CHAPTER 1

15 1 0
                                    

Gen's POV only:


"Gen..." dinig kong tawag sa akin sa may labas at kasunod niyon ay katok. Agad naman akong bumangon sa may kama ko para lumapit roon at buksan ang pinto.

Si mommy.

"Mom..." usal ko ng si mommy ang nakita ko at may hawak pa tong... gatas??

"Here...drink it bago ka matulog." sabi niya at napabuntong hininga naman ako.

"Mom, I'm not a kid anymore but thanks." sabi ko at ngumiti.

"Pagbigyan mo na ko... ngayon na nga lang ulit kita natimplahan ehh." sabi pa ni mom at bahagya naman akong natawa.

"Oo na, oo na...mommy talaga." sabi ko pa.

"Pwede ba akong pumasok sa kwarto mo, anak??" tanong niya pa at binuksan ko naman ng malaki ang pinto.

"Sure mom." sabi ko pa at pinapasok siya, naupo naman siya sa may bed ko. Lumapit naman ako at naupo rin sa may tabi niya.

"How's school??" tanong niya pa sa akin at napabuntong hininga lang ako.

Eto talaga yung mga iniiwasan kong itanong nya.

"Ayos lang, medyo naninibago." sagot ko.

"Pasensiya ka na anak ha... I'm sorry kung bakit mo pa kailangan gawin ito." usal pa ni mom at napatingin naman ako sa kanya.

"Don't worry mom, naiintindihan ko." nakangiting sagot ko.

Ang totoo kasi niyan, nakaraang linggo lang ay lumipat ako ng school which is semi-private na lang. Pero mula kinder ako noon ay sa private talaga ako pero dahil nagkaproblema sa company ni Dad kaya namroblema kami sa financial at dahilan kung bakit nailipat ako sa semi-private imbis na sa university pero okay lang naman talaga sa akin.

"Wala naman bang nangbubully sayo doon??" tanong pa ni mom at bahagya naman akong natawa.

"Sino naman bang mang bubully sa akin doon?? Ehh mukhang mas bully pa nga ata ako." Biro ko pa.

"Gen??" suway pa ni mom.

"I'm just kidding mom, biro lang yon. Ang totoo pa nga niyan ay mas marami pa akong naging kaibigan sa bago kong school." sabi ko pa at napangiti siya.

"Ohh...really?? Buti naman. Siguraduhin mo lang yan Gen ha? Kilala pa naman kita at mula noon ay laging may report ng bullying sa card mo." sabi pa ni mom at napakamot lang ako sa ulo.

Naalala nya pa yun?

"Ehh mom? Highschool pa ako nun ehh nagbago na ako ngayon." sabi ko pa.

"Dapat lang! Dahil college ka na at dapat mature na ang isip mo." sabi niya at tumango naman ako.

"Yes mom." sagot ko.

"O siya sige na... magpahinga ka na at alam kong pagod ka." sabi niya pa saka tumayo at naglakad patungo roon sa may pinto. Sinundan ko lamang ng tingin si mommy.

"Goodnight, son." nakangiti pang sabi ni mommy.

"Goodnight, mom..." sabi ko rin saka niya at doon nya marahang isinara ang pinto.


Napahiga naman ako sa may kama ko at napatitig sa may kisame.

Ang hirap magsinungaling kay Mom, ang totoo kasi niyan ay madami akong ginagawang kabalbalan sa bago kong school. Tipong first day ko pa lang ay may ginawa na akong kalokohan. Hindi ako yung tipo ng ibang transferee na madalas naaapi sa bago nilang school dahil baliktad yung sa akin... subukan lang nila ako kantiin at sila pa mismo ang malalagot sa akin. Ang totoo niyan ay meron kaagad akong mga naging tropa roon which is classmates ko lang din, sila Shawn at Red. Kapwa sila ay pareho ko ng vibes at mga hilig na siyang dahilan kung bakit ang bilis naming nagkasundo.

First week ko pa lang mag-aral sa school na yon ay marami na akong nagawang katarantaduhan which is lumala pa kesa sa mga nagawa ko noon nung high school... haaayysss di ko magawang sabihin iyon kay mom dahil ako naman ang malilintikan sa kanya.

Agad ko namang pinikit ang mata ko ng sa gayon ay makatulog na ako.

AwakeWhere stories live. Discover now