CHAPTER 5

2 1 0
                                    

Umaga na pero gising pa rin ako, buong magdamag lang akong gising habang iniisip yung nangyari.

Napatingin naman ako roon sa may bintana at maliwanag na. Marahan naman akong nagtungo sa may Cr para maligo.

Papasok ako ng school na puyat.

Pagpasok ko ay binuksan ko na yung shower para maligo at nakatingin lang ako sa may ibabang tiles habang bumubuhos yung tubig sa katawan ko.

Ano ba to Gen... tigilan mo na kakaisip dun at wala kang mapapala. Multo lang yon at tao ka at mas may laban ka.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng uniform saka bumaba sa may kitchen.

"Good morning Son, bakit parang kulang ka ata sa tulog??" tanong ni mommy nang makita ako at naupo naman ako.

"Wala mom, late lang ako natulog kagabi" pagdadahilan ko kahit ang totoo ay di talaga ako nakatulog.

Agad naman akong kumuha ng tinapay at hotdog sa may plate ko.

"Bakit ka nga pala nagmamadali kagabi at pawis na pawis ka??" tanong pa ni mommy kaya naalala ko na naman yung dahilan nun.

"Ahh... wala lang po yun, akala ko kasi ano... akala ko late na ako para panoorin yung paborito kong palabas." pagdadahilan ko pa rin.

"Akala ko pa naman kung ano na nangyari sayo." sabi pa ni mom at nagsimula na kaming kumain, ilang saglit pa ay nagsalita muli ako.

"Mom... pwede bang ipablessing niyo tong bahay??" biglang tanong ko at napatingin naman siya sa akin.

"Ano anak??" pag-uulit niya at napabuntong hininga ako.

"Gusto ko po sanang ipablessing niyo yung bahay natin." sagot ko pa.

"Ipablessing?? Bakit naman?? Ehh after magawa ng bahay natin ay napablessing na ito." sagot niya at natigilan ako habang kunot noong nakatingin sa plato ko.

Tapos nang napablessing?? Ehh paano naman nakapasok rito yung nilalang na yun after niya akong sundan??!

At sabi niya pa ay makakalapit pa rin daw siya sa akin kahit pa tutukan ko siya ng santo!

Ha! Di ata takot sa Diyos yung nilalang na yun ah?

"Anak?? May problem ba??" biglang tanong ni Mom at napatingin ako sa kanya.

"Ahh... wala po Mom. Sige po, mauna na ako." paalam ko pa saka hinalikan si mom sa sintido at sinukbit ko na yung bag ko at naglakad papalabas.

"Ingat anak!" dinig ko pang sigaw ni Mom hanggang sa makalabas na ako ng gate.

Pero saktong pagtingin ko roon sa may kabilang kalsada ay natigilan ako.

No hindi to pwede!

Guni-guni ko lang to.

Nakatayo na ito habang nakatingin sa akin.

AwakeWhere stories live. Discover now