CHAPTER 17

0 0 0
                                    

Lumipas pa ang mga araw at wala na talaga akong nasisilayang whitey sa school man o sa mismong kwarto ko.

Hindi kaya ay... nakatawid na siya sa kabilang buhay??
O di naman kaya ay nakapasok na siya ng langit??

Kung gayon ay huling paalam niya na pala sa akin iyon?



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lunes...

Nakatitig lang ako sa may bintana at nagbabakasakaling biglang lumitaw muli si whitey pero wala akong nasilayan....kahit pa yan ang paborito niyang pwesto.

Martes...

Nahinto ako sa may pinto ng kwarto ko at marahang binuksan ang pinto upang magbakasakali pero kahit sa kama ko ay wala na akong nasilayang nakaupo dito.

Miyerkules...

"Whitey!" Agad na sabi ko sabay lapit doon sa may kabilang kalsada pero natigilan ako nang mapansing sinampay pala iyon at kulay puti.

"Son, sinong hinahanap mo??" dinig kong tanong pa ni mom sa may likuran ko.

"Wala po, Mom." naiusal ko lang.

Huwebes...

(When we're out in a crowd laughing loud
And nobody knows why
When we're lost at a club, getting drunk
And you give me that smile
Going home in the back of a car
And your hand touches mine
When we're done making love
And you look up and give me those eyes
'Cause all of the small things that you do
Are what remind me why I fell for you
And when we're apart, and I'm missing you
I close my eyes and all I see is you
And the small things you do)

Dinig kong kanta sa may radyo ng jeep habang nakatitig lang ako sa may ibaba.

Yan yun... yan yung kinanta niya nung unang beses ko siyang narinig...

Biyernes...

"Alam mo Gen?? Napapansin kong tulala ka lagi at nakatitig ka roon sa may bintana?? May nakikita ka bang hindi namin nakikita??" dinig kong salita ni red at natigilan ako.

"Ha??" agad na sambit ko matapos mabalik sa tuliro.

"Ayos ka lang ba??" tanong naman ni shawn.

"Oo naman... A-ayos lang ako." agad na sagot ko at tinitigan lang nila akong dalawa.

"Gen?? Sure ka ba?? Kung may problema ka ay pwede mo naman sabihin sa amin eh." dagdag pa ni red at simple lang ako ngumiti.

"Wala...wala akong problema. Pero salamat sa inyo." sambit ko pa at tinapik lang ni shawn ang balikat ko at muli ng pumasok yung teacher at nagsimula na itong magturo.

Minsan ay di ko pa rin maiwasang mapatitig roon sa may bintana kung saan madalas ko siyang nakikita.









~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



AwakeWhere stories live. Discover now