CHAPTER 13

1 1 0
                                    

After ng mga hirap at pagsusumikap ko sa pag rereview ay dumating na yung mismong araw ng quiz bee at matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Shet ito na...

Pag ako di nakapasa bahala sila dyan.

Kasalukuyan akong nasa labas ng isang room kung saan dadausin yung quiz bee at kasama ko ngayon yung kapwa mga ko kandidato at kung titignan ay puro matatalino talaga sila dahil halos mga nerd yung mga kalaban ko ehh.

Tipong titignan mo sila ay parang kahit di pa nila nakikita yung mga questions eh alam na agad nila yung sagot.

"Gen!" dinig ko pang may tumawag sa pangalan ko at napatingin naman ako sa may paligid at natanaw ko sila red at shawn sa may dulo. Agad naman akong lumapit sa may kanila.

"Kayo pala." sabi ko pa.

"Nice one Gen, galingan mo ahh." sabi pa ni red.

"Kinakabahan nga ako ehh, puro matatalino ata yung mga kalaban." sabi ko pa.

"Wag ka kabahan, ibigay mo lang best mo manalo man o matalo." sabi pa ulit ni red.

"Suportado ka ng buong section natin, gen." sabi naman ni shawn at kahit papaano ay gumaan ang kalooban ko sa mga sinabi nila.

"Salamat sa inyo." nakangiting sagot ko.

"Geh na, papanoorin ka pa namin sa screen doon sa may room, lahat ng classmates natin ay nakatutok doon. Galingan mo ahh! Goodluck sayo." sabi pa ni Red.

"Do your best, good luck." sabi naman ni shawn at tinanguan ko sila saka nila ako kinawayan at umalis na.

Huminga muna ako ng malalim saka ko ito ibinuga.

"Good luck." dinig kong may nagsalita muli at napaangat naman ako ng tingin doon at natanaw kong si whitey iyon.

Napatingin pa ako sa paligid at pasimpleng nagsalita.

"Tingin mo ba ay makakaya ko??" tanong ko pa sa kanya at ngumiti ito.

"Oo naman. Nagtitiwala ako sayo at magtiwala ka rin sa sarili mo." sagot niya pa.

"Salamat... salamat sa tulong--sa lahat." nakangiti pang sabi ko at nakangiti rin itong tumango at naglaho.

Nakita ko ng nagsipasukan yung mga kalaban ko sa loob at marahil ay mag-uumpisa na ang laban. Saglit pa akong nag sign of the cross saka ako pumasok roon sa loob.

Lord ikaw na bahala...






~~~~~~~~~

AwakeWhere stories live. Discover now