CHAPTER 20

0 0 0
                                    

Kinabukasan...

Sabado, walang pasok pero nakabihis ako.

"Saan ka pupunta Gen??" tanong pa ni ate sa akin.

"Ahh... may pupuntahan lang saglit." sagot ko pa saka ako nagtungo papalabas ng pinto.

Paglabas ko ng gate namin ay nag-abang ako ng jeep at sumakay.

"Bayad po, Medverse hospital lang." sabi ko pa sa driver saka inabot ang bayad ko.

Pupunta ako roon kahit anong mangyari... pupunta ako.

Ilang minuto pa ng byahe nang makarating ako sa may hospital. Agad akong nagtungo roon sa may elevator at sumakay papaakyat at ilang saglit pa...

*ting!*

Bumukas iyon saka ako lumabas at nagtungo roon sa may room ni Luna.

Malayo pa lang ay tanaw ko na yung mama ni Luna na nasa labas at nakaupo. Napatingin naman siya sa akin at napatayo nang makita ako. Nahinto pa ako sa may harap niya.

"Diba... Ikaw yung??" usal niya pa.

"Pwede ko po bang bisitahin ang anak niyo??" tanong ko pa at napatingin siya sa akin.

"Ikaw lang ba mag-isa??" tanong niya pa at tumango naman ako.

"Sige, pumasok ka na." sambit niya at ngumiti ako.

"Salamat po. Para sayo nga po pala." sabi ko sabay abot ng dala kong nakaplastic na prutas.

"Para sakin??" gulat pang tanong niya.

"Alam ko pong kayo lang ang mag-isang nagbabantay sa anak niyo kaya kailangan niyo rin ng lakas sa sarili niyo." sabi ko pa at napatitig naman sya sa akin.

"Salamat... nag-abala ka pa." simpleng ngiting sabi niya at tumango lang ako saka na ako pumasok sa loob.

Pagpasok ko ay walang ibang tao rito kundi ako lang at si Luna na walang malay. Marahan pa akong lumapit sa kanya at doon ko nasilayan ang kabuuan ng mukha niya.

Siyang-siya nga talaga...

Marahan naman akong naupo sa may gilid niya.

Tinititigan ko lamang ang mukha nya habang nakaukit pa sa aking isipan yung mga huli nyang sinabi sa akin ilang linggo na rin ang nakalilipas.


"Ang himbing mong natutulog... parang noon lang ay walang kasing-ingay ang bunganga mo. Ang lakas mong mang-asar pero aaminin kong lahat ng iyon ay namiss ko... namiss ko ng sobra." usal ko pa habang pinagmamasdan siya at tanaw kong maraming nakatusok sa kanya.

Whitey, pwede bang bumangon ka na dyan at harapin mo ako?? Gusto kong marinig lahat ng paliwanag mo.

AwakeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt