CHAPTER 8

0 0 0
                                    

Ilang saglit pa ay dumating na nga yung order namin at nilapag iyon sa may table.

Agad na naming binuksan ang beer.

"Cheers!" sabi pa ni red at saka namin ito ininom.

"Ahhhh... ang sarap, ngayon na lang ulit ako nakainom." sabi pa ni red saka ako kumain ng spicy wings.

"Wag kang magpakalunod sa alak, red." asar pa ni shawn sa kanya.

"Tshh minsan lang to shawn kaya lubusin na, di naman nakakalasing ang isang beer." singhal pa ni red.

"Bakit?? Gusto mo ba ng isang case??" asar ko din kay red.

"Di na, may mga pasok pa tayo bukas. Ayoko namang pumasok nang may hangover." sagot pa nito at nagtawanan naman kami at ilang minutes pa kaming nagk-kwentuhan.

"Shawn??" Natigilan kaming tatlo ng marinig naming may nagsalita at napatingin naman kami sa may gilid at tanaw namin ang isang babae na maiksi ang buhok at nakadress ito. Agad namang napatayo si shawn at hinarap yung babae.

"Elise..." naiusal pa ni shawn sa babae at napatingin pa sa aming dalawa ni red.

"Ehem." tikhim pa ni red saka tinuon ang paningin sa may lamesa.

"S-sandali lang guys ahh..." sabi pa ni shawn saka hinila yung babae papalayo sa amin at nagtaka naman ako.

"Anong meron dun??" taka pang tanong ko.

"Tshh..." singhal pa ni red. "Yun yon." sabi ni red at nagtaka naman ako.

"Anong yun yon??" tanong ko pa.

"Yun yung kinuwento ko sayong babae nakaraan na kasama ni shawn at pinag-uusapan ng mga tao nung magkarelasyon pa sila ni luna." sagot niya at natigilan ako.

Yun yung babae na yon??

"Ibig sabihin ay bagong girlfriend ni shawn yon??" tanong ko pa.

"Malay ko! Ewan ko ba diyan, di ko rin maintindihan minsan." sagot niya at napatingin naman ako roon sa may dulo kung nasaan silang dalawa at mula dito ay tanaw kong parang nagtatalo ata sila base sa kinikilos nung shawn.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makabalik sa table namin si shawn at wala na yung babae niya---este yung babae.

Muli na lang kaming nagkwentuhan na animo'y walang nangyari pero minsan di ko maiwasang titigan si Shawn at isipin tong mga pinaggagawa nya. Hanggang sa makalipas ang ilang oras bagama't di na namin ito namamalayan dahil di rin maubos-ubosan ng kwento si red.

"Mga pre, una na ako sa inyo. Anong oras na. Uuwi na ako." paalam ko pa sa kanilang dalawa.

"Uuwi ka na?? Di pa nga ubos yung pulutan??" tanong pa ni shawn sa akin.

"Uuwi na rin ako, Gabi na at baka pagalitan din ako ni Dad. Ikaw na lang umubos niyan shawn, busog na kami atsaka bayad naman na ni Gen yan" biglang sabi din ni red saka tumayo.

"Teka?? liwan niyo ko rito??" taas kilay pang tanong ni shawn sa amin habang papalit-palit ang paningin niya sa amin ni red.

"Ang sinabi ko kasi kay Mom na mali-late lang ako saglit, baka nagtataka na yun kung bakit anong oras na ay wala pa rin ako." sagot ko pa.

AwakeWhere stories live. Discover now