CHAPTER 18

1 1 0
                                    

Pagdating namin sa labas ng gate ay naabutan naming naghihintay si shawn ng sakayan pero halos walang dumadaan na jeep. Agad naman kaming napalapit sa kanya ni red.

"Matumal ang jeep pag tanghali." sabi ko pa habang napapatingin sa may kalsada.

"Oo nga, wala masyadong dumadaan oh." sabi naman ni red at halata kay shawn na di siya mapakali at mukhang gustong-gusto niya na talagang pumunta.

Agad naman akong nagpauna at may nakita akong tricycle kaya agad akong lumapit roon.

"Kuya, pwede kayong bumiyahe papunta sa Medverse Hospital??" tanong ko pa sa tricycle driver.

"Nako sir, may kalayuan masyado." sagot nito.

"Sige na kuya, importante lang. Dagdagan na lang namin bayad." sabi ko pa at napaisip naman ito.

"Sige na nga sir." sagot nito at napangiti naman ako at napalingon ako kila shawn at red.

"Shawn! Red! Dito na! Dalian niyo!" sigaw ko pa sa kanila at napalingon sila sa akin at kinawayan ko naman sila at mabilis silang nagtungo sa may gawi ko at agad na akong sumakay sa likod ng driver at pumasok na sila sa loob at umandar na kami.

Ilang minuto pa ng makababa kami ay agad na kaming nagbayad at nagpauna si shawn kaya hinabol naman namin siya at pagkarating doon sa may nurse table...

"Lucia Natalia Lopez??" tanong agad ni shawn sa nurse at napatingin naman yung nurse sa may parang libro.

Yun pala totoo niyang pangalan...

"Sir, kaano-ano po kayong tatlo??" tanong pa ng nurse sa amin.

"Boyfriend niya ako at kaibigan ko sila." sagot naman ni shawn at natigilan kami ni red at nagkatinginan pa.

Boyfriend??? Diba ex na siya??

Seryoso lang rin mukha ni red.

Baka siguro dinahilan lang niya iyon para papasukin kami.

"Nasa room 404 po siya, 6th floor." sagot ng nurse at agad namang nagmadali si shawn na naglakad at agad kaming pumasok sa isang elevator at sumakay saka kami nagtungo pataas.

Paglabas namin ay agad nagmamadaling nagpalinga-linga si shawn sa may kaliwang bahagi para hanapin yung pinto at ganun din ako hanggang sa makita ko sa may kanang bahagi yung 404 na pinto.

"Shawn! Nandito!" tawag ko pa at lumapit silang dalawa sa itinuro ko hanggang sa...

Natigilan kami ng mula doon sa may pintuan ay lumabas ang isang babae na may kaedaran na at napatingin ito sa aming tatlo at nadapo ang paningin nito kay shawn, medyo kinagulat pa ng babae nang makita kami.

"Anong ginagawa niyo rito??" seryosong tanong pa nung babae sa amin.

"Tita..." naiusal naman ni shawn.

Tita?? Hindi kaya ay siya na yung mama nung luna??

"Tita Lin, meron po kasing nagsabi sa amin na nandito raw po si Luna kaya agad po kaming pumunta para makita siya." si Red naman yung nagsalita.

"Okay lang sana Red pero bakit sinama mo pa to??" seryosong tanong nung babae na tinuro pa si shawn.

Bigla naman akong kinabahan kasi baka pati ako ay mapagalitan din.

"Tita... gusto ko lang malaman yung kalagayan ni Luna--ang tagal ko rin siyang hindi nakita, pwede ko po ba siyang makita??" pakiusap pa ni shawn.

"Hindi. Pagkatapos mong lokohin ang anak ko ay gusto mo naman siyang makita?" seryoso pang sabi ng babae at natigilan si shawn.

"Tita... hindi ko naman siya niloko, meron lang kaming hindi napagunawaan, Please...please po. Allow me to see her." pakiusap muli ni shawn.

"Umalis na kayo." sabi pa nung babae pero di nagpatinag si shawn at natigilan kaming lahat nang lumabas yung Doktor doon mula sa may pinto at napatingin pa siya sa amin.

Agad naman lumapit yung babae sa kanya.

"Doc, kamusta ang anak ko??" tanong pa ng babae.

"Misis, Meron tayong Good news at bad news. Good news is habang tumatagal ay nagiging maayos na ang kalagayan niya at ipagdasal na lang natin ang tuloy-tuloy na pagrecover niya at maaaring sa ilang araw na lang ay magigising na siya.

Ang bad news naman is... maaaring sa pag gising niya ay mawala ang mga alaala niya but don't worry maaring sa buwan o taon ay unti-unting manunumbalik naman yung mga alaala niyang iyon." sagot naman ng doktor.

"Diyos ko, salamat..." naisambit naman ng babae sa doktor bago ito nagpaalam sa kanya at umalis, saka siya muling humarap sa amin.

"Narinig niyo naman siguro na maayos na siya, pwede na kayong umalis." sabi pa rin ng babae sa amin.

"No. Hindi ako aalis dito hangga't di ko nakikita si Luna." pagmamatigas pa rin ni shawn at nasapo naman nung babae yung ulo niya.

Agad namang lumapit si Red doon sa babae.

"Tita Lin, pwede po bang pagbigyan niyo muna kami kahit saglit lang?? Gusto lang naman po naming makita ang kalagayan ni Luna para nang sa gayon po ay mapanatag kami." mahinahong pakikipag-usap ni red sa babae.

"Di ko alam red. Bakit pa nandito yang kaibigan mo na yan." dinig ko pang sabi ng babae at nakaupo lang si shawn sa may upuan at parang wala talaga siyang balak umalis hangga't di niya nakikita yung Luna.

"Tita, alam kong pinoprotektahan mo lang si Luna pero kahit sana pagbigyan mo lang si shawn at pangako po ay aalis din po kami agad. Ako na po bahala kay shawn incase na may gawin siyang hindi maganda." sabi pa ni red at napatingin naman sa kanya yung babae at napabuntong hininga.

"Sige, hahayaan kong makita niyo ang anak ko pero saglit lang at kailangan niyo ring umalis agad." seryosong sabi ng babae at napatayo naman si Shawn.

"Pumasok na lang kayo sa loob." dagdag pa nito at agad na pumasok si Shawn na sinundan naman ni Red. Sa pintuan pa lang ay bigla na akong kinabahan kaya natigilan ako.

Teka?? Bakit ganun... bakit biglang bumilis tibok ng puso ko??

AwakeWhere stories live. Discover now