CHAPTER 23

0 0 0
                                    


Lunes...

Pagpasok ko ng school ay agad akong naglakad patungo roon sa may room. Nasa pinto pa lang ako ay nagtama na yung mata namin ni shawn pero iniwas ko lang yung akin saka diretsong naglakad patungo doon sa may upuan ko.

Kasunod nun ay nakita ko namang pumasok na si Red sa may pinto at papalapit sa may gawi namin

"Good morning guys!" bati pa nito sa amin pero ni isa ay walang sumagot sa kanya.

"Teka?? Mali ba ako ng room na pinasukan??" tanong pa ni red sa sarili niya habang papalit-palit ng tingin sa amin ni shawn.

"Something's Fishy." sabi pa rin ni red saka naupo sa may tabi ko.

"Bakit ang tahimik niyo ata pareho, ano bang nangyari nung wala ako??" tanong pa sa amin ni red pero walang umimik sa kanya.

"Teka, may kausap ba ko??!" singhal pa nito.

"Andiyan na si Sir." naisabi ko lang at saktong dumating na nga yung teacher namin at nagturo na kaya doon ko na lang binaling buong atensiyon ko at nakinig.






Miyerkules...

Sa ngayon ay naglalaro kami ng basketball dahil p.e namin ngayon at kasalukuyang nasa akin yung bola habang may dalawang nakabantay sa harap ko.

"Gen! Pasa mo kay, shawn!" dinig ko pang sigaw ni red pero hindi ko siya pinakinggan at nagdi-dribble pa rin ako.

"Gen, kay shawn Gen!" sigaw pa rin ni red pero di ko pa rin siya pinapakinggan at sa halip ay sinubukan kong tumira kaso naagaw ng kalaban at nasa kanila na ngayong panig yung bola.

"Bakit di mo kasi pinasa kay shawn yung bola, Gen??!" singhal pa ni red.

"Pasensiya na." naisabi ko lang sa kanya.




Biyernes...

Kasalukuyan akong mag-isang kumakain ngayon sa may table sa canteen. Hanggang sa namalayan ko namang may umupo sa tabi ko at nakitang si red iyon.

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong pa ni red pero di ko siya sinagot.

"Alam ko na ngayon, kahit di mo pa sabihin. Alam kong may namamagitang tensyon sa inyo ni shawn... akala mo ba ay di ko napapansin??" sabi niya pa.

"Buti napansin mo." sagot ko lang.

"Kinuwento sa akin ni shawn lahat... kahit ayaw niya ay napilit ko siya." sabi niya pa.

"Syempre, matagal na kayong magkaibigan eh." sagot ko.

"Magkaibigan pa rin naman tayo ahh, kahit ilang buwan pa lang ay magkaibigan pa rin tayo." sagot niya.

AwakeWhere stories live. Discover now