CHAPTER 25

0 0 0
                                    

Di ko alam pero parang iba sa pakiramdam ko nang ibang tao ang binanggit nya. Napatingin naman ako sa ibaba.

Naaalala nya si Shawn.

Di mo sya masisisi Gen, ex nya yon.

"W-wala sya dito, nasa school... G-gusto mo bang tawagan ko sya??" Tanong ko na lang.

Ako ba, hindi nya naaalala??

Hindi ko na sya narinig na sumagot pa at nakatingin lang sya sa may wall sa gilid. Napatingin naman muna ako sa mama nya at di ko alam kung tatawagan ko ba sila shawn at red, alam kong ayaw ng mama ni Luna pero kung sya mismo yung hinahanap ni Luna ay wala akong choice kundi sundin ang kagustuhan nya.

Wala akong choice kundi itext si Red na sabihin kay Shawn na pumunta sila. Pagkatapos ay nagtungo naman ako sa mga dala kong pagkain at inisa-isang buksan iyon para maglagay sa plate ko at kumain muna sa gilid.

Habang nakaupo at kumakain ay pinagmasdan ko naman si Luna na kasalukuyang nakatalikod sa may gawi ko.

Baka nga Gen hindi ka nya naaalala. Magkaiba ang katawang tao ni Luna sa Whitey na kilala mo. Kung ano yung memoryang nasa utak nya, yun lang ang maaalala nya... Hindi yung kung ano yung nangyari o kaganapan sa kaluluwa nya.





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Where is she??" Bungad ni Shawn nang makapasok sa loob, kasunod nya si Red.

"Ano na naman ba---"

"Tita..." Pangpuputol ko sa mama ni Luna. "Ako po talaga ang nag nagtext sa kanila na pumunta dito." Sambit ko at napatingin naman sa akin ang mama nya ng nagtatanong.

Naglakad naman si Shawn lagpas sa amin at napatingin kay Luna na kasalukuyang nakaupo.

"Luna." Di makapaniwalang sambit ni shawn nang makitang gising nga ito ngayon na lumapit pa at hinawakan ito sa mukha. Di ko sila kayang tignan kaya nagbaba muna ako ng tingin hanggang sa wala sa sariling lumabas muna ako ng kwarto.

Paglabas ay sumunod naman ang mama ni Luna sa akin. Naupo naman ako sa upuan...

"I'm sorry tita kung tinext ko sila nang hindi nyo man lang alam." Sambit ko pa at naglakad naman ito para maupo sa tabi. Di ko alam kung galit ba ito ngayon sa akin. "Y-yun po kasi ang gusto ni Luna..." Dagdag ko. Di naman ito sumagot at nananatiling nakakrusmano lang habang nakatingin sa ibaba.

"Hindi mo ba aalamin sa loob kung anong mangyayari??" Dinig ko salita nya.

Di ko ata kaya.

"Maybe they need space--baka mas kailangan ni Luna si Shawn kesa sa akin." Sambit ko naman.

"Hahayaan mo lang bang mangyari iyon??" Tanong pa ni tita at di naman ako makasagot.

Kahit kontrahin ko, wala akong laban kung ako mismo hindi kilala ni Luna.

"I... I don't know... I feel na wala po akong karapatan. Kumpara sa amin ni shawn ay alam kong mas madami silang alaala ni Luna kaya sigurado rin akong mas maaalala nya si shawn kesa sakin." Sagot ko naman.

Huminga naman ng malalim si Tita.

"She remembers me. Nakaraan tinawag nya akong mama kaya i know na may naaalala sya tungkol sa akin." Dinig kong sabi ni tita.

Di rin malabong si shawn din.

"But may sinasabi syang bulaklak. Di ko alam kung anong tinutukoy nya." Sabi pa nito at natigilan naman akong napaharap kay tita.

Bulaklak??

"Paulit-ulit nyang binabanggit iyon. Nasaan daw yung bulaklak nya pero wala akong natatandaang may bulaklak sya. 6 months syang coma kaya malabong malaman ko pa kung ano man yung bulaklak na tinutukoy nya." Dagdag nito.

At doon pumasok sa alaala ko nung minsan ko syang binilhan ng rose at tandang-tanda ko pa yung mga sinabi nyang ako pa lang ang kauna-unahang nagbigay sa kanya ng bulaklak.

"Yung rose..." Wala sa sariling usal ko hanggang sa biglang bumukas yung pinto at lumabas si shawn at dali-daling naglakad papaalis na ni hindi man lang kami nilingon. Halata sa mukha pa nitong seryoso ito at agad ding sumunod sa paglabas si Red na nagmamadali din.

"Red, anong nangyari??" Gulat pang tanong ko.

Napatingin pa si Red sa aming dalawa at tinignan si tita.

"Tita, i think Luna remebers everything." Sagot nito at napakunot naman ang noo ni Tita.

"Pero sabi pa ng Doctor ay it took weeks up to months bago pa unti-unting magbalikan ang alaala nya??" Alalang sabi pa ni tita at dali-dali ring pumasok sa loob ng kwarto para puntahan ang anak.

Naiwan naman kaming dalawa ni Red sa labas.

"Red, ano ba talagang nangyari??" Naguguluhang tanong ko pa kay Red.

"Di ko rin alam pero i think hindi nagka amnesia si Luna." Sagot nito at napakunot naman ang noo ko.

"Ano?? 6 months sya nakaratay kaya imposibleng hindi sya magka amnesia." Sambit ko.

"Ewan ko pero nung pumasok kami diba lumapit si Shawn sa kanya. Ang sabi agad ni Luna na tigilan na ang paglapit sa kanila ngayon--sa kanila ng mama nya lalo na rito sa Hospital kung nasaan sila. Tapos huwag na raw magpapakita ulit at ito na daw ang huli.

Nagulat si Shawn kahit ako, nasabi pa nga ni Shawn na 'akala ko ba nagka amnesia ka??' tapos ang sagot ni Luna 'Nagka amnesia nga ako, matagal ko nang nalimutan ang nararamdaman ko sayo'  mga ganyan! like kung paano nya sabihin iyon ay normal--akala mo hindi na comatose ng 6 months!" Di makapaniwalang kwento pa ni Red at napaawang naman ako.

"A-ano??" Usal ko naman habang di ko maintindihan yung mga nangyayari.

"Parang pinapunta nya lang kami para sabihing wag na ulit sila guguluhin ng pamilya nya dahil wala na daw babalik." Sagot nya at di naman ako nakasagot. "Sige Gen, naiwan na ako ni Shawn baka kung ano pang gawin nun sa pagkabadtrip." Dagdag pa ni red na tinapik ang balikat ko at umalis na habang di ko naman alam kung ano ire-react ko.

Kung ganon posible ngang naaalala ni Luna ang lahat?? Naalala rin nya yung bulaklak... Ibig sabihin ba??

Naaalala rin nya ako??

AwakeWhere stories live. Discover now