CHAPTER 22

0 0 0
                                    

Ilang minuto rin kaming nagkausap ng mama ni Luna nang maisipan ko na ring magpaalam.

"Sige po, mauna na ako sa inyo. Magpahinga na rin po kayo." paalam ko pa.

"Sige iho, mag-iingat ka. Di bale ay kahit anong oras ay pwede kang dumalaw dito mag-isa... at kung magising man ang anak ko ay babalitaan kita, pwede bang hingiin ko na lang number mo para sakali??" nakangiting tanong nito at agad naman akong tumango saka kinuha yung wallet ko.

"Sige po... ito po calling card ko. Pwede niyo rin po akong itext kung sakaling may problema po." sabi ko pa.

"Oh sige salamat, mag-iingat ka, iho." sabi pa nito.

"Maraming salamat po." sambit ko pa.

"Oh siya, ihahatid na kita sa may pintuan." sabi niya pa saka kaming nagtungo sa may pinto.





Pagbukas namin ng pinto...

Bigla akong natigilan sa nakita ko sa may labas matapos buksan ito at pareho pa kaming nagkagulatan nang makita ang isa't-isa.

"Gen??" gulat pang tanong niya.

"S-shawn..." naiusal ko lang.

"Anong ginagawa mo dito??" wala emosyong tanong niya sa akin.

"Ehh ikaw! Anong ginagawa mo dito?? Sinong nagsabing pwede kang bumalik??" dinig kong mama ni luna yung nagsalita sa kanya.

"D-dinalaw ko lang si Luna... pero pauwi na rin ako." sambit ko saka lumabas ng pinto.

Hindi naman sya sumagot at halata sa itsura nya yung pag iisip kung bakit nga ba ako nandito.

"Geh pre, mauna na ako sayo." sabi ko pa saka muling humarap kay tita at yumuko. Pagbaling ko ay tinignan ko pa saglit si shawn at tinanguan na lang din, nilampasan ko na sya at umalis.






Hindi ako sumakay ng elevator at sa halip ay naghagdan ako pero...

"Gen." natigilan ako sa pagbaba ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya napatingin naman ako roon.

Si shawn pa rin.

Marahan naman siyang bumaba papalapit sa may gawi ko.

"Pwede ba tayong mag-usap??" seryosong tanong niya at bahagya naman akong tumikhim.

"Oo naman." sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Diba transferee ka?? Paano mo nakilala si Luna??" seryosong tanong niya pa.

"Nung pumunta tayo dito kahapon ay doon ko siya unang nakita." sagot ko.

"Ganun?? Pero bakit pumunta ka sa kanya ng ikaw lang mag-isa??" tanong niya pa rin at bahagya naman akong natawa.

"Bakit?? Di ba pwedeng dalawin ko siya ng ako lang mag-isa??" balik tanong ko rin sa kanya.

"Gen, Hindi porket alam mong may relasyon yung tao sa kaibigan mo ay pwede mo ng puntahan ng ikaw lang 'mag-isa'." pandidiin niya pa.

"Shawn?? Kailangan bang groupmates dapat??" natatawa pa ring tanong ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Gen." sagot niya pa pero tinignan ko lang siya

"Sabihin mo nga sakin kung anong pakay mo kay Luna?? Kasi kahapon lang naman kayo nagkita pero nagsosolo flight kang puntahan siya na para bang matagal na kayong magkakilala. Nakakapagtaka naman yon diba??" tunog sarkastikong sabi ni niya.

"Dahil lang doon shawn?? Kung si Red ba ay nagsolo flight ding dumalaw kay Luna ay ganyan ka rin??" tanong ko pa.

"Wag mong ibalik sa akin ang tanong. Kailanman ay hindi ka pinakilala ni Luna sa akin as her friend. Parang nasobrahan ka naman ata sa pagiging concern mo kaya mo siya pinuntahan dito?" dagdag niya pa.

"Masyado ka naman atang nagiging seloso shawn at dahil lang sa dinalaw ko siya ng di ko sinasabi sa iyo ay nagkakaganyan ka na?? Bakit?? Wala naman na kayong relasyon ni luna ahh... Isa pa ay ayaw ng mama niya na nandito ka so anong rason para magpaalam pa ako sayo??" sabi ko pa at napansin kong umigting naman yung panga niya.

"Hindi ko lang alam na luna pala ang pangalan niya pero matagal ko na rin siyang kilala bago pa tayo magtungo rito kahapon. Kung inaalam mo kung ano yung intensiyon ko kay Luna ay sa akin na lang yon.

Look shawn, you're my friend kaya ayokong magkaroon ng gulo ng dahil lang dito." dagdag ko pa.

"Talagang magkakaroon ng gulo sa pagitan natin, Gen. I want you to stay away from luna." sabi niya pa at seryoso ko syang tinitigan.

"Sorry... hindi ko magagawa yang sinasabi mo." sagot ko pa.

"Bakit?! Para sa anong dahila----" singhal niya pero...

"--Dahil mahal ko siya shawn!" agad na pangpuputol ko at natigilan siya at diretsong nakatingin sa akin.

"Mahal ko si wh-Luna. Siguro ay nagtataka ka sa kung papaanong nangyari na anong kinalaman ni Luna sa buhay ko... malaki, malaki ang kinalaman niya at wala na akong nakikitang dahilan para sabihin ko pa yon sayo." dagdag ko at nagsalubong pa ang kilay niya.

"Sino ka naman para sabihin yan kay Luna??!" singhal niya pa.

"Sino ako?? Maaaring hindi niya ako maalala pag-gising niya pero siya na mismo nagsabi na mahal nya rin ako. Wag ka mag-alala shawn... kung ano man yung ginawa mo sa kanya noon ay hindi ko gagawin sa kanya ngayon." seryoso pang sabi ko.

"Kung wala ka ng sasabihin ay mauuna na ako." dagdag ko pa saka na bumaba.

"Di pa tayo tapos Gen, tandaan mo yan." dinig ko pang pahabol niya pero nagpatuloy na ako sa pagbaba at napabuntong hininga na lang ako.

I guess this is it. Dito masisira ang lahat but wala na akong panghihinayangan pa. Di ko na ulit hahayaang mawala sa ikalawang pagkakataon si Whitey sa akin, si Luna.

AwakeWhere stories live. Discover now