CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Uwian na at lagpas alas singko lagpas na ng hapon at nagpaalam na si Red sa akin at tinanguan ko na siya. Kanina pang alas tres ang uwian kaya lang meron kaming sub na nakaextend dahil sa isang activity na need din matapos ngayong araw. Agad naman akong nagtungo sa may hallway ng makasalubong ko yung teacher namin at may mga dala itong gamit.

"Mr. Ricablanca right??" nagulat ako ng bigla itong magsalita.

"Ah...opo." sagot ko.

"May gagawin ka ba??" tanong pa nito sakin.

Gagawin?? Meron pa nga ba??

"Ahh..wala naman po, pauwi na po ako ngayon." sagot ko.

"Pwede ko bang hiramin saglit yung oras mo?? Papatulong lang sana ako para rito sa mga dala ko." sabi niya at napatingin naman ako roon.

"Ahh sige po, wala pong problema." sagot ko saka kinuha iyon sa kanya.

"Pasuyo na lang ako na dalhin mo iyan sa may 5th floor tapos pakilagay sa may table roon sa loob ng classroom sa section 2 BST ha." sabi niya pa at tumango naman ako.

"Sige po, ako na bahala." sagot ko.

"Salamat, iho." sabi niya pa at nagpaalam.

Habang ako naman ay umakyat na sa may itaas habang hawak ang mga gamit na pinapalagay doon.

Fifth floor pa?? Tapos hagdan.

Bakit ba kasi ako pumayag??! Nakakahiya naman kasi kung tumanggi ako!

Napapansin ko na ring wala na masyadong studyante akong nakikita dahil kanina pa nga yung uwian.

3rd floor pa lang ay nakaramdam na ako ng pagod kaya nagpahinga naman ako saglit.

Ikaw ba naman akyatin yung hagdan hanggang 5th floor eh.

Muli naman akong nagpatuloy sa paglalakad, 4th floor at sa wakas ay nakarating din ako ng 5th floor kahit medyo sumakit pa ang tuhod ko roon.

Pero wala nang katao-tao doon at nakapatay na yung mga ilaw. Napabuntong hininga naman akong naglakad sa may hallway at binuksan ang switch sa may gilid at doon ako nagsimulang maglakad habang hinahanap ko yung room na sinasabi ng teacher kanina at nang makarating ako sa dulo at natanaw ko na.

Section 2 BST... eto na nga yon.

Agad kong pinihit yung pinto at ang dilim sa loob kaya kinapa ko naman yung switch ng ilaw at binuksan ito.

Agad naman akong pumasok sa loob at nilapag iyong mga gamit sa may table gaya ng sabi nya.

Alright... tapos na, pwede nakong umuwi.

Agad na akong lumabas at pinatay ang ilaw ng room saka sinara ang pinto at saktong pagsara ko ay nagpatay bukas ang ilaw sa may hallway. Napatingin naman ako sa may paligid at wala naman ibang tao dahil ako na lang ang nasa floor.

Tss... pundido ba to??

Agad na akong naglakad pababa pero bago yun ay pinatay ko na muna yung switch ng ilaw ng hallway.

Saktong pagtalikod ko ay bigla na naman bumukas yung ilaw kaya natigilan ako.

Teka... pinatay ko na to ahh, sira ba to??

Muli akong lumapit sa may switch at pinatay iyon saka umalis na at nagtungo sa ibaba. Napatingin pa ako sa orasan ko at alas sais na.

Ang bilis naman ng oras.

Pagbaba ko ng 3rd floor ay may nadaanan akong Cr kaya pumasok muna ako roon para umihi.

Habang umiihi ako ay napansin ko naman na maingay yung pintuan ng cubicle doon sa may bandang dulo.

Nang matapos akong isara ang zipper ko ay marahan akong lumapit roon sa may dulong cubicle at tinignan pero wala naman akong napansing kakaiba roon.

Ano kaya yun?

Agad naman akong nagtungo sa may sink at naghugas na lang ng kamay saka inayos ko pa sa may salamin yung buhok ko hanggang sa--

**BOOGGSSSHHHHH!!!**

Halos mapatalon pa ako sa gulat nang marinig kong may kumalabog na naman doon banda sa may dulong cubicle.

Anak ng? Sino namang maglalaro sa banyo ng gantong oras?!

"Sino yan?? M-may tao ba diyan??!" di ko na mapigilang magsalita habang nakatingin lang ako doon sa may dulo.

Marahan akong muling lumapit doon sa may cubicle na yon at marahang binuksan yung pinto at napansin kong bumagsak yung takip ng inidoro.

Tshh...a kala ko pa naman kung an---

"Hihihihihi..."

Natigilan ako nang makarinig ng tawa na matinis sa kung saan at mabilis akong napalingon sa paligid ko.

Tf was that?!

"S-sino yan??!" tanong ko pa.

"Hulaan mo..."

Sagot nito at mas nanlaki pa ang mata ko.

Wtf?!

Nagulat ako nang biglang nagpatay-bukas yung ilaw ng Cr kaya agad naman akong napatakbo patungo roon sa may pinto at muling humarap sa may likuran ko.

"H-hoy! K-kung inaakala mong nakikipagbiruan ako sayo--pwes hindi!" singhal ko pa.

"Huwag ka namang magalit..." Dinig ko pang salita nito at sa mga oras na ito ay di ko na alam ang mararamdaman ko.

Ano yon?! Sino yon?!

"K-kung sino ka man... di ko gusto trip mo! Kaya lumabas ka na at magpakita!" singhal ko pa.

Di ko naman narinig na sumagot ito.

Hanggang sa napatingin naman ako doon sa may salamin at natigilan sa nakita ko. Mula doon sa replika ay unti-unti kong natatanaw ang pagbuo ng isang imahe hanggang sa natanaw ko ang kabuuan nun at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"M-m-m-mu-multo!" naibulalas ko pa habang nakaduro doon.

N-no no no...

"Hi!" sabi pa nito at nakaramdam naman ako ng takot at agad kong binuksan yung pinto ng Cr saka nagtatatakbong lumabas at nagmamadaling makababa.

AwakeWhere stories live. Discover now