CHAPTER 2

2 0 0
                                    

Kinabukasan....

Patungo na ako ngayon sa may eskwelahan ko habang naglalakad at nakapamulsa.

"Hi Gen..."

Dinig kong bati sa akin ng mga kababaihan na nakakasalubong ko at nginingitian ko lang sila.

See?? Even those girls ay nahuhumaling sa akin.

Ako na nagpapatunay na hindi mahirap mag-aral sa semi.

Pagpasok ko ng classroom ay saktong wala pang teacher at magulo pa sa loob ng classroom, may nagbabatuhan ng papel, may nagdadrawing sa whiteboard ay maingay dahil ang daming nagdadaldalan. Natagpuan ko naman sila Red at Shawn na naguusap na dalawa at mukhang seryoso.

Ano meron?

"Huy! Busy ata kayo ahh." gulat ko pa sa kanila.

"Ohh ikaw pala yan Gen." si Red.

Naupo naman ako at mukhang seryoso pa rin si Shawn.

"Mukhang taimtim yung pinaguusapan nyo at mukhang seryoso ahh, ano meron?" Tanong ko pa.

"Ahh...wala, yung kaklase lang namin yun dati." sabi pa ni red.

"Ahh... kaklase dati??" tanong ko pa.

"Si Luna..." dinig kong usal ni shawn.

Sino yun??

"Luna?? Hindi ko kilala ehh. Ano bang meron sa kanya at seryoso niyong pinaguusapan??" tanong ko pa.

"Si Luna, ex ni Shawn." sagot ni Red na kinagulat ko at napatingin pa ako kay shawn at seryoso lang habang nakakrusmanong nakatingin sa ibaba.

"Hindi mo na kasi siya naabutan dahil second semester ka na nung nagenroll ka dito. Kaklase talaga namin siya...bigla na lang siyang hindi pumasok at wala kaming ideya kung bakit. Napag-usapan lang namin ngayon dahil para alamin kung may balita na ba tungkol sa kanya." sagot ni red at natigilan ako.

Kaya pala seryoso, ex pinag uusapan eh.

"G-ganun ba... b-bakit hindi niyo tanungin yung parents niya? baka naman siguro kilala mo yun shawn dahil naging kayo naman diba??" baling ko kay shawn at bumuntong hininga ito.

"Yun na nga ang mahirap... ayaw rin sabihin sa akin ng mama niya. Sa tuwing tinatanong ko--ang sagot lang lagi sa akin ay hindi na daw papasok si Luna. Minsan nga ay iniisip ko na baka may malala siyang sakit kaya hindi na siya pumapasok." sagot naman ni shawn at bigla itong tumayo.

"Cutting muna ako." sabi pa ni shawn na kinataka ko.

"Ha?! Teka saan ka naman pupunta??!" gulat pang tanong ni red.

"May pupuntahan lang ako. Pag hinanap ako ay sabihin niyo na lang na masama pakiramdam ko kaya hindi ako makakapasok." sagot niya saka tumalikod at umalis at napaisip naman ako.

AwakeWhere stories live. Discover now