Chapter 38

108 3 0
                                    

Madaling araw nang kumatok si Art ng kwarto ko. Agad kong binigay sa kanya ang ginawa ko kagabi at ipinahatid sa newsprint. I want this disclosed as soon as possible. I was the one who wrote this but I want this done anonymously.

I don't want Leonetti to know that I devise this one, he might not trust me in the future. Kung hindi ko man sya maipapabagsak ngayon ay gagawin ko sa tamang panahon. Maisasakatuparan ko lang ito kung makukuha ko ang buong tiwala nya.

Sumasakit ang tyan ko sa gutom dahil sa tagal ni Art na bumalik. Ang bigat din ng pakiramdam ko at namamaga ang mga mata ko pagtingin sa salamin kanina. Even if I felt heavy, I forced myself to jump into the cold shower.

Tapos na akong maligo at magbihis nang may kumatok. "It's Art."

Nakahinga ako ng maluwag nang si Art lang pala. Pinapasok ko sya ng kwarto at hinarap. "How was it?"

"I handed it to someone I know who was working there. Ipinangako nyang mailalathala ito bandang alas syete ngayong umaga."

"Sigurado ka ba? Mapapagkatiwalaan ba ang pinagbigyan mo? Wala akong ibang copy sa mga documents. Lahat ng mga yun ay original."

"Huwag kang mag-aalala."

"May narinig ka na ba kay Papa? Naitakas ba sya kahapon? Hindi ba sya nasaktan?"

"May nakapagsabi sa akin na nasa kamay sya ng mga Barzetti ngayon," ani Art.

"He's alive, that's a piece of good news. But, how did he end up with them? Your friends are supposed to get him out of there."

"Pati sila ay nahuli. Dalawa lang ang nakatakas at ang iba ay nawalan na ng buhay."

"Ano?" hindi makapaniwalang sabi ko. "A lot have died already!"

"I know. It's inevitable," he only said.

Bumagsask ako paupo sa kama. Sinapo ko ang mukha ko sa irita. I don't know where I'm heading to next. Should I go back to Leonetti?

"Anyway, tumawag ang Mama mo. Nasa Vier sya ngayon at gusto ka nyang makita. Ihahatid kita ngayon sa kanya," ani Art.

Kumunot ang noo ko. Nasa Manila na sya dapat ngayon at hindi Soralia. Hindi na dapat pa syang bumalik dito lalo na at ang gulo ngayon.

"Handa na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Art.

"I won't go. Ihatid mo nalang ako pabalik kay Leonetti. Baka madamay pa si Mama kung makikipagkita ako sa kanya," nag-aalalang sabi ko. "You just explain to her my situation."

"Huwag ka ng bumalik kay Leonetti," nag-aalala ding sabi ni Art.

"He's a dangerous man, Art. Baka pati ikaw ay madamay, baka nga kahit kakilala ko lang ay saktan nya. Sabihin mo kay Mama na umalis na sya dito hangga't maaga pa."

"Hindi kita ihahatid kay Leonetti. Itinakas nga kita doon," aniya. "Ihahatid kita kay Donya."

"Ayoko nga. Ibigay mo nga sa akin ang susi ng sasakyan ni Papa," naiinis na sabi ko sa kanay sabay lahad ng palad ko.

"No, I returned it already. Gamit ko ang sasakyan ko. Sumama ka na sa akin, Trea, bago pa magbago ang isip ko at ihatid kita sa mga Barzetti kung saan ikukulong ka na naman sa mansion," panakot nya sa akin. "Makipagkita ka kay Donya at sumama ka sa kanya paalis dito."

"I can't break my deal with Leonetti. I don't want anyone to get hurt because of me."

"Huwag mo munang isipin yan, Trea. Pagkakataon mo na itong makaalis. Huwag kang mag-aalala at kami na ang bahala dito."

"What are you talking about? You better leave, too. Hindi na safe sayo ang Soralia."

"Halika na at ihahatid kita kay Donya," sabi nya atsaka kinuha ang bag sa tabi ko. "You need more rest too think clearly. You're still anxious. Baka magbago ang isip mo kapag nakausap mo na ang Mama mo."

Searing Burst of Rage (Fireheart 2)Where stories live. Discover now