CHAPTER 26

0 0 0
                                    

Pagpasok ko naman sa loob ay marahan kong sinara ang pinto.

"Luna, anak. Sabihin mo sakin kung ano yung nga huling natatandaan mo??" Dinig kong tanong ng mama ni Luna.

Naglakad naman ako papalapit sa kanila at napatingin sa may gawi nila.

Inalala ko naman yung mga sinabi ni Red kanina...

Totoo bang nakakaalala ka nga?? Bakit hindi mo nagawang makilala agad ako?

Hindi sinasagot ni Luna ang mama nya kaya wala naman itong magawa kundi maglakad papalapit sa may gawi ko.

"Baka nga hindi pa talaga lahat naaalala nya, Gen" sambit pa nito at nakatingin lang ako sa may ibaba.

Nilagpasan ko muna ang mama nya saka ako naglakad patungo sa may gilid kung nasaan nakaupo si Luna. Nakatingin lang sya sa ibaba nya kaya nagsalita na ako.

"H-hindi mo ba naaalala ang mama mo, Luna??" Tanong ko pa pero di sya sumagot.

Di ko alam kung ano bang paniniwalaan ko, yung sinabi ba ni red o yung nakikita ko ngayon.

Bakit ayaw nyang magsalita sa amin? Sa akin?

Napabuntong hininga muna ako.

"Gen, pwede bang maiwan muna kita saglit dito??" Dinig kong nagsalita si tita kaya napalingon ako. "Kakausapin ko lang ang doctor para sa paglabas ni Luna at sa mga bayarin na rin." Dagdag nito.

"Sige po tita, ako na po bahala rito." Sagot ko at nagpaalam na nga ito saka lumabas muna ng kwarto.

Doon muling nagbalik ang atensyon ko kay Luna.

"Ahh... S-sige hindi ka na muna namin pipilitin kung ayaw mo magsalita. Ahh dito lang muna ako sa may sofa." Paalam ko na muna kay Luna at aasta na sanang tatalikod pero...

"Gen..."

Doon ako nahinto sa paglalakad at natigilan sa narinig. Doon ko naramdaman ang pagkabog ng puso ko. Di ko alam kung tama ba ang narinig ko pero kung totoo man ay sana ulitin ito sa pandinig ko. Doon ako marahan napalingon kay Luna na kasalukuyang nakatingin nga rin sa akin.

Hindi maalis ng mga mata ko sa kanya at nagkatitigan lang kami.

Binanggit nya ang pangalan ko... naaalala nya kung sino ako...

"Whitey..." Wala sa sariling sambit ko at doon ko nasilayan ang pagngiti nya. Kasabay nun ay ang di ko namalayang pagtulo na ng luha ko.















~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


One week later...

"Nandito na tayo." sabi pa ng mama ni Luna nang makarating kami sa bahay nila habang tulak-tulak ko pa yung wheelchair ni Luna. Wala pa kasi syang lakas para makalakad, marahil aabutin pa sya ng ilang araw bago makalakad muli.

AwakeWhere stories live. Discover now