CHAPTER 4

1 0 0
                                    

Ang bilis ng tibok ng puso ko at nakaramdam talaga ako ng takot--sobrang takot dahil ngayon lang ako nakakita ng ganon sa tanang ng buhay ko.

Wala na akong pakialam sa mga nakakasalubong kong janitor at gwardiya, marahil sila ay nagtataka kung bakit ako tumatakbo hanggang sa paglabas ko ng gate ay napatingin pa ako sa taas ng building kung saan ko ito nakitang floor. Agad na akong pumara ng jeep at dali-daling sumakay.


Pagdating ko sa bahay ay nagtataka naman si mommy nang makita akong papasok sa loob.

"Ohh bakit pawis na pawis ka??" tanong niya pa pero dinaanan ko lang siya.

"Bukas na lang mom!" sabi ko sabay pasok sa kwarto ko at lock ng pinto. Napasandal pa ako habang hingal na hingal.

Ano yun?!!

Ano yung nakita ko kanina??!

"Mukhang pagod na pagod ka ahh..." napatalon pa ako sa gulat ng marinig kong may nagsalita sa kwarto ko at nanlaki pa ang mata ko habang patingin-tingin sa paligid.

At mula doon sa may kama ko ay natanaw kong may nakaupo.

Tangina... nasundan ako?!

Di ko alam kung sisigaw ba ako dahil sa nakikita ko. Yung multo sa Cr ay sinundan ako.

Mabilis kong kinuha yung santo sa may altar ko at tinutok iyon sa kanya.

"H-huwag ka lalapit!" singhal ko pa at tinutok sa kanya yung santo at napatingin naman siya rito at maya-maya pa ay natawa siya.

Anong nakakatawa?!!

Multo... nagsasalita??!! Tumatawa??!

"Bakit ganyan reaksyon mo sakin, Bakla ka ba??" tanong niya pa at natigilan ako... in the same time ay nakaramdam din ng inis.

Hindi naman totally nakakatakot ang mukha niya dahil para rin siyang mukha lang ng ordinaryong tao--pero hindi siya tao!!! Multo nga Multo!! Kaya yan ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng takot!!

"B-b-bakit mo ko sinundan???! Anong kailangan mo sakin??!" galit at takot pang tanong ko.

"Pwede bang kumalma ka muna... hindi naman kita sasaktan ehh." usal niya at natigilan ako.

"Ano bang kailangan mo?? Sabihin mo na agad." Pigil takot na sabi ko pa.

Baka nangangailangan lang to ng tulong like gusto nilang padasalan sila para matahimik na sila--pero bakit sakin pa hihingi ng tulong eh maraming iba dyan!

"Pwede bang wag ka muna matakot sa akin?? Ang ganda ko namang multo para katakutan mo." sabi niya pa at natameme ako, di ko alam kung tama ba ang mga naririnig ko o nahihibang lang ako.

AwakeWhere stories live. Discover now