CHAPTER 16

0 0 0
                                    

After nya sabihan iyon at tinitigan ko naman sya dahil parang mabigat ang salitang binitawan nya. Nagtungo naman sya roon sa may bintana habang nakatingin sa labas.

"Tuyo na yung rosas na binigay mo sa akin noon... tanda ito ng matagal nating pagsasama at sa loob nun ay naging masaya ako." dagdag niya pa habang nakatingin doon sa rose na dinikit ko sa may bintana mula pa noon. Napakunot naman ang noo ko dahil di ko maintindihan yung sinasabi niya.

Nagpapahiwatig na ba siya??

"Anong ibig mong sabihin??" di ko na mapigilan pang magtanong at napatingin naman siya sa akin.

"Hmm?? Wala naman... Sinasabi ko lang." sagot niya at parang napanatag naman ako.

Akala ko na kung ano...

Pero iba pa rin yung dating ng sinabi niya kanina.

Naalala ko naman noon yung sinabi ko sa kanya na hindi naman pwedeng habambuhay kaming magkasama pero ngayon parang binabawi ko na.

"Pero Gen..." dagdag niya sabay harap sa akin.

"Paano kung dumating yung araw na... na wala na ako. Anong gagawin mo??" Tanong niya pa na kinabigla ko at napatitig naman ako sa kanya.

Ano bang sinasabi niya??

Pag nawala---teka akala ko ba ay wala lang yon?? Pero bakit parang may ibig siyang sabihin??

"H-ha?? B-bakit ka ba nagsasabi ng ganyan??" kunot noo pang tanong ko at muli naman siyang napatingin sa labas.

"Wala lang... gusto ko lang malaman, anytime ay nararamdaman ko na hindi na tayo magkakasama at gusto ko lang malaman kung anong gagawin mo." sagot niya at di ko naman alam ang mararamdaman ko. Bahagya pa akong nagbaba ng tingin.

"Di ko alam..." usal ko. "Sa totoo lang ay di ko alam kung ano bang mararamdaman ko o kung ano bang gagawin ko-bakit mo ba kasi sinasabi ang mga yan?? Aalis ka na ba??" salubong na kilay na tanong ko pero di siya sumagot.

Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko...

"Gusto ko lang kasi malaman na sa pag-alis ko ay ayos ka. Gusto kong bago man ako mawala kung sakali ay nasisiguro kong kayanin mo ang lahat at masaya akong nakikita ko na nagagawa mo na kahit wala ang tulong ko... kasi nakikita ko ng inaayos mo na ang pag-aaral mo---naging top ka pa sa klase niyo. Masaya ako na nakakamit mo na yung mga bagay na akala mo ay imposible sayo." dagdag niya pa.

"Whitey...." naiusal ko lang. "Ehh... h-hindi ko naman magagawa ito kung di dahil sayo ehh..." sabi ko pa.

"Ang totoo kasi niyan Gen, habang tumatagal ay ginugusto kong kasama ka... pero ayokong mahirapan ka nang dahil sa akin." sabi niya pa.

"Pero hindi naman ako nahihirapan ahh, kung tutuusin nga ay marami kang naitulong sa akin at di naman ako nagrereklamo." sagot ko at napatayo na ako sa may kama ko para harapin siya.

"Ano bang nangyayari sayo?? Bakit ka nagkakaganyan??! Magtapat ka nga sa akin?!" inis munit seryosong tanong ko na sa kanya dahil naguguluhan na talaga ako.

"Gen... masaya ako para sa lahat at nang dahil sayo ay naramdaman ko ulit ito..." sambit niya at natigilan ako habang nakatitig sa kanya at nakaharap din siya sa akin.

N-nararamdamang ano...

Nakatingin lang ako sa mga mata niya hanggang sa...

"Mahal kita, Gen..." sambit niya at doon biglang bumilis yung tibok ng puso ko na kinagulat ko pa.

"Mahal kita, Gen..."

"Mahal kita, Gen..."

"Mahal kita, Gen..."

Halos nagpaulit-ulit pa sa tenga ko yung sinabi niya habang di ako makakilos at di ko magawang makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya habang nabaling naman yung mata niya sa may labas ng bintana at bahagya pa siyang natawa...

"Nakalimutan ko nga pala... Hindi nga pala pwede." usal niya pa habang di maalis yung paningin ko sa kanya.

"Sorry...sorry sa nasabi ko. Kalimutan mo na yon." dagdag niya pa at napayuko.

"Whitey..." usal ko pa rin.

"Pero tandaan mo sana na kahit anong mangyari ay piliin mo lang yung mga bagay na nagpapasaya sayo. Kahit anong mangyari ay wag kang papaapekto sa iba at sa mga sasabihin nila. Hangad ko lang ang kasiyahan at kaligtasan mo Gen at makita ko lang na ayos ka ay panatag na ang kalooban ko. Kung magtungo man ako sa kabilang buhay... hihilingin kong sana ay makatagpo rin ako ng tulad mo." sabi niya pa saka humarap sa akin.

Nakatitig lang ako sa kanya at di ko alam pero wala man lang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Mag-iingat ka..." nakangiti pang sabi niya at doon unti-unti na siyang naglaho sa paningin ko.

"Sandali!" naisambit ko pa pero tuluyan na siyang nawala.

Mabilis pa akong napalinga sa may paligid ko at napakabilis ng mga pangyayari.

"Whitey... whitey?? uyy." tawag ko pa pero wala na akong nasilayan at ako na lang ang mag-isa sa may kwart
o ko.

"Gen??" Dinig kong katok sa pinto ko at napatingin ako doon nang bumukas at makita si mommy.

"Mom..." Usal ko.

"Gen, anak, sino kausap mo??" Tanong pa nito at di naman agad ako nakasagot. "Okay ka lang anak??" Tanong pa ni mommy nang mapansin ang reaction ko.

"Ahh y-yes mom." Sagot ko at bakas kay mommy ang pag aalala.

"Kung nahihirapan ka na anak, hindi masama ang magpahinga ha." Sabi pa ni mom "Kumain muna tayo." Yaya nya pa sa akin.

"S-sige mommy, susunod ako." Sagot ko na lang. Tinignan muna ako ni mommy bago sinara ang pinto.


Marahan naman akong naupo sa may kama ko habang nasa ibaba lang ang paningin ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari... pero parang ang bilis ng lahat.

"Mahal kita, Gen..."

Hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin yung sinabi niya at di ko alam kung anong mararamdaman ko.

Sandali... bakit ba ako nagkakaganto??

Ano tong nararamdaman ko??

Hanggang sa huling nangyari ay di ko na alam kung may whitey pa ba akong masisilayan.

AwakeWhere stories live. Discover now