CHAPTER 9

0 0 0
                                    

Kinaumagahan...

Marahan naman akong napadilat ng mapansin kong umaga na.

"Good morning!!"

Muntik pa akong mapalundag sa gulat ng saktong pagdilat ng mata ko ay siya agad yung nakita ko.
Nasapo ko naman bigla yung ulo ko.

"Aghhh... ang aga-aga ay nanggugulat ka." singhal ko pa at tumatawa siyang nagtungo sa may bintana.

"Syempre sobrang saya ko... ang saya-saya ko!" masayang sabi niya.

Tshh...mukha nga.

Bigla ko namang inalala yung kagabi.

Talaga bang pumayag ako?? Hindi kaya ay dahil sa nakainom lang ako at sa pag ligtas nya ng buhay ko kaya nagdesisyon ako ng ganon??

Tinitigan ko naman sya at bakas sa mukha nyang masaya sya. Wala na rin naman akong choice dahil nandito na to eh, hahayaan ko na lang.

Napaunat naman ako ng katawan.

"Basta yung usapan natin kagabi ay tandaan mo." sabi ko pa saka tumayo upang magtungo sa Cr at maligo.

"Yung bawal akong lumapit at makipag-usap sayo tuwing may ibang tao dahil baka isipin nila na baliw ka dahil di nila nakikita kung sino kausap mo?? Oo naman at tinatandaan ko yon!" sabi niya pa.

Mukha ngang tandang-tanda nya.

"Alam mo, mukhang may nakalimutan ka pa." sabi ko.

"Huh?? Ehh ano yun??" taka pang tanong niya at tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Na bawal mo akong sundan sa banyo lalo't maliligo ako." sagot ko at natigilan siya.

"A-ahh... ano , ehh... eto na, eto na-lalabas na." nagkukumahog na sabi niya at nagmamadali siyang lumabas at di ko naman maiwasang matawa.

Tsshh... kahit pala ganyan siya ay alam niya pa ring babae siya.

Eh babae naman din kasi talaga sya!

Paglabas ko ng banyo ko ay kinuha ko yung uniform ko para magbihis. Napatingin naman ako sa may labas ng bintana.

Hmm?? Kanina maliwanag pa tapos biglang naging makulimlim??

Uulan kaya??

"Hmm...Uulan, papasok ka pa??" dinig kong tanong niya.

"Di naman matutuloy yan." sabi ko pa saka lumapit sa salamin para ayusin ang sarili ko.

"Uulan yan, sigurado ako... sige ka... hula ko pa nga ay suspended klase mo ngayon." sabi niya at napatingin naman ako sa kanya.

AwakeWhere stories live. Discover now