CHAPTER 15

1 1 0
                                    


Lumipas pa ang ilang mga linggo at napakaraming nangyari sa loob nun. Hindi pa rin nagbabago yung patutungo namin ni whitey sa isa't-isa like tuturuan niya ako sa studies, biruan, asaran, inisan na para bang matalik kaming magkaibigan. Dahil din sa kanya ay napapansin nila Mom na gumaganda raw result ng grades ko sa card marahil ay siya talaga nag impluwensiya sa akin na mag-aral nang mabuti simula noon sa quiz bee.

Marami rin akong nalaman sa kanya like birthday, kwento ng buhay niya at kung anong nangyayari sa buhay niya nung buhay pa siya. Tapos sabi pa niya ay hate pa rin daw niyang tinatawag ko siyang whitey kasi tunog aso dda hahaha pero no choice siya dahil yun yung gusto ko ehh. Nalaman ko rin yung mga bagay na ayaw niya at gusto at tuwing kasama ko siya ay unti-unti kong hinihiling na sana ay tao na lang talaga siya.

Tulad ngayon nagrereview ako habang nakatingin naman sya sa may bintana.

"Pansin ko, lagi kang nakatingin dyan." Sabi ko pa.

"Ang ganda kasi tignan ng langit dito." Sagot nya.

"Bakit? Gusto mo na ba umakyat?" Biro ko pa.

"Sira! Hindi ba pwedeng gusto ko lang yung view??" Sagot nya at bahagya naman akong natawa.

Alam na kaya nya ang purpose nya kung bakit nandirito pa rin sya sa lupa?? Hindi kaya ay dahil sya tumitingin sa langit ay nakikita nya na ang lagusan??

Sa totoo lang ay naaawa ako sa kanya. Para bang tao lang din sya pero ang kinaibahan ay para lamang hangin na dinadaan-daanan.

"Whitey." Tawag ko pa at lumingon sya.

"H-hanggang kailan ka dito sa lupa??" Tanong ko pa at natigilan naman sya at napayuko.

"N-naiirita ka na ba sakin??" Malungkot pang tanong nya na kinagulat ko.

"Ha?? Hindi ah! I mean napapansin ko kasi na parang may hinihintay kang mangyari... Na cu-curious ako like parang ang lalim minsan ng iniisip mo na tila may hinihintay ka. Ano nga ba iyon??" Tanong ko pa.

Napatingin sya sa akin.

"Di ko rin alam, Gen. Minsan napapaisip ako kung bakit nga andito pa ako eh. Parang walang kasiguraduhan ang Diyos sa kalagayan ko." Sabi nya.

"W-wag ka namang ganyan--baka hinahayaan ka munang enjoyin mo ang mga araw mo dito sa lupa." Sagot ko, di ko alam pero medyo malungkot din para sa akin ang sinabi kong iyon.

"Di mo ako naiintindihan Gen." Sagot nya at natigilan naman ako.

Di ko naiintindihan??

"Ahh basta kung ano man ang plano ng Diyos ay sya na ang bahala sakin, basta ako nag eenjoy dahil andyan ka naman para sa akin eh." Sabi nya at napaisip naman ako at napangiti rin.

Kung ano man ang plano ng Diyos, ang gusto ko lamang ay kung saan ka masaya whitey.
















~~~~~~~~~~~~~~~~

Hanggang sa lumipas pang muli ang mga araw.

April 1...

"Nakikita mo yang teacher na yan??" sabi niya pa at tinignan ko naman kung sino yung tinutukoy niya.

"Si Ma'am Liza??" tanong ko pa.

AwakeWhere stories live. Discover now