EPILOGUE

0 0 0
                                    

Araw ng pasko at magcecelebrate kami ng pamilya ko, habang nagluluto sila mommy sa kitchen ay nagreready naman ako ng sarili dahil susunduin ko si Luna sa kanila. Pagkababa ko ng hagdan ay natanaw naman ako ni mommy habang patungo sya sa may table at may dalang pasta.

"Aalis ka anak??" Takang tanong pa ni mommy.

"Saglit lang mom, may susunduin lang po ako." Sagot ko.

"Oh really?? May bisita ka??" Nakangiting tanong pa nito at tumango-tango naman ako at naglakad patungo sa labas.

"I'll be right back mom." Paalam ko na.

"Okay, balik ka bago ang dinner dahil mamaya ay andyan na ang daddy mo." Dinig ko pang pahabol ni mom sa akin saka na ako sumakay na ng jeep.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Merry christmas, tita." Nakangiting bati ko sabay mano sa mama ni Luna.

"Andyan ka na pala Gen, Merry Christmas! Di bale at patapos na rin ang anak ko." Sagot nito at pasimple naman akong napasilip sa loob.

"Why don't you come in too, tita?? Doon na rin kayo magpasko sa bahay." Suhestiyon ko pa rito.

"Salamat na lang iho pero may pasok ako maya-maya, sayang dahil double pay din yon kaya papasukan ko na. Ikaw na ang bahala sa anak ko at sana ay mag enjoy ko. Basta tatandaan nyo yung bilin ko na before 9pm ay mauuwi mo na sya rito ha??" Si tita at mabilis akong tumango.

"Noted po, tita." Nakangiting sagot ko. Napatingin naman sya sa loob at...

"Oh she's here." Dinig kong sabi ng mama ni Luna kaya marahan akong napatingin sa loob at para naman nag-slowmotion ang paligid nang makita ko si Luna na naglalakad papalapit sa may gawi namin.

Nakasuot sya ng pulang dress at may ribbon pa ang buhol, di ko maiwasang mapahanga sa nakikita ko ngayon.

Ang ganda...


Nang mahinto sya sa harap ko ay di naman ako nakapag react agad na para bang natulala ako at nawala sa huwisyo. Lalo na nung ngumiti sya habang nakatingin sa akin, di ko alam kung anghel na ba tong nasa harap ko ngayon.

AwakeWhere stories live. Discover now