CHAPTER 7

2 1 0
                                    

Pagpasok ko naman sa bahay ay sinalubong ako ni mommy.

"Ohh Son?? Ang aga mo naman??" tanong niya pa.

"May meeting mga teacher mommy ehh, maaga dismissal." sagot ko saka naupo.

"Ohh kumain ka muna, sakto at katatapos ko lang ng tanghalian sya nga pala tumawag ang daddy mo baka next month makakauwi sya, about your sister naman tinawagan ko kanina baka makakauwi rin sya dito kasabay ng dad mo." sabi pa ni mom.

"That's good, mom." sagot ko at naghain naman siya ng pagkain sa may plato ko at doon ako kumuha ng ulam at naupo naman si mommy sa may upuan din at kumain.

"Mom..." usal ko habang nakatingin sa plato ko.

"Son??" usal niya.

"Naniniwala po ba kayo... sa mga... ghost??" tanong ko pa.

"Ghost??" pag-uulit niya pa at tumango naman ako.

"Hmmm... hindi pa kasi ako nakakakita pero mahilig ako magbasa ng mga horror stories noon." sagot niya.

"Ehh Mom, horror stories yun ehh. Pwedeng gawa-gawa lang ng mga manunulat yun." sabi ko pa.

"No son, real horror stories iyon. About sa Balete drive, Diplomat hotel at maraming nakakapagpatunay na may kababalaghan yung mga lugar na iyon." sagot niya.

Ehh??

"Tingin mo Mom, yung mga ghost... ano kayang purpose nila kung bakit ayaw pa nilang tumawid sa kabilang buhay??" tanong ko pa kay mom at napaisip siya.

"Hmmm... bakit?? Topic niyo ba sa school yan??" tanong pa ni mom pero umiling ako.

"Hindi mom...natanong ko lang." sagot ko.

"Alam mo kasi Son... spirits are also part of our world. Ang spirits ay walang kamatayan kahit wala na yung katawang tao nila. May mga kaluluwa na biktima ng karahasan o di naman kaya ay gusto ng hustisya at yun ang dahilan kung bakit pagala-gala pa rin sila dito sa mundo. Minsan kailangan lang natin silang ipagdasal nang sa gayon ay mapayapa na sila at makatawid na sa kabilang buhay." kwento pa ni mom at napatingin naman ako sa food ko.

Gaya lang din ng kwento ni Red.

"Pero merong mga spirits na ayaw pang lisanin ang mundong ibabaw, marahil ay hindi pa sila handang iwanan yung mga mahal nila sa buhay. Marahil ay alam nilang di pa nila oras o talagang di tanggap yung mga nangyari sa kanila." sagot pa ni mom at napatingin ako muli sa kanya.

Ganun din yung sinabi niya sa akin kanina...

Hindi pa daw siya handang lisanin ang mundo...

Muli ko na lang pinagpatuloy yung pagkain ko.

Pagkatapos kumain ay  dumeretso na ako ng kwarto at sinara ko agad ang pinto saka nagtungo roon sa may kama ko at nahiga, napatitig naman ako sa may kisame.

Masyado ba akong naging masama??

Hindi kaya ay kailangan niya lang ng tulong ko pero di niya magawang sabihin sa akin dahil lagi ko siyang pinangungunahan??

Hindi kaya ay masyado ko siyang pinakitaan ng hindi maganda porket naiiba siya sa akin??

*sigh*

Napatingin naman ako sa may gilid na table at nakita ang laptop ko, agad ko ring kinuha iyon para buksan.

Agad akong nagtungo sa google upang magsearch ng dapat kong malaman.

AwakeWhere stories live. Discover now