang umiiyak!"

Nilabanan ko ang tingin nya sa akin. If my mouth wasn't taped, I could have screamed at his unsightly face. I don't know him. What could be his good reason for abducting me? I can offer him money if he wants.

Napalingon ako sa pinto nang may pumasok na isang lalaki na hindi din ako pamilyar. May dala itong isang plato ng parang pagkain ng aso habang sa isang kamay ay isang basong tubig. Prente lang itong pumasok na parang wala silang dinukot na tao.

Para ng mapunit ang bibig ko nang marahas na tanggalin ng lalaking nasa harap ko ang duct tape sa bibig ko. "Who are you? Ano ang kailangan nyo sa akin?" agad na sigaw ko sakanya.

Tinalikuran nya ako at walang natanggap na sagot. Nagkamot sya ng ulo nya, nagtitimping huwag akong patulan. Naiinis lang ako lalo at sumigaw ng sumigaw, humihingi ng tulong kung sakaling may makarinig sa akin galing dito.

Akala ko ay mababali na ang leeg ko sa malakas na sampal na natanggap ko. Mas lalo akong nawalan ng lakas at mas lalong sumakit ang leeg ko. Nag-uunahan na namang tumulo ang mga luha ko. 

Alfe. Where are you? I need you.

"Kumain ka!" rinig kong utos ng ikalawang lalaki sabay lapit sa akin ng kutsara na may lugaw.

Hindi ko ibinuka ang bibig ko. I'm not eating their food, I don't even know if I should even consider it a food. I've never crossed a food like this before. It looks like it is spoiled.

"Edi huwag kang kumain." Mabilis na bumigay ang lalaki atsaka tinalikuran ako.

Yung lalaking sumampal sa akin ay ulit na lumapit. Nilagyan nya ng duct tape ang bibig ko atsaka aroganteng ngumisi. Nanlaban ako at matalim na tingin ang isinukli sa kanya.

Kumakalam na nga ang sikmura ko. The last meal I had was lunch and I was supposed to have dinner with Alfe. Kahit gutom ako ay ayaw kung kumain ng pagkain na yun, hindi ligtas.

Wala na akong maiyak, namamalat na ang sikmura ko, ang sakit ng buong katawan ko at ang sama ng pakiramdam ko. How long has it been? Why is Alfe not here to get me? Nasa Soralia pa ba ako o hindi?

Mahigit isang oras ang nakalipas ay may isang matangkad at malaki ang katawan na lalaki ang pumasok. Nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko sya. Sya yung isa sa mga tauhan ni Leonetti. As I've predicted, these are all Leonetti's works. He might not release me this time. I have struck his nerves all these years by ignoring him, ignoring my word to him.

Searing Burst of Rage (Fireheart 2)Where stories live. Discover now